Chapter 17

46 6 2
                                    

"Neil?"

Hanggang ngayon di parin ako naniniwalang si Neil nga ang nasa harap ko.

Hindi ko alam kung totoo ba siya o hallucination ko lang.

Ano namang ginagawa niya dito? At talagang sa kwarto ko pa?

At talagang kasama pa si Mama.

Nginitian niya ako ng may pag aalala at nilapitan agad para hipuin ang noo at leeg. Sa gulat ko ay di na agad ako nakaiwas.

Di ko alam kung nilalagnat pa ba ako o talagang nag init ang pisngi ko.

Napasulyap ako kay Mama. Nasa tabi lang siya ni Neil,nagpipilipit ng bimpo sa planggana.

"Dala daw niya yung mga notes mo. May dala din daw na pagkain para sayo." kwento ni Mama. "Salamat Pako ah." lumambot ang ekspresyon ni Mama ng lingunin niya si Neil.

"Walang anoman po tita. Nag alala lang po ako kay bb----Bianca p-po kasi di siya pumasok."

Alam kong wala namang kahulugan pero di ko maiwasang mahiya at matakot at the same time.

Normal lang naman na Bb ang tawag niya sakin. Kasi yun na ang nakasamayan niya. Pero alam kong di normal yun kay Mama. Gagawin niyang big deal yun.

At tama nga ako dahil sumulyap sakin ni mama, yung sulyap na alam kong may pahiwatig.

Parang sinasabi na mamaya ka sakin.

"Selpon kasi ng selpon. Lagi kong sinasabi sakanya na hanggang 9 lang siya pero napakatigas ng ulo. Sa susunod Bianca kukumpisin ko na yang selpon mo. Wala ka ng inatupag kundi selpon selpon blahblahblah...."

Hiyang hiya ako dahil pinagalitan pa ako ni Mama sa harap ni Neil. Sana hinintay nalang niya na nakaalis na si Neil.

Di ko naman siya pwedeng putulin dahil sasabihin niya bastos ako.

Kaya kahit hiyang hiya na ako ay nilingon ko nalang si Neil at walang boses na nagsorry.

Ngumiti lang siya.

Sa loob ng ilang linggo naming nagkasama, nakabisado ko na siya kahit papaano. Masyadong halata sa muka niya ang mga reaksyon. Makikita mo agad kung naiinis siya, kita mo agad pag may kakaiba, kita mo agad kapag nagagalit. Kahit na anong ngiti niya o pagpapkabait, sumisilip parin yung totoong nararamdaman niya.

Tulad ngayon,kita ko ang inis sa muka niya pero nakangiti parin siya sakin at kay Mama.

"Maaaa!!!"

Naputol lang sa pagpapagalit si Mama nung sumungaw si Boni sa kwarto at tinawag siya.

Tiningnan niya ako ng may babala bago ngumiti kay Neil at lumabas.

Pinanood ko siyang lumabas sa pinto pero pinanatili niyang bukas na bukas yung pinto.

Naiintindihan ko naman. Hindi nga naman talaga magandang magsama ang babae at lalaki sa isang kwarto na nakasara ang pinto.

Naupo agad si Neil sa kama at nagulat nalang ako dahil agad niyang hinawakan ang kamay ko.

"Namumutla ka pa. Nakainom ka na ba ng gamot? Sinisipon ka ba? Ubo? Sakit ng ulo? O ng katawan?"

Alam kong mali pero napangiti ako. Kitang kita ko kasi sa reaksyon niya na hindi niya pinepeke ang pag aalala sakin...

Ang sarap pala sa pakiramdam na may nag aalala sayo,bukod sa pamilya mo.

Dati kapag nagkakasakit ako at umaabsent wala manlang nangungumusta. Pag pumasok na ako pagkagaling ko, parang wala lang nangyari.

Turn Over A New LeafWhere stories live. Discover now