Chapter 22

31 4 0
                                    

Neil is acting weird.

Nakangiti siya sakin pero ramdam ko din ang pag iwas niya. Lagi siyang nakasunod sakin pero madalang lang akong kausapin. Madalas kong naaabutang nakatitig siya sakin pero agad din naman siyang iiwas ng tingin na parang walang nangyari.

Galit ba siya? Bakit naman siya magagalit?

Dahil ba sa nangyari kahapon?

Nagalit ba siya kasi 'magkaaway' kami ng kaibigan niya?

Nagsumbong kaya sakanya si Yasmine? Ano namang isusumbong ni Yasmine eh siya pa nga ang may ginagawang masama sakin?

Tuwing walang teacher o kaya ay break, imbis na bumaba sa canteen katulad ng nakasanayan ay nakadukdok lang siya sa armchair niya at mukang natutulog.

Hinayaan ko nalang dahil mukang puyat pa siya kasi kanina pa siya hikab ng hikab at kanina pa tulala sa mga klase.

"LQ?" biglang sulpot ni Fely sa tabi. Parehas naming pinapanood si Neil na nakadukdok sa armchair at natutulog.

Siguro napansin din niyang ang tahimik bigla ni Neil. Lagi kasi siyang maingay at laging nakikipag asaran sa 3J's kaya siguro kapansin pansin na matamlay siya.

"Hindi ko alam." seryosong sagot ko. Hindi ko naman kasi alam kung galit ba siya sakin o hindi. Muka namang hindi kasi nginingitian niya naman ako at mabait parin siya sakin pero may kakaiba kasi talaga sakanya.

sobrang kakaiba na hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko may nagawa akong masama at sobrang bait lang niya na di niya magawang magalit.

"So inaamin mo din na lovers kayo?

"H-hindi sa ganon! Ang ibig kong sabihin ay di ko alam kung galit ba siya sakin." ramdam ko ang pamumula ko dahil nag iinit ang pisngi ko pati ang leeg at tenga.

Bakit ba kasi lagi nalang kaming inaasar na dalawa? Tapos susundan nila ng hindi kami bagay kasi mataba ako at gwapo si Neil o kaya 'love is blind' o kaya ang swerte ko o kaya ay exotic ang gusto ng mga kano.

Sa dalas kong marinig yan nakabisado ko na at mas lalo kong hindi kayang tumingin sa mga mata ng ibang tao dahil pakiramdam ko ay ganon din ang iniisip nila sakin.

Magkaibigan palang kami pero grabe na ang nasasabi nila. Nakakaawa ang magiging girlfriend ni Neil dahil nag uumapaw ang pressure at atensyon na ibibigay sakanila ng mga taong hindi naman dapat kasali.

"Defensive ang gaga! Aba'y dapat lang! Asawa ko yan!" mas nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at sa bahagyang paghila niya sa buhok ko. Nakabawi lang dahil sa hinarap niya saking notebook na may nakasulat na...

Felix Ariel Fuentes
Aidreneil Foster

F. L. A. M. E. S

28=Married

Di ko alam kung matatawa ba ako o ano.

Ang tanda naman ata namin masyado para sa FLAMES.

Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kadaldalan ni Fely.

Sa totoo lang, simula nung recollection ay gumaan ang loob ko sakanya.

Sa lahat ng kaklase ko,bukod kay Neil, sakanya ako pinaka komportable kahit na sobrang ingay niya at likot na kahit panonood sakanya ay nakakapagod.

Pagod sa di malamang dahilan ay nahiga agad ako sa kama ko pagkauwi ng bahay.

Wala naman akong masyadong ginawa pero napagod masyado ang utak ko sa pag iisip.

"BIANCA!!"

Hindi pa nakakabihis ay pumunta na ako sa tahian.

Tumulong muna ako kay mama sa pagtutupi ng tela para bukas ay ika-cut nalang niya. Isang rolyo kasing tela yun at mabigat pa tapos kailangan pang manuhin ang pagtutupi para di sumabog at para di malukot.

Turn Over A New LeafWhere stories live. Discover now