Chapter 3

64 13 20
                                    

"Hala Bianca! Ang swerte mo huhuhu" bulong sakin ng mga nasa likod ko.

"Oo nga. Kung alam ko lang na mataba pala ang bet ng mga afam, nagpataba nalang din ako."

"Mahilig talaga mga kano sa exotic beauty."

Natahimik ako sa mga binubulong nila. Tipid na ngumingiti kahit na may parte sa loob ko ang bumibigat.

Biro lang yun pero bakit may kirot?

Hindi ko dapat sineseryoso kasi joke lang naman yun eh. Baka mamaya sabihin nila napaka sensitive ko.

Binalingan ko sila ng may tipid na ngiti at hinarap na ulit si Alexander the Great na nasa harap,katabi si ma'am.

Literal na nakatingala si maam sakanya dahil ang tangkad talaga niya.

"What's your name, hijo?"

"Aidreneil Foster po." Magalang na sagot niya

Natawa si ma'am at pabiro siyang hinampas sa balikat. "Nagtatagalog ka naman pala. Kinabahan ako kanina ha!"

"Akala ko ba Alexander the Great?!"

"Scammer yan ma'am!"

"Quiet Class!!" Pagpapatahimik ni ma'am sa mga highper kong mga kaklase bago hinarap si Aidreneil ulit.  "Anong lahi mo hijo?" Tanong ni ma'am na ikinapout ng lalaki.

Narinig ko ang mga impit na gigil na tili ng mga babae sa room.

Kahit man ako, sa loob loob ko may kung anong epekto siya sakin. Pigil na pigil ko ang sariling mapangiti dahil baka magaya ako sakanilang paimpit na mapatili. Nakakahiya.

Hindi naman bagay sakin umakto ng ganon.


"Ma'am para naman akong aso niyan." Kakamot kamot sa ulong biro niya bago ngumiti na paniguradong nagpatibok sa puso, hindi lang ng akin, kundi ng lahat ng babae dito. "Amerikano po tatay ko. Filipina naman po ang nanay ko." Magalang na sagot niya.

I knew it. Unang tingin palang talaga muka na siyang kano, pero meron paring something sa itsura niya na parang may dugong asian din. Pero hindi siya singkit o moreno.

Buong klase ni ma'am,  imbis na magturo ay ininterview lang nila si Aidreneil.

Nasa gilid lang ako, nakikitawa pero hindi nakisali sa pagtatanong.

Paminsan minsan ay nahuhuli ko siyang sumusulyap sakin kaya napapaiwas agad ako bago pa man niya ako mangitian. Nagkukunwaring may sinusulat sa notebook kahit na puro drawing ng puso lang naman naidodrawing ko.

Nung makabalik siya sa upuan ay di pa ata siya pagod dumaldal dahil andami niyang tanong sakin..

"Anong full name mo?" Tanong niya.

Sinulyapan ko lang siya saglit at tumingin na agad sa mga daliri ko.

"Bianca Bustamante." Simpleng sagot ko. Akala ko tatango lang siya pero may tanong ulit siya.

"Anong itatawag ko sayo? Bi? BB?BiBu?"

Napasulyap ako sakanya at di maiwasang mapatawa ng mahina..

"Bianca nalang." Pigil ngiting sagot ko. Pilit na pinipigilan ang kilig dahil dinadaldal ako ng crush ko..

"Ayoko non. May ibang Bianca dito eh. Pano pag tinawag kita? Tas lumingon din siya? Awkward yun!" Parang batang reklamo niya at talagang humarap na sakin at bahagyang yumuko ulit para silipin ako. Mas lalo lang akong napaiwas ng tingin.

Turn Over A New LeafWhere stories live. Discover now