Chapter Twenty One

73 3 0
                                    

MIGRA


Buong magdamag akong gising. Dahil kaluluwa na lang ako, hindi ako natutulog, and I will take it as my own advantage dahil habang buong magdamag na tulog si Lance, nakatitig lang ako sa mukha niya. Halata sa mukha niya ngayon na wala na siyang kahit anong itinatagong nararamdaman niya.

Kaya pala laging naka-kunot ang noo niya dahil may hindi siya sinasabi. Kaya pala sobrang inis na inis siya sa akin lagi, dahil akala niya hindi ko siya mahal. Akala niya hindi ko rin siya mahal. Kaya pala nagtataka ako dahil sa laging sinasabi niya saakin ay mga "again" at "na naman". Kaya pala napaka-meaningful niya magsalita. Madalas hindi ko naiintindihan at nakakapagtakha, pero malinaw na ngayon saakin kung bakit.

Napahaplos ako sa buhok niya. I remembered the first time that I denied my love for him. I was too scared to admit. Sobrang natakot ako makipag-commit sa kanya dahil noon palang ay playboy na siya. Junior year naming not at kali-kaliwang babae ang naikakama niya, and how lucky he is, I was the muse who tamed his yucky attitude back then.

Simula ng makilala niya ako sa school namin noon ay napansin nila na ang playboy king of the campus changed. Nagtakha sila hanggang sa unti-unting ako ang sineryoso niya, but little did they know, wala kaming label dahil ako ang Brain Queen ng Campus.

Relationship for me is just a distraction, kaya kahit alam kong na-fall na ako kay Lance sa loob ng halos isang taon naming walang label, pinili kong tapusin nalang ang lahat.

And it happened. Unti-unti akong na-distract sa pag-aaral dahil nasanay ako sa presensya niya. Lagi ko 'yong hinahanap. Sometimes, mas pinipili kong buksan ang PC ko na puno na pictures and moments naming dalawa, I busied myself missing him... hindi ko inintindi ang pag-aaral ko.

Hanggang sa unti-unting bumaba ang grade ko. Unti-unting nawala ang tittle ko as Brain Queen of the Campus. Lumipat si Lance ng school 'non, habang ako ay wala na akong maisagot tuwing exams namin. And it happened na nawala ako sa running ng laude.

The school warned me, pero wala akong paki-alam sa paligid ko noon, ang tanging gusto ko lang ay makabalik kay Lance... pero alam kong hindi ko na magawa dahil binaliktad ko lahat ng nararamdam ko sa kanya ng makipaghiwalay ako. Alam kong galit na galit siya saakin kaya hindi ko siya magawang balikan.

I was too scared to take the risk... that's why I messed up.

And that night... pinadala ang letter kay Dad, he was fuming mad at me...ayaw akong makita ni Dad.

That night, I decided to move out in our house. Madaling araw 'yon, at doon ko napagdesisyonang bumalik kay Lance. Gusto kong bawiin sa kanya lahat lahat ng sinabi ko. Aaminin ko kung ano ang totoo... gusto kong linawin ang lahat lahat. Yon ang balak ko habang nag-iimpake ako ng gamit ko.

Sa kanya dapat ako pupunta.

Pero huli na ang lahat para saamin...para saakin.

Hindi ko na nagawang sabihin sa kanya kung ano ang nararamdaman ko.

"Good morning, baby." Napakurap ako at bumalik sa huwisyo.

Sa wakas ay nagising na rin ang halimaw.

"You're spacing out that's why I'm able to stare at your face." Hindi ako sumagot. Yumakap ako sa bewang niya at sumiksik sa leeg niya. I smelled his manly scent.

"What's the matter?" tanong niya saakin.

"I was just reminiscing"

"About?" Inilayo niya ang leeg niya saakin. Hinawakan niya ang mukha ko at ini-angat yon. Dinampian niya ako ng halik sa labi.

TIL DEATH DO US PART [FANTASERIES #1]Where stories live. Discover now