Chapter 10

46 8 19
                                    

Nakasilong ako sa stage sa quadrangle habang tahimik na pinapanood ang mga nagtatry out.

Warm up palang nila napapagod na ako, partida pinapanood ko palang to ah. Pano pa kaya kung ako na mismo ang gumaganon?

Susunod na magtatry out ang grupo nila Neil.

Halos mapunta na ako sa pinakalikod ng crowd dahil sobrang daming nanonood. Karamihan ay mga babae.

Hindi ko alam kung ganito ba talaga kadami ang audience kapag may try out or talagang madami lang dahil madaming gwapo sa mga players.

Buti nalang di na masyadong mainit.

"Anggwapo talaga ni Neil!"

"Oo nga huhuhu!"

"Akala ko talaga sa basketball siya sasali!"

"Akala ko din. Parang di siya bagay sa volleyball eh."

"Oo nga. Puro beks pa naman ang varsity natin sa volleyball!"

"Baka beks din siya?!"

"Gaga! May jowa na yan!"

"Ay oo nga pala. Yung mataba na kaklase niya."

Nakita ko ang paglingon-lingon nila sa paligid kaya agad akong umalis sa pwestong yun at lumayo.

Alam ko namang ako ang tinutukoy nila. Baka pa mahuli nilang nakikinig ako.

Kahit na anong tanggi ko siguro na walang namamagitan samin ni Neil, hindi parin maniniwala ang mga tao kasi madalas kaming magkasama.

Kahit na anong utos ko sa sarili ko na dumistansya sakanya di ko naman magawa, at mukang di din niya hahayaang gawin ko.

"Uy!! Bianca,halika dito!!" Hinila ako ni Venus paupo sa tabi niya.

Kasama niya ulit ang mga kasama niya sa Bumbles kanina.

Ngumiti silang lahat sakin na nginitian ko nalang din..

Hindi na agad ako mapakali dahil napapaligiran na ako ng mga extroverts.

Pakiramdam ko kung kakausapin nila ako ay mautal utal ako. Baka sabihin pa nila napaka weirdo ko.

"Ang gwapo talaga ni Neil!" Dreamy na sabi ni Venus at tumingin sakin na para bang hinihintay ang reaksyon ko.

Napakurap kurap ako at awkward na ngumiti. "O-oo nga."

"Bag niya ba yan?" Turo niya sa bag na nasa kandungan ko.

Binigay kasi sakin kanina ni Neil para daw pagkatapos ng laro ay makuha niya sakin.

Tumango ako at di na nakaangal nung kunin niya sakin yung bagm

Hindi ako nakapagsalita nung buksan niya yung bag at nilabas doon ang bimpo at inuminan ni Neil.

Ewan ko kung sensitive lang ba ako masyado, pero hindi ako komportableng binubuksan ng kahit na sino yung bag ko ng di nagpapaalam.

Siguro normal lang sa mga magkakaibigan ang ganon?

Magkaibigan naman si Neil at Venus kaya siguro okay lang na buksan ni Venus ang bag ni Neil.

Pero kasi....sakin binigay ni Neil yun eh.

Kinagat ko ang pang ibabang labi at pilit na winala nalang ang mga naiisip ko.

Puro sigawan na ang narinig ko nung nagsimula na ang try out ng grupo ni Neil.

Di ko maiwasang mapangiti at mapapalakpak tuwing hinahampas ni Neil ang bola. Napakaligsi niyang kumilos, nakatingala lang siya sa bola ag otomatikong mabilis na gagalaw ang mga paa papunta sa kung saan ang bola, may mga sinesenyas din sila na di ko maintindihan.

Turn Over A New LeafWhere stories live. Discover now