Chapter 9

41 9 3
                                    

"Eto oh mas maliit." Inabot niya sakin ang isang bote ng dede.

Pinindot pindot ko ang chupon non at ng maramdamang makapal naman yun at hindi na siguro madaling mangangat ay kinuha ko na.

Wala pa namang ngipin si Wayto kaya okay na siguro to.

"May bibilin ka pa ba?" Tanong ko. May dala kasi siyang basket, isang bote lang naman ang laman.

"Hindi ba natin siya bibilan ng mga laruan? Chaka damit?" inosenteng tanong niya, di ko napigil ang kamay ko ng otomatikong pumisil sa pisngi niya.

Parehas kaming nagulat sa ginawa ko kaya agad ko yung binaba at tinalikuran na siya.

Shit!!! Shit!!! Ano nanaman bang kahihiyan ang ginagawa ko sa sarili ko?

Nakakahiya. Jusko!!! Pati sarili ko di ko na makontrol.

Ano nalang sasabihin niya? Na touchy na ako? Baka ayaw niyang hinahawakan ang muka niya? Baka magalit siya sakin?

"Bb ang cute ng kamay mo!"

Halos makuryente ako ng hawakan niya bigla ang kamay ko at pinisil.

Nang tingnan ko siya ay agad din akong napaiwas dahil nakayuko nanaman siya at sinisilip ako.

Hindi ko alam kung paanong nangyaring magkahawak kamay kami habang namimili ako ng tanikala at bola para kay Wayto.

Ni minsan di ko magawang lingunin siya dahil sa kahihiyan ko. Alam kong pulang pula na ang muka ko at nakakahiya kung makikita pa niya yun. Baka mamaya isipin niya ang arte arte ko at patay na patay ako sakanya.

"Ako na magbabaya---"

"Hindi. Ako na." Putol ko sakanya. Di naman na siya nakipagkulitan pa at hinayaang ako na ang magbayad.

Dala niya sa isang kamay ang supot ng pinamili namin, ang isang kamay naman ay nakahawak parin sakin.

Nakakahiya! Baka may makakita samin na taga school dito tas isipin na nagdedate kami. Ayoko namang masira ang pangalan niya dahil sakin.

Baka sabihin ng mga makakita ay 'love is blind' kasi nagustuhan ng gwapong lalaki ang baboy na si ako.

Kahit hindi naman talaga ako gusto ni Neil iba parin ang nakikita nila.

"Uhm. Neil..." Naiilang kong tawag sakanya habang hinihintay naming kumonti ang sasakyan sa highway para makatawid na.

"Hmmm?" Yumuko ulit siya at sinilip ako. Malaking malaki ang ngiti sa muka.

Mukang ako lang talaga ang apektado sa magkahawak naming kamay.

"Y-yung ano...yung kamay ko." Puna ko at tinuro ang kamay ko na hawak niya.

Pero imbis na bitawan ay mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak don.

"Hmm?" Tanong niya ulit, nakangiti at mukang sobrang saya.

"Baka kasi may makakita..." Bulong ko, sapat na para marinig niya.

Nakakahiya naman kasi. Baka isipin niya ako pa talaga ang may karapatang magreklamo samantalang siya ang pinaka maapektuhan dito.

Aware naman ako na madaming nagkakagusto sakanya sa school, sikat nadin siya. Kaya kung may makakita man samin, baka sabihing 'ang baba ng taste' ni Neil.

"Hindi ka ba komportable?" Mahina at maingat niyang tanong. Nawala na ang ngiti ngayon.

Yumuko ako at tumango. Hindi ako komportable kasi baka mahusgahan ka ng mga makakakita satin.

Baka may kumalat nanamang chismis tungkol satin.

Bumuntong hininga siya at binitawan na ang kamay ko.

Turn Over A New LeafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon