Chapter Six

162 6 2
                                    

MIGRA



Nang matapos kong tulungan si Lance sa exam niya dahil wala siyang mai-sagot, at kahit naman hindi niya sabihin saakin ay may kinalaman ako 'ron dahil ako ang inuna niya. Hindi siguro siya nakapag-review ng mga kaibigan niya dahil saakin. I mean, siya lang pala ang hindi nakapag review.

Kaya bilang ganti, tinulungan ko siya sa exam...kahit alam kong masamang gawain ang mag cheat. Well, cheat bang matatwag 'yon? Joke. Inayos ko rin 'yung gamit niya, at ipinagluto ko siya, palpak lang. at least nag-effort diba? Tapos, nasunog pa 'yung manggas ng uniform niya.

Well, so... ayun nga. Back to the topic. Nilibot ko muna 'yung kung saan nag-aaral si Lance, at nag-gala ako kung saan saan hanggang hapon dahil nagbabakasakali lang na may makitang kung ano man na makakapag-paalala sa nakalimutan ng utak ko bago ako bumalik sa bahay ni Lance, specifically sa kwarto niya.

Dun ako dumiretso, ang kaso lang ay wala siya dun kaya lumabas ako ng kwarto niya para hanapin siya.

"Hmmm, babe."

Nasa kalagitnaan ako ng hagdan ng may marinig ako. Napatigil ako saglit at napakunot ang noo. Ano 'yun?

Pumunta ako sa kusina dahil malapit doon yung hagdan kaya 'yon ang inuna kong puntahan. Walang tao. Sa sala galing 'yung naririnig ko. Binilisan kong naglakad.

Omygod!

Agad akong napatakip sa mata ko sa nakita ko. Si...si.. Lance habang naka-upo yung babae sa lap niya at naka-tank top nalang na damit habang sapo sapo niya yung mukha ni Lance at akmang hahalikan na siya nung babae.

"Babe..." boses ni Lance 'yon, pero bago pa ako makarinig ng kung ano-ano ay mabilis akong umakyat pabalik sa kwarto ni Lance. Pakiramdam ko kahit kaluluwa ako ay nararamdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Kadiri naman 'yung Monster na 'yon! Ang dugyot niyaaaaa!

HINDI BA NAGSI-SINK IN SA KANYA NA MAY KALULUWA SIYANG KASAMA?! Hellooo? Babae parin ako! BABAENG KALULUWA!

"Yuck!" nasabi ko na lang at humiga ako sa kama ni Lance at niyakap ang isang unan. Mabuti naman at sa sofa sila nag-anuhan. Ano? Hindi sa kama niya dito kasi talagang lalayasan ko si Lance kung ganon siya ka-dugyot! Iw!

Napahinga ako ng malalim. Tumihaya ako at nakipag-titigan sa kisame. Biglang gumugulo sa isip ko. Ang daming tanong, at what if's. Yung lungkot na naramdaman ko nung mga nakaraang araw ay pansamantalang nawala.

Yung ilang araw akong palaboy laboy sa kalsada matapos akong nagising sa isang bakanteng lote, hanggang sa matuklasan ko ang nangyari saakin ay nawala simula ng makita ako ni Lance. Dahil may nakakita saakin...

Pero Kahit gusto kong makuntento ay hindi ko magawa. Hindi kasi sapat na nakikita lang ako ni Lance. Hindi naman kasi ako or siya—I mean kami habang buhay na ganito dahil may kanya kanya kaming buhay... may sariling buhay si Lance, at syempre, gusto ko ring bumalik sa sarili kong buhay 'no.

Gusto kong maging normal.

Pero paano ko gagawin?

Paano ako mag-uumpisa? Paano... Paano ko hahanapin ang katawan ko? Paano ako makakabalik sa dati 'kong buhay kung hindi ko alam kung paano ako magsisimula? Ni hindi ko alam kung sino ako. Anong katauhan ko, at kung ano ang nangyari saakin kaya nagka-ganito ako.

Pinatay kaya ako? Yung tipuhang kidnap for Ramsom? Or Suicide? Rape?

But seriously, gusto kong maalala ang lahat lahat. Gusto kong bumalik sa pagiging isang normal though, hindi ko alam ang feeling 'non kasi wala nga akong maalala.

"Haaaay. Ang hirap naman ng ganito." Niyakap ko ng mahigpit ang unan ni Lance, naamoy ko pa 'yung pabango niya. ang bango nga e.

Isa pang pinagtataka ko kung paano niya ako nakikita. Paano niya ako nahahawakan, at higit sa lahat, kung paano ako nakakaramdam simula ng maging isang kaluluwa nalang ako.

Nakakaramdam na ako. Nakaka-amoy, nakaka-panlasa na ng pagkain at—

"Hoy, multo!"

Speaking of the Monster.

"Dugyot." I tsked as I looked at him. Kadiri talaga. Hindi ko ma-imagine na ang isang halos myth God na gwapong lalaki ay magagawa ang isang tulad niya ang ganoong bagay! Parang...seryoso? Ugh. Basta, KADIRI. PERIOD.

"Dugyot?" tinaasan niya ako ng kilay. "Nakita mo? Nanood ka? How's the feeling?" Bumagon ako mula sa pagkakahiga nang matapos niyang sabihin 'yon, nandidiri parin akong tumingin sa kanya tsaka ko siya dinuro kahit yakap yakap ko pa yung unan niya.

"Wow! Hindi ako nanonood, I just accidentally heard a confusing sound which I found that it was your moans!"

"Aba'y edi wow." Uupo sana siya sa kama ng mabilis pa sa alas-kuwatro ko siyang tinaboy. "Alis diyan! Pagod ako!"

"Che! Tired of moving in and out?! Mandiri ka naman! Maligo ka muna diyan!"

"Bakit ba? Kama ko 'to! Ikaw ang umalis diyan! And for Christ's sake! Nothing happened!"

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Wala daw nangyari? Eh ano 'yung nakita ko? Hallucination? "Magkaroon ka naman ng Moralidad sa sarili mo! Dito mo na nga ginawa sa bahay mo yang kadugyotan mo tapos ni-maglinis ng katawan ay hindi mo gagawin?"

"Pake mo ba?" tinabig niya ang kamay kong nakaduro. "Bahay KO ito. Kwarto ko TO. Pagmamay-ari ko 'to!"

"Ay! Sorry ah? Respeto naman sa babaeng tulad ko ah?! May kasama ka pa rin dito 'no!" Pumait ang mukha niya.

"Respeto amputa." Napailing siya. "Multo ka lang naman ah."

Pagkasabi niya 'non ay biglang may kumirot. Pakiramdam ko nasaktan ako. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang dahil isang lang akong kaluluwa, at bukod don... pakiramdam ko ay may sumabog. Bigla akong natahimik sa sinabi niya.

So, porket multo ako ay hindi na ako ka-respe-respeto?

Umalis ako sa kama. Hindi ako nagsalita. Binitawan ko 'yung unan. Hindi ko alam kung kaya kong itago 'yung pain at disappointment sa mata ko dahil sa sinabi niya.

I'm just a ghost, na hindi karapat-dapat respetuhin.

Sakit naman 'non.

"Hindi 'yun ang—" halatang nabigla 'yung reaction niya ng ma-realize niya siguro yung binitwan niyang salita at ang tono ng boses ko. Napapikit siya at napahawak sa ilong niya.

"Sorry..." halos bulong niya. Naglakad ako papalabas ng kuwarto niya. Nahawakan niya ang wrist ko. Nagpumiglas ako.

I don't know but feeling this pain towards Lance...is somehow familiar. 


***

TIL DEATH DO US PART [FANTASERIES #1]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora