Chapter Thirteen

70 2 1
                                    

LANCE



"Lance..."

Napalingon ako. Naririnig ko ang boses ni Migra sa paligid pero wala akong kahit anong makita. Basta ang alam ko ay sobrang liwanag. Nag iisa ako sa liwanag.

"Migra! Nasan ka?" Pakiramdam ko sobrang lapit ko sa ulap kung saan nagtatago ang araw. Kanina pa sinasalakay ng kaba ang dibdib ko dahil kanina ko pa naririnig ang boses ni Migra pero hindi ko siya makita.

"Monster, I'm sorry...." Narinig kong muli.

Doon na unti-unting luminaw. Unti-unting nawala ang liwanag hanggang sa bumungad sa harapan ko si Migra.

Napatakbo ako palapit sa kanya. Biglang nawala lahat ng pangamba ko nang Makita ko siya.

"Monster..."

"Migra..."

"Lance, I'm sorry." Napayuko siya at doon ko nakitang nagsimula na siyang umiyak. Hinawakan niya ang kamay kong pareho at pinisil.

Hindi pwede...

"Migra..."

"Lance, sumusuko na ako." Umangat ang tingin niya saakin kasabay ng parang pagbukas ng isang portal. Unti-unti na namang lumiwanag ang paligid at para bang unti-unting kinakain nito si Migra.

Mabilis kong hinawakan ang kamay niya pabalik. Mahigpit na mahigpit ko 'yong hinawakan para hindi siya makuha ng liwanag, o kahit makuha man ay hawak ko pa rin siya.

"Tangina! Uuwi na tayo!" sabi ko.

"Lance... salamat sa lahat."

"Tangina naman, Migra! Babalik ka pa sakin eh!" mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Tangina, hinding hindi ko 'to bibitawan! Pero hindi ko alam kung anong meron dahil parang may langis sa kamay naming dalawa at dumudulas 'yon para mapag-hiwalay kami.

"Mag-iingat ka palagi, Monster. "

'Yon ang huling sinabi niya bago siya kinain ng liwanag. Tuluyan ng naghiwalay ang kamay naming dalawa. Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.


"MIGRA!"

Napabalikwas ako ng bangon. Mabilis akong nakaramdam ng hilo dahil sa pagbalikwas ko.

"Uy, ano ba naman 'yan! Kakalagay ko lang—" Narinig ko kaagad ang nag-rereklamong boses ni Migra. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nang makita ko siya ay mabilis kong siyang niyakap bago ako napahinga ng malalim. Tangina. Tanginang panaginip talaga 'yon! Akala ko talaga!

"Uy Monstter...T...teka..."

"Panaginip..." mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. Tangina. Akala ko wala na siya.

"Uy, Lance..." tawag niya sa akin. Hindi ako nagsalita.

"Kalma lang, Monster! Ano bang nangyayari sa'yo?" Pero wala akong balak sumagot. Tanging pagyakap lang ginagawa ko. Pilit kong isinisiksik sa isip ko nandito sa sa harapan ko at hindi ako dapat mag-alala.

Hindi na rin siya nagsalita. Dahang-dahan siyang humiwalay sa yakap bago ako tahimik na itinulak pahiga sa kama pabalik. Maingat niyang ibinalik ang face towel sa noo ko. Dala na rin siguro ng lagnat ay unti-unti na akong nahila ng antok.

I can feel Migra's stare from my blurry vision.

I felt her move but I held her wrist.

TIL DEATH DO US PART [FANTASERIES #1]Where stories live. Discover now