Chapter Twelve

68 3 3
                                    

LANCE


Biglang nag-blanko ang utak ko ng sabihin 'yon ni Migra saakin. Pakiramdam ko ay nanghina ako. Napatulala lang ako at halos mawala na ang kamay kong naka-yakap sa likod ni Migra.

Hinayaan ko sa bisig ko si Migra, hanggang sa kumalma siya habang ako, napatitig ako doon sa folder na bahagyang lumabas ang first page kung saan nandoon ang picture niya at ang ibang informations niya. Hindi ko alam pero binuksan ko ang 'yon habang nakalapag sa table.

Muling bumungad saakin 'yung grades niya ng last two semesters.

Hindi ko alam kung bakit... bakit pakiramdam ko may something dito sa grades niya na nakikita ko.

"Paano mo naalala?" naitanong ko nang kumalma siya mula sa pagkakaiyak. Inihiwalay ko sa akin si Migra gamit ang isang kamay ko. Pagkatapos ay tinitigan ko siya sa mata.

"H-ha?" una siyang umiwas ng tingin para punasan ang luha niya.

"Paano mo naalala 'yung—"

Hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko.

"Nang Makita ko ang grades ko, lalo na 'yung latest..." lumipat ang tingin niya 'don sa hawak kong papel. Tinignan niya 'yon na para bang may-naalala siya.

"Pagkakita ko nung grades na bumaba, bigla nalang nag-play sa isip ko 'yon. Bigla ko nalang naalala—"

Napatigil siya sa pagsasalita ng pareho naming narinig 'yung parang may magbubukas ng door knob. Sabay kaming napatingin doon sa pinto, pagkatapos ay sabay din kaming nagkatinginan na dalawa.

Tangina!

Nag-aalalang napatingin saakin si Migra. Hindi na ako nagsalita pagkatapos ay mabilis kong kinuha yung panyo ko at itinakip ko 'yon sa mukha ko.

At saktong bumukas din 'yung pinto.

Yumuko ako at kinuha ko 'yung folder kasabay ng pagkuha ko sa kamay ni Migra, habang hawak ko 'yung folder.

Hinawakan ko nang mahigpit 'yung kamay ni Migra at mabilis kong tinungo ang pinto papalabas.

"Sino ka?—"nagtatakang tanong sana nung babaeng kakapasok lang pero hindi ko na siya pinansin at tuloy tuloy, at mabilis ang lakad ko hanggang mapunta kami sa quadrangle.

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad dahil gusto ko ng makalabas ng eskwelahan na ito dahil baka mahuli pa ako ng kung sino dahil nag-invade ako ng quarters ng student council. Considered as trespassing at pagnanakaw kaya 'yon dahil may nakuha akong gamit mula roon.

"L..lance...teka..." kusang bumagal ang lakad ko hanggang sa huminto na 'yon. Nilingon ko si Migra at nagulat ako ng makita kong napa-hawak siya sa ulo niya.

"Migra!" tawag ko sa kanya, pero tila bahindi niya ako narinig. Nakatingin lang siya sa kawalan. Sa mismong quadrangle kung saan maraming naglalaro na varsity ng football.

Sinundan ko 'yon ng tingin. Naramdaman ko sa balat ko ang unti-unting pag ambon.

Napatingin ako ulit kay Migra. Nakapikit siya ng mariin at para bang mas lalong dumiin ang pagkakasapo niya sa ulo niya gamit ang kanang kamay niya.

"Lance... ang sakit..." napahawak siya sa braso ko ulit tulad kanina. Braso ko na naman.

Pero unti unting dumulas 'yon at napa-upo siya sa sahig.

"Migra!" wala akong ibang magawa kung hindi ang tawagin siya. Wala na akong paki kung pagtinginan man ako. Mas mahalaga si Migra.

Umupo rin ako para tapatan siya. Hindi ko alam ang nangyayari sa kanya kaya ang tanging nagawa ko na lang ay ang hawakan siya sa balikat niya.

TIL DEATH DO US PART [FANTASERIES #1]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें