Chapter Nine:

76 2 0
                                    


MIGRA



Habang hawak ko 'yung isang maliit na piraso ng papel, palipat lipat 'yung tingin ko 'dun sa mga gate number ng mga bahay. Nakuha narin kasi kaagad ni Lance 'yung location ko kaya naging madali para sa amin...I mean saakin na puntahan 'yung bahay. Ako lang 'yung makakapasok kasi, multo lang ako diba? Tapos si Lance bawal. Exclusive subdivision 'to. For Rich kids. From his source.

Well, base lang naman 'yun sa information na nakuha namin kagabi... tsaka may pasok kasi 'yung monster na 'yon. Hay. Hayaan na nga.

Number...41? Where are you?

Alam kong namang nasa tamang street ako... kulay blue na gate ang hinahanap ko—OMG! Eto 'yon! I found it!

Ayun!

Excited akong tumagos 'dun sa gate. At napa-wow ako kaagad nang makita ko 'yung bungaran pa lang. Grabe! Parang school grounds ng school nung monster na 'yon sa super lawak. Well-trimmed 'yung grass and then sa kabilang side...Tama nga si Lance. Mayaman ako!

"Omfg... dito ako nakatira? Ibig sabihin, rich kid talaga ako?" Bigla ko nalang nasabi. May maraming iba't ibang design at kulay ng kotse pa 'yung naka-park 'don. Sports car, pick-up cars. Like omfg, is this a real house...? This is nearly a mall. Grabe!

Pero...teka? may pag-mamay-ari kaya ako sa mga kotse na 'yan? Baka naman anak lang ako ng katulong? Di kaya? Napaisip ako. Tsaka ko lang naalala na mayaman nga pala talaga ako.

Nang makapasok ako sa loob, naglakad lakad ako ng tahimik doon sa salas. May mga pictures... I mean, family pictures. They looked happily and perfect. I touched one of the picture frames which caught my attention. Naka-high school toga siya, holding her diploma at ang ganda ng ngiti niya.

It was me.

Ito nga 'yon. Yung bahay ko. Kung saan ako nakatira.

OMG!

"Dad! Please..."

Mapapangiti na sana ako sa natuklasan ko, pero nakarinig ako ng sigaw. Kasabay nun ay ang pagyabag ng hagdan. Tumingin ako sa direksyon na 'yon at nakita ko ang isang lalaking nasa late 40's na habang hawak ang isang suit case at naka-office attire siya. Naka-sunod sa kanya ang isang babaeng...umiiyak.

"Dad." Hawak niya 'dun sa balikat.

"Tigilan mo ako, Burgundi. "

"Ano ba—" Patuloy na umiiyak 'yung babae, pero kahit umiiyak siya, ang cute niya parin dahil dun sa full bangs niya at ang chinita niya. Kapatid ko ba siya? Familiar ang mukha niya eh.

"Burgundi, naglayas ang kapatid niyo dahil nagrerebelde siya." Na-curious ako 'don sa sinabi nung tinawag niyang dad. Natanggal ang pagkaka-hawak ng kamay ko don sa picture ko. Anong pinag-uusapan nila?

"Hindi magagawa ni Ate yon." Umiiyak na sagot nung babae, which is si Burgundi.

Hindi na nagsalita 'yung dad nila. Inalis niya yung hawak ni Burgundi tapos ang lalaki nung hakbang niya papalabas.

Nagtakha ako.

Okay, what was that?





Nang makauwi ako sa bahay ni Lance ay nakita ko kaagad siya sa kusina. Busy siyang nagluluto. Parang tatay lang ang datingan dahil hawak niya yung sandok habang may ginagawa sa kawali at sa kabilang kamay naman ay hawak niya ang baso ng juice na iniinom niya.

TIL DEATH DO US PART [FANTASERIES #1]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum