Chapter 33

19 4 0
                                    

After the party, madami ng bumabati saking mga di ko kilala.

Dumami nga din friend requests sakin.

600 lang talaga friends ko. Puro mga kakilala ko lang.

Pero ngayon, napipilitan akong i-accept sila kapag may 200+ mutuals ako.

Baka kasi sabihin nila napaka snob ko at baka akalain pa nila eh pafamous ako.

Sumunod na araw pagkatapos ng party, don lang nag sink in sakin na nanalo ako ng Ms. Head Turner .

Don lang nagsink in sakin yung saya na naawardan ako.

Never, as in never kong naisip na magkakaaward ako. Bukod sa hindi ako umaattend, hindi din naman ako pansinin.

Pati si Boni walang ibang bukambibig kundi ang pagkapanalo ko. Pinagbintangan pa nga akong nanuhol ng judges.

"Boo!"

"Ay pu----"

napapikit ako sa kahihiyan habang si Jamill naman ay tawang tawa na umupo sa harap ko.

Nasa Citymall kasi ako ngayon, may practice pa si Neil kaya dito ko siya hihintayin. Si Boni naman may practice daw sila sa folk dance performance nila.

Ayoko munang manood ng practice mila Niel dahil andon si Venus at ang mga kabarkada niya.

Hindi kasi ako komportable kapag nakikita ko ang interaksyon nilang dalawa.

Wala akong galit or inis kay Venus ah. Inis ako sa sarili ko. Dahil lagi ko nalang kinukumpara ang sarili ko kay Venus. Kahit na anong pilit kong wag isipin, kusa nalang pumapasok, at kahit na anong pilit kong tanggalin sa isip ko, mas palala lang ng palala ang pagooverthink ko.

"Bat mag isa ka?" tanong ni Jamill habang sinisilip ang ginagawa ko.

Nagrere-write kasi ako sa columnar pad ng assignment namin na ipapass bukas.

"Hininhintay ko pa si Neil." sagot ko. "Ikaw? bat andito ka?" bumaba ang tingin ko sa uniform niya. White polo at grey vest. Uniform ng Olfu.

"Nagpapasundo si Venus mamayan 5:00. May gagawin pa daw siya eh." sagot niya.

Napataas ang kilay ko. 5:00 ang tapos ng practice nila Neil.

"Gusto kong takoyaki." sabi niya out of nowhere.

"Sa New Star meron." sabi ko na ikinakinang ng mata niya.

"Samahan mo ko. Libre kita."

"Ha? eh baka hanapin ako nila Neil." sagot ko pero umiling lang siya

"I-chat mo nalang. Tara na."

wala na akong nagawa kundi magligpit dahil ayaw niya akong tantanan.

Lumabas kaming Citymall at naglakad papuntang New Star. Walking distance lang naman kaso medyo malayo. Dadaan pa kaming Plaza, palengke tas tatawid pa kami, tas dadaan sa isang botika at bodega bago makarating sa Citymall.

Pawis na pawis ako pagdating don. Kinapa ko yung dalawang bulsa ng blouse ko pero wala akong nakapang panyo.

"Oh." napatingin ako kay Jamill, inaabot niya sakin yung blue niyang panyo. Inabot ko yun at nagpunas ng pawis.

Agad kong napuna yung amoy non.

"Parehas kayo ng pabango ni Neil." biglang lumabas sa bibig ko

Pinamulahan agad ako ng marinig ang tawa niya. "Don't tell me you go around smelling people like that."

sa hiya at sa inis ko sa biro niya at hinampas ko siya sa braso na mukang nakiliti lang siya at tumawa ng malakas.

Nang makapasok kami sa New Star ay dumiretso agad kami sa stall ng Takoyaki. Naupo naman ako sa lamesa sa tapat ng stall at dinamdam ang lamig ng aircon.

Turn Over A New Leafحيث تعيش القصص. اكتشف الآن