Chapter Two

165 5 0
                                    

LANCE



Napakamot ako sa tungki ng ilong ko bago ko siya hinawakan sa pulsohan niya.

"Tara!" hinila ko siya papunta sa kotse ko. Mabuti nalang na ihatid ko siya sa bahay nila kaysa manggulo siya dito ng parang baliw. Baka natuluyan na 'to kaka-aral! Study first nga siya e, bago ang gwapong katulad ko! Mukha ba akong distraction?! Shutangina! Isa akong magiting na attraction! Tourist spot man!

"Saan mo ako dadalhin?" inis na sigaw nanaman niya habang nagpupumiglas. Mas hinigpitan ko ang hawak sa kanya. Wala akong paki kung nasasaktan siya.

"Dadalhin kita sa mental hospital!" pikon sigaw ko rin. Parang hindi siya yung babaeng niligawan ko kakasigaw niya ngayong araw na 'to na para bang hindi papatalo. Sa pagkakatanda ko, dalagang pilipina 'yon e! Mahinhin pa sa pusa.

Pinagbuksan ko siya ng shotgun seat at pabatong ipasok 'don. Pabagsak ko 'rin na sinara 'yon at mabilis na pumasok sa driver's seat pero siniguro kong hindi siya masasaktan physically. Niligawan ko pa 'rin naman 'to 'no!

"A-ano ba?" sigaw niya. Bahala ka riyan!

"Shut up! Ia-admit kita sa mental hospital! Tangina!"

"Baka ikaw pa ang i-admit 'don at hindi ako!" ang sama ng tingin niya sa guwapong ako. Hanggang ngayon ang labo pa 'rin ng mata!

"Putang-ina naman kasi!" inis akong napahampas sa steering wheel. Napapitlag siya.

"Ano na naman bang pakulo 'to ha? Pwede ba! Tigilan mo 'ko!" Nanlilisik ang mata kong tumingin sa kanya. Baka trip na naman ako nito dahil tinigilan ko na siya tapos babalik. Mukha ba akong laruan?

Walang emosyon siyang nakatingin sa akin. Kanina pa ako naiinis sa kanya dahil para siyang tangang kausap. Kung ano-anong weird ang sinasabi niya. Parang ang sarap totohanin 'yung sinabing dadalhin ko siya sa mental eh.

"Unang una, hindi ako ang nagconfront sa ating dalawa." Kulang nalang umapoy na ang mga mata niya.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Are you even aware that I almost hit you with my car?—"

"Yes! I'm aware! But I didn't care at all! Hindi ako nagpapakamatay kung 'yan ang iniisip mo! Paano ako magpapakamatay kung kaluluwa na lang ako!" she shouted in front of my face.

Napatanga ako sa sinabi niya. Kaluluwa amp! Gusto kong matawa sa sinabi niya pero seryoso lang siya. Walang halong biro ng sinabi niya 'yon saakin. Parang pang—teleserye lang ang acting ah?

"Watch me!" lumabas siya sa kotse ko. Sinundaan ko ng tingin kung saan siya pupunta. Akala ko kasi mag-wawalk out na. Naglakad siya sa gitna ng kalsada. Tumingin ako kung saan siya nakatingin at may pick up car na paparating.

Nataranta ako. Tangina. Baliw na talaga 'tong babaeng 'to. Tingin naman niya tatagos siya 'ron sa kotse?

"Shit, Migra!"

Mabilis akong lumabas sa kotse ko. Mabilis ko akong tumawid sa kung nasaan siya at mabilis ko siyang hinagip kasama ng katawan ko papaiwas doon sa makakasagasa sa aming kotse.

Pareho kaming lumagapak sa sahig. Pumaibabaw ang katawan ko sa kanya. Mabuti nalang at naalalayan ko ang likod ng ulo niya. Nagtama ang paningin naming dalawa na parehong nanlalaki dahil sa gulat at sa... posisyon namin.

Ilang minuto ang lumipas ay tumayo na ako. Marahas ko siyang hinatak patayo.

"Diyan ka na nga!" sabi ko. Nagsimula na akong naglakad pabalik sa kotse ko. Hindi niya ako pinigilan. Hindi niya rin ako sinundan kaya nakahinga ako ng maluwag.

TIL DEATH DO US PART [FANTASERIES #1]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora