Chapter Five

133 8 0
                                    

LANCE

"Tulong...Sunog...Sunog...Sunog! Sunog! Aaah!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa narinig ko ang boses ni Migra na sumisigaw ng sunog. Mabilis akong tumayo mula sa kama ko. Halos mahilo ako pero binalewala ko yon at agad kong hinawakan ang likod ng ulo ko gamit ang magkabila kong kamay. Puta! May sunog! Asan ang sunog—

Napatigil ako nang makarinig ako ng pagtawa.

ANAK NG!

"Ano bang—tangina naman oh!" napasabunot ako sa buhok ko at napaupo sa kama. Masama akong tumingin 'don sa multo habang sarap na sarap 'yung tawa niya.

"Paos na 'yung cellphone mo, dika pa nagigising!" tumawa siya ulit.

"BWISET!" inis akong tumayo ulit at dumiretso sa cr para maligo. Makapasok na nga lang sa school baka sakaling tumahimik ang araw ko kahit konti. Tangina, kahit konti lang talaga.

--

Pagkababa ko sa sala ay bumungad saakin ang malinis na sala. Wala 'yung mga gamit ko na basta ko na lang isinalampak kagabi dahil bukod sa pagod na ako ay kasama ko pa si Migra na nanggugulo sa nanahimik kong bahay.

"Asan na 'yung gamit ko?" tanong ko na supposed to be sa sarili ko lang dapat, pero dahil sa pagka-irita ay naging malakas na tanong out of now where na para bang may sasagot saakin.

"Hanapin mo~" Literal na napalundag ako sa kinatatayuan ko nang may sumagot nga. Lumingon ako kay Migra. Akala ko nasa taas pa siya at hindi pa tapos tumawa pero nandito na naman at nang-iinis!

Napapikit ako. "Pwede ba—"

Itinaas niya ang kamay niya ng paawat. "Op! op! Kumain ka na. Nakaluto na ako. Sinundan ko yung sinabi sa cook book kaya nakapag luto ako ng medyo..." Napalunok siya. "Edible naman. Naayos na 'yung gamit mo sir, kasi ang kalat. Ayos na lahat. Pati 'yang damit mo hindi mo napansin? Plantsado may konting sunog nga lang."

Parang biglang sumirit yung dugo ko sa ulo ko nang marinig ko ang huling sinabi niya. Hindi ko na pinansin yung pagkain sa kusina. Iniwanan ko siya sa sala. Pinuntahan ko yung laundry room at tinignan ko kaagad yung uniform kong nasunog niya, and for me to see...

Napahinga ako ng malalim. "MIGRA!" Kulang na lang ay maputulan ako ng ugat sa utak.

"Hehe! Sorry Monster!"

***

"Okay class, go get your yellow papers now. Fold it in lengthwise."

Sinalakay ng kaba ang dibdib ko dahil sa sinabi ng professor namin. Kanina ko pa pinagdarasal na sana hindi matuloy 'yung exam ngayon simula ng matapos akong kumain, pero hindi ako pinagbigyan ni God ngayon, at para sa kaalaman ng lahat, hindi ako kumain sa bahay! Kumain na lang ako sa malapit na mini-stop dahil ang sinasabi nung multong nasa bahay ko na edible ay lason! Lason dahil pakiramdam ko nakaka-matay kapag kinain ko pa 'yon!

"Mr. Alazar? Where's your yellow paper?"

Napatingala ako sa teacher ko. Nadinig ko pa ang pigil na tawa ng tropa ko sa likod. Palibhasa mga nakapag-review kagabi e.

"K...kukuhanin ko pa lang po." Kanda utal pa ako.

Napailing nalang 'yung prof ko sa akin at ibinigay na 'yung test questionnaire. Napatitig ako sa test paper sa harap ko. Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa. Shit. Anong isasagot ko sa exam eh wala akong nareview dahil tumulong ako ng isang kaluluwa?

Tsaka ko lang napagtanto. Napaka-matulungin ko pala talaga.

"Ma'am, na inlove kasi sa isa sa mga babaeng naika—"

"Shh! Silence! Isi-singko ko kayong lahat!"

Parang aso kong iwinisik 'yung mukha ko para pigilan ang antok ko. Nakaka-antok dahil wala akong maisagot Powtah lungs! Ibinalik ko ang tingin ko 'don sa yellow pad ko at halos maisubsob ko 'yung mukha ko sa panlulumo ko ng makita kong dalawa pa lang ang nasasagutan ko out of twenty-five questions.

At higit sa lahat, five points each. Partida, hindi pa sure 'yung sagot ko sa dalawa.

"Tulungan kita!" Pinigilan ko ang sarili kong mapapitlag! Tangina naman oh. Bigla bigla na lang nasulpot! Araw-araw ko bang kailangang maranasan ang magulat?

"Nakita ko kanina, nasa table ng prof mo 'yung answer key. Hehe."

Pasimple ko siyang tinignan. Nakangiti siya sa akin habang naka-upo sa katabing seat lang, which is may nakaupo rin..at obviously, nakatagos siya 'don. Napalunok ako.

Hindi ko maimagine sa buong buhay ko na makakawitness ako ng ganito kakila-kilabot na bagay.

"Paano mo gagawin?"

"MR. ALAZAR!" sigaw nung prof. Tsk! Kaluluwa nga lang pala kausap ko! Argh!

"Sulat mo sa yellow paper mo 'yung sasabihin mo," Bulong niya.

Tumango na lang ako at bumulong. "Ge."

"Ayun lang 'yung papel na answer key oh."

Nagsulat ako sa yellow paper ko.

'So?'

"Penge yellow pad, hehe." Napailing ako sa ideya niya.

'Matakot pa sila dahil makita nilang gumagalaw 'yung ballpen mag-isa.'

"Di 'yan! Ako naman nagpapagalaw eh. Joke!" she made a peace sign at nasundan 'yon ng tawa. Napahigpit ako ng hawak ko sa ballpen. Napabuntong hininga nalang ako at nagsulat ulit sa papel.

'Just read the answers loud and clear.'

"Sige! Listen carefully ha?" she said.

Tuwang tuwa siyang tumayo mula sa kina-uupuan niya at pumunta sa teacher's table. Napangiti ako ng palihim dahil sa ginawa niya, at gagawin niya, at sa kanya—este...May benefits din naman pala 'yung ganto.

"Game!" she giggled.

At nagsimula na siya, kasabay ng hindi mapigil na ngiti ko. Hindi naman pala worst ang pakikisama sa kanya kahit pakiramdam ko ibang Migra ang kasama ko, kahit nakakatakot lang dahil kung saan saan siya nasulpot bigla.

This Migra, looks so carefree.

I twitched my lips to suppress a smile that she might see. Bigla kong naalala ang mga panahon na halos magmukha na siyang panda dahil sa puyat kakaaral noong nagliligawan pa lang kami.

"Why don't you just cheat?" I asked.

"That's bad, Lance."

"Mas bad iyang halos maubusan ka na ng dugo dahil sa puyat. I'm a grade conscious myself but I know how to set my limits. Health before anything else, Mig."

"Cheating doesn't count so no..." npagmamatigas niya pa 'rin.

Napabuntong hininga ako. "Sometimes, doing wrong things would teach us a lesson that we will hardly forget, than avoiding mistakes and will always do right things..."

Pinagpilitan niyang wag mag-cheat noong araw na 'yon... but looking at Migra right now, that's what I've always wanted to see from her.

Not afraid to make mistakes.

Not afraid to take risks that will give her an unforgettable lesson. 

TIL DEATH DO US PART [FANTASERIES #1]Where stories live. Discover now