Chapter Ten:

89 4 0
                                    

LANCE




"Humarap ka nga rito," sabi ko sa kanya. Nakatalikod kasi siya sakin ng sabihin niya na may naalala siya ng konti. Kung pwede lang siguro akong mahulog sa kinauupuan ko kanina, nahulog na ako. Putangina.

Humarap siya at sumandal sa lababo.

"Anong sabi mo?" pinipilit kong kalmahin ang boses ko. Tanginang yan. Wag naman sana niya akong maalala kundi nalintikan na. "Anong naalala mo?" dugtong ko pa.

"Malabo e," unsure niyang sagot sa akin. Mukhang hindi simpleng memorya ang naalala niya base sa mukha niya. Dahil kung simple lang, kanina pa niya ako sinigawan na masiyadong seryoso ang ekspresyon ko.

"Anong—"

"Basta ang alam ko, madilim. Masiyadong malabo ang vision at yung boses pero ang alam ko...may isang babae." Hindi siya nakatingin saakin. Nakatingin siya sa kawalan na para bang inaalala niya ng mabuti yung kung ano mang sinasabi niya saakin.

Napalunok ako sa kutob ko. Bakit pakiramdam ko siya yung babae 'dun sa dilim na sinasabi niya?

"Sino 'yung babae? Hindi mo ba namukaan?"

Umiling lang siya at ngumuso saakin. "Hindi." malungkot siyang napatigin saakin. Napabuntong hininga ako.

"Yun lang ba ang natatandaan mo?"

Tanging tango nalang ang naitugon niya saakin. Napahilamos ako sa mukha ko at napapikit.

"Napaka-walang silbi."

Dumilat ako. Pinag-sasasabi nitong multong 'to na naman?

"Pinagsasasabi mo?" tanong ko sa kanya. Halos magsalubong na naman ang dalawang kilay ko.

"Tigil nalang kaya natin 'to Lance, total nasa umpisa palang tayo," Parang wala sa sariling sabi niya. Naka-upo siya sa silya sa harap ko habang nakayuko at nilalaro laro niya yung kamay niya.

"Ulitin mo nga 'yung sinabi mo," Timping sabi ko. Tangina eh. Parang nabibingi ako sa sinabi niya.

"Itigil na natin 'to, total, hindi pa naman tayo nakakapag—"

Napahampas ako sa mesa. "Putangina!"

Napapitlag siya sa ginawa ko .

"Lance! Seyoso... wala naman na tayong mapapala rito—"

Matalim ko siyang tinignan kaya napatigil siya sa pagsasalita.

"Pagbibigyan kita sa mga sinasabi mo ngayon, pero sinasabi ko sa'yo. Isang beses na lang, Migra. Isang beses mo nalang na sabihin mo sakin na gusto mo ng sumuko, ibibigay ko sa'yo nang walang pag-aalinlangan." Madiin kong sabi sa kanya.

Ibinalibag ko 'yung upuan sa harap niya pagkatapos ay padabog akong umakyat sa taas.

Pagkapasok ko sa kwarto, sa inis ko ay napa-suntok ako sa pader. Tinadyakan ko 'yung pinto ng kwarto ko ng malakas. Hindi ko alam, gustong gusto kong magwala dahil sa sinabi ng multong 'yon saakin! Hindi ko alam. Natakot ako nang sabihin niya 'yon at the same time, bwisit na bwisit ako.

Putangina. Para akong babae na may menstruation dahil hindi ko maintindihan ang nangyayari sa emosyon ko. Hindi siya pwedeng sumuko. Hindi pwede. Marami siyang naiwan. Isa na ako 'ron. Lalong lalo na ang mga kapatid niya at ang tatay niya.

Dumako 'yung tingin ko dun sa nag-iisang notebook sa table ko.

'Yung planner notebook namin ni Migra para mahanap 'yung katawan niya.

TIL DEATH DO US PART [FANTASERIES #1]Where stories live. Discover now