Chapter Eight

86 2 0
                                    

LANCE



"What's the first step?"

Napa-ikot ako ng mata habang nakatingin 'don sa multong ang sarap ng sandal sa upuan ng study table ko habang nasa baba niya 'yung ballpen habang nag-iisip. Sa totoo lang hindi ko alam kung pano kami nag-kaayos. Basta nagsorry siya saakin at nanuyo ng konti. Umoo na ako kaya para siyang bata na bumalik sa pagkahyper at makulit.

Napatingin ako sa kanya ulit pero mabilis ko ring iniwas ang tingin ko. There's a light blue faded lightning surrounding her. Hindi ko matagalan ang view na 'yon. Lalo na't meron din nakakapanindig balahibong pakiramdam pag malapit siya. Naiinis ako. Naiinis ako dahil pinili kong magmukmok sa loob ng ilang buwan na nawawala siya. Tsk. Para sana kahit papaano ay alam ko kung nasaan siya.

Bakit kasi siya pa?

"Ano ba sa tingin mo?" tanong ko sa kanya at kinuha 'yung note na hawak niya. Tinignan ko 'yon at mga kung ano-anong doodle ang nakadrawing. TSK! Magpaplano pala ha. May pa-note book note book pa siyang nalalaman paara maisulat yung plano namin eh ang dali naman niyang madiscourage. Ginagawa pa niyang drawing pad!

"May plano ka na pala e."

Takhang napatingin siya saakin. "Huh? Pinag-sasabi mo riyan?"

"Ayan o," turo ko sa papel na kinuha ko. At ang batang masunurin naman ay parang tangang naki-silip din 'don sa papel.

"Ikaw 'yan e. Monster!" Napa-hagikhik siya

"Angas ah."

"So, ano nga?"

"Ang alin ba kasi?" inis kong kinamot ang kilay ko.

"First step?" napabuntong hininga ako. Onga naman. Paano kami mag-sisimula? Anong first step?

Hmmm. "We have to know the in and out of what happened---"

Nagulat ako ng hinampas niya ako nung ballpen na hawak niya. Masakit 'yon ah!

"Ang shunga naman nito! Of course, we have to know the in and out of what happened to me, ano? Kaya nga kailangan nating gumawa ng steps eh. Ano 'yon? Umpisa sa gitna?" Note the sarcasm there, my friends.

"Oh edi...wow."

"Seyoso kasi."

"Oh...edi...—"

"Subukan mong dagdagan ng wow yan, hahampasin kita ng kawali diyan!" Dinuro niya ako. Hindi ko napigilang matawa sa itsura niya. Ang cute eh, mukha siyang batang inagawan ng kendi. Laugh Trip.

Cute.

"Edi...--"

"LANCE KASI!!!"

"Tangina. Patapusin mo muna ko. Over react ka agad eh!" bumangon na ako. Pinitik ko ang kamay niyang may hawak na ballpen.

She crossed her arms. Kumalma siya ng kaunti. "Oh, ano?"

"We have to locate your house for us to get more information." Alam ko naman bahay niya kaso hindi niya pwedeng malaman na alam ko dahil baka mabuko ang plano ko.

Kinuha ko ang ballpen na hawak niya at papel. I looked at it and then draw something. Para siyang organizer chart. Inverted nga lang dahil mas maraming boxes ang nasa unahang linya.

Tumabi saakin si Migra. Tumingin siya sa isinusulat ko. I draw five boxes in the first layer. Una kong isinulat sa unang box ay ang pangalan niya.

TIL DEATH DO US PART [FANTASERIES #1]Kde žijí příběhy. Začni objevovat