Chapter 37

21 2 5
                                    

This chapter is dedicated to my baby 2AVOCADO4 <3

Panay ang lingon ko sa paligid dahil pakiramdam ko lahat siya pinagbubulungan ako.

Baka kumalat na sakanila ang pag amin sakin ni Neil. Baka pinag chichismisan na nila ako. Baka pinagtatawanan. Baka hinuhusgahan.

"Okay ka lang?"

napalingon ako kay Neil na mukang kanina pa ako pinapanood at bakas sa muka ang pag aalala.

Umiwas agad ako ng tingin at tumango.

Nung una naiilang talaga ako kapag magkasama kaming naglalakad sa school, pero habang nagtatagal ay nasanay na ako. Pero bakit parang ngayon mas dumoble ang ilang ko?

"Sure?" paninigurado niya at akmang hahawakan ang kamay ko pero agad ko yung ikinapit sa strap ng bag ko para maiiwas sakanya.

"Oo. Bilisan na natin." pagpeke ko sa ngiti at medyo binilisan na ang lakad.

Bakit ba ako nagkakaganito? Sanay na din naman ako dati na hinahawakan ni Neil ang kamay ko o braso ah? bakit ngayon pakiramdam ko may spark kapag naglalapit balat namin?

At pakiramdam ko makikita yun ng mga tao sa paligid namin.

Napaiwas agad ako ng tingin sa mga matang sumalubong samin pagkapasok palang room.

Dati sanay na ako kahit papaano na laging pinagtitinginan kapag pasok sa room dahil alam nila na kasabay ko si Neil. Peor ngayon dumoble ang ilang at kaba ko.

Normal naman ang inaakto nila pero hindi maalis sa isip ko na baka may alam sila at baka iba na ang iniisip nila.

"Mare!"

halos manlaki ang mata ko dahil sa pagtawag sakin ni Fely. Normal naman ang boses niya, praning lang talaga ako.

"May assignment ka? pakopya." akmang uupo na si Fely sa upuan malapit sa upuan ko pero hinila ko siya papunta sa upuan niya dala ang notebook ko.

"Makahatak naman mare." natatawang puna ni Fely at maarteng naubo sa upuan niya.

Hindi ko siya sinagot at umupo nalang sa tabi niya.

"Blooming ka ngayon ah. Nadiligan ba?"

Kahit na joke lang yun at sanay na ako sa mga klase ng joke niya, di ko parin mapigilan ang sobrang pamumula.

"Fely!!!"

tawang tawa siya at pinisil pa ang pisngi ko bago nagpatuloy sa pangongopya.

Pinakatitigan ko siya habang abala siya sa pagsusulat.

Sasabihin ko kaya sakanya? ikukwento ko kaya?

Gusto ko kasing may mapagsabihan at mashare-an ng kilig. Kaso wala naman akong pinsan o kapatid na babae. Wala din akong close friend na babae. Wala tuloy akong masabihan. Sabihin ko kaya sakanya?

"Adan man ako sayong paningin, Adan ang hanap ko rin.." maarte niyang pagtula habang di inaalis ang tingin sa sinusulat.

Napanguso ako at pinigilan ang sariling mag kwento sakanya.

Hays.

Di ko parin pala kayang mag open up.

Gusto kong magkwento sa iba pero nagdadalawang isip ako.

Inaasahan kong susunod sakin si Neil at tatabi samin ni Fely pero nanatili siya sa upuan namin, katawanan sila Jek.

Hindi ako sanay kaya madalas ang pagsulyap ko sa pwesto nila. At tuwing susulyap ako ay mapapatingin din siya sakin kaya mag kakatinginan kami. Ako ang unang iiwas.

Turn Over A New LeafWhere stories live. Discover now