Chapter Twenty Five

72 1 0
                                    

LANCE



"No..." halos hindi ko makilala ang sarili kong boses. Magkahalong galit, lungkot at sakit ang nararamdaman ko. Napayukom ako ng kamao.

"H...how...Fuck...No..." hindi makapaniwalang sabi ko. Halos mag-apoy ang paningin ko sa galit habang naka-tingin ako sa laptop ko. Halos masugat na ang palad ko dahil sa pagkakayukom ko.

Putangina.

"Your Migra is here, Justin. She's a human tester. Noong una ay akala ko simple lang silang sindikato, but when I dug deeper, hawak sila ng isang mafia. They're one of the sources of the drugs that was being sold around the world, and usually, nangingidnap talaga sila ng mga cilivian para gawing human tester."

Hindi ako nagsasalita. Nakatingin lang ako sa monitor ng laptop ko.

"And I'm still retrieving the first video kung paano siya dinala at saan siya nakuha... wait a sec—I'm still hacking the other cameras."

"Lance...." Narinig kong tawag ni Migra saakin. Ni-hindi ko magawang tumingin sa kanya. Hindi ko siya kayang tignan. Hindi ko alam... alam kong pag tumingin ako sa kanya ay mas do-doble ang sakit na mararamdam ko. Mas lalaki ang galit ko sa mga taong nanamantala sa katawan niya.

Puta. Hinding hindi ko 'to matatanggap.

"Got it, I'll send it to you now, Justin."

Naging alerto ako hanggang sa unti-unting nagload ang laptop ko. Kusang nagplay ang video. Nagsimula ang isang video sa isang hindi pamilyar na daan. Nasa labas ito ng isang building at isang kotse na itim at walang plaka ang nag-park. Nagtakha ako doon pa lang.

Walang plaka?

Kumibot ang kilay ko hanggang sa lumabas ang isang lalaki. 'Tila ba natataranta ito, at iwinagayway niya ang kamay niya na para bang may tinatawag. Hindi ko marinig ang sinasabi niya dahil kuha lang ito sa cctv cam mula sa entrance ng isang gusali.

Hanggang sa dumating ang hindi lalampas sa lima na mga taong naka-suot ng puti at may tulak-tulak na stretcher. Ibinungad nila 'yon sa backseat ng kotse at nagtulungan sila papasok sa loob. May nilabas silang isang katawan.

Napatigagal ako. It was Migra.

"Wala na akong ibang video na makuha dahil 'yan lang ang nasundan eh. Ibinackward ko pa ang ilang cctv at nakita kong ang pinaggalingan niya ay isang masukal na daan. I'm not just that sure." Sagot niya habang nanonood ako. Tuluyan ng naipasok si Migra sa loob ng gusali at doon na naputol ang video.

"Saang direksyon siya galing?" Nanggagalaiting tanong ko. Napuntahan na namin ni Migra ang lugar na 'yon kung saan inexpect namin na naduon ang katawan niya. Patugong northern part ng manila 'yon at almost nasa bungaran na kami ng isang Bulacan. Doon sa maraming gubat. Sana hindi ako nagkakamali sa hinala ko. Maaring doon galing sa gubat ang lalaki.

"From North." And that's the cue for me to believe my instincts.

"Can you send me the information about that Syndicate? I'll call you later," Tanging sabi ko. Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Pagkalapag ko ng cellphone ko sa study table ko ay walang imik akong lumabas ng kwarto. Narinig ko pang tinawag ako ni Migra pero hindi na ako nag-abala pang lumingon.

Dumiretso ako sa kusina. Kumuha ako ng isang basong tubig at diresto ko 'iyong nilagok. Napapikit ako.

"Sorry to say, but this syndicate, used your Ex-girlfriend as their Guinea Pig."

TIL DEATH DO US PART [FANTASERIES #1]Where stories live. Discover now