Chapter Twenty Six

89 2 0
                                    

LANCE



"Hey, it's already 7. May pasok ka pa."

"Tinatamad akong pumasok, baby. Let's just cuddle here." I grinned. Sinilip ko si Migra habang mahigpit ang yakap ko sa isang malaking unan. Kakagising ko lang, at normal lang naman sa isang tulad ko ang tamaring bumangod kaagad lalo na kung masarap ang tulog ko, at malamig ang air-con.

"Tigilan mo ako, Alazar." Irap niya saakin. Kinuha niya sa ilalim ng kama ko ang remote ng air-con at pinatay 'yon. Napasubsob ako sa unan ko at napabuntong hininga.

"Bumangon ka na diyan, o itatapon ko ang pagkain mo?" taray niya saakin. Napangiti nalang ako ulit. Bahagya akong bumangon, pagkatapos ay hinatak ko ang kamay niya kaya napahiga siya sa tabi ko.

"Lance, kasi!"

"Shh... Five minutes lang, babangon na ako. Let me charge my strength by hugging you," Sagot ko sa kanya at niyakap siya sa bewang. Napa-buntong hininga siya at hindi na nagsalita pa. Tulad ng paborito niyang gawin ay isinuklay niya nalang ang kamay niya sa buhok ko.

"Bumangon ka na."

"Laters, baby.—"

"Laters baby? Ano ka si Christian Grey?" Napabangon ako at nagtatakhang napatingin sa kanya.

"You read that book?"

Umiling siya at pilyang ngumiti. "Nah, I watch it."

"Bawal sa bata 'yon." Hinalikan ko siya sa tungki ng ilong niya.

Hinampas niya at sa dibdib ko. Maka-chansing talaga 'tong isang 'to. "I'm not a kid anymore. Pwede akong manood 'non."

Tinaasan ko siya ng kilay habang nakayakap pa din ako sa kanya. "At sinong nagsabing panoorin mo 'yon? Tsaka kelan ka pa nanonood 'non? Hindi pa ba sapat 'yong mga mapupulang cover ng mga binibili mong libro?"

Nagtsk siya. "Eh ano bang problema mo sa ganong libro?"

I chuckled. "Mas magaling ako kay Christian. Tsaka di mo na kailangan magbasa at manood ng ganon, gawin natin kapag pwede na..."

"Eh paki ko?" irap naman niya. "Pang-experience lang..."

"Basta gwapo ako." I chuckled.

"Sus." Sumingkit naman ang mata niya ngayon. Kala mo naman hindi inlove saakin eh kakasabi lang sakin nung isang linggo.

"Mahal kita." Ang salitang nakapagpatahimik sa kanya. I hugged her tightly as can.

Tatlong araw na simula nang makapag-usap kami ni Ayer, at kagabi lang ay nagsabi siya sa akin nang puntahan niya ako sa school na ayos na ang lahat para ngayon.

All in na ngayong araw.

Ngayong araw ay makaka-ganti ako, at ngayong araw ay makukuha ko ang katawan ni Migra ng may hustisya. Hindi ko na rin inopen up ang topic kay Migra dahil alam kong hindi siya papayag. Kilala ko ang babaeng mahal ko, at alam ko na isasabatas niya lang ang lahat, pero ibahin niya ako.

Buo na ang desisyon kong iganti siya sa mga taong nangwalanghiya sa kanya. She doesn't deserve that kind of sufferings. Masyadong sobra, hindi karapat dapat yon sa kanya kaya ibibigay ko sa mga taong karapat-dapat ang ganong klaseng paghihirap.

Pagbabayaran nila ang lahat lahat ng ginawa nila kay Migra.

Papatayin ko sila sa oras na mapasakamay ko ang kapalaran nila.

TIL DEATH DO US PART [FANTASERIES #1]Where stories live. Discover now