Chapter 44

22 1 5
                                    

Pabalik na ako sa cottage namin, nakayuko at nag iisip isip.

All my classmates were nice. But Venus was the nicest. Kahit walang kailangan ay kinakausap at nilalapitan niya ako. She would always hug or lean her head on my shoulder. Kapag nasa iisang grupo kami, she would always make me feel included.

Kaya hindi ko iisiping all this time pinaplastic niya lang ako. Kasi sang taon na kaming magkasama ni Venus, at naramdaman ko kung gaano siya kagenuine at kabait.

So what went wrong? When?

At kahit na anong isip ko isa lang ang pinupuntahan ng mga tanong.

Neil.

Sobrang gusto ba talaga niya si Neil na nagbago ang ugali niya?

"Bb!"

Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa harap.

Sa di kalayuan ay nakatayo si Neil, sobrang lawak ng ngiti. Parang walang sagutang naganap ilang minuto lang ang nakalipas. Parang hindi siya galit na galit kani-kanina lang.

And again, just like what happened before, bumagal nanaman ang kilos ng mundo. Parang nagslow motion ang palihid namin. Naririnig ko ang mga ingay sa paligid pero sobrang hina, parang bumagal.   Ang klaro ko lang na naririnig ay ang tibok ng puso ko na para bang tinapat yun mismo sa tenga ko para mirinig ko ng mabuti. Parang sobrang layo ng mga ingay, parang sobrang layo ng kumakanta sa videoke na Manok Na Pula. Para akong camera na nasa kanya ang focus.

Neil was faced with temptation. Teenagers palang kami, nasa years kami ng buhay namin kung saan gusto naming subukan ang lahat, nasa point kami ng buhay namin na gusto naming mag explore. Nasa point kami ng buhay namin na eager kami sa sex, adventures, drugs, alcohols.

He was drunk, a healthy guy, who was faced with temptation, pero mas pinili parin niyang tumanggi, dahil gusto niya ako. He chose me, a fat potato over a blooming flower.

Malaki ang ngiting nagsimula siyang maglakad papunta sakin.

And I just realize, Neil is always vocal about his feelings. Laging siya ang lumalapit. Laging siya ang gumagawa ng paraan para makausap at makasama ako.

And I'm always waiting for him to come to me. Kung hindi siya ang lalapit, hindi kami magkaka usap. Hindi kami magiging close. Because I am always scared of making the first move.

I smile and started walking towards him.

Because now, I decided to meet him half way.

Ano pa bang kailangan kong ikatakot? I trust Neil. He likes me. He won't hurt me purposely. I like him too.

Nang magkaharap nalang kami ay tiningala ko siya at niyakap.

"Happy birthday." bulong ko sa dibdib niya.

Hindi ko alam kung puso ko ba ang naririnig ko o ang puso niya, kaya para makasigurado ay idinikit ko ang tenga sa dibdib niya, at nang makumpirmang puso nga niya yun ay nakipaglaban sa palakasan ng tibok ang akin.

They said, the words can lie but not the body.

In Neil's case, he's honest with his words and his body.

He really likes me.

Naramdaman ko ang pagkayap niya sakin pabalik at  mas mahigpit.

"Akala ko di ka dadating." bulong niya pabalik at mas hinigpitan pa ang yakap sakin. Para bang miss na miss ako at matagal kaming di nagkita.

"Mas maaga siguro akong nakaattend kung sinabi mo saking birthday mo." pagbibiro ko na ikinatawa naming pareho. "Sorry. Nagkatampuhan pa tayo kahapon, akala ko kasi naiinis ka sakin nang walang dahilan."

Turn Over A New LeafWhere stories live. Discover now