Chapter Fifteen

68 3 4
                                    

MIGRA


Hindi ko na alam ang nangyari matapos ang halik naming dalawa ni Lance. Halimaw na 'to! Labi ko pa talaga ang napag-diskitahan. Higop na higop ako. Nakita ko nalang ang sarili naming dalawa na nakahiga sa kama niya matapos ang halikan namin at magkayakap kami...este, magkaharap kaming dalawa habang naka-tanday ang binti niya sa binti ko...sa ilalim ng kumot.

Hep! Hep!

Paalala lang na multo ako kaya walang posibilidad na may mangyari saaming dalawa.

Pero kung tao ako...

Well... alam niyo na.

Kidding aside, after our kissed, no sweet word or anything was heard between us. Ang tanging kumokonekta lang sa aming dalawa ay ang mga paningin namin. Kapwa parehong may gusto kaming sabihing dalawa sa isa't isa pero walang nagsalita sa amin dahil sa takot. Kaya ang mga mata na lang namin ang nagsilbing nag-salita para saamin. Para sa nararamdaman namin.

Ako, sa lahat ng nangyayaring ito sa akin, takot ang pinaka-nagpapahina saakin. Dahil alam kong patay na ako. At sa paraan ng pagtingin ni Lance, nararamdaman kong meron siyang pagtingin saakin. That kiss made us realized things.

Me being a ghost.

Us, having feelings towards each other.

At higit sa lahat, me...being dead.

Natatakot ako. Ayokong sabihin sa kanya na may nararamdaman ako sa kanya. Mas naging confirmed lang 'yon dahil sa halik naming dalawa, pero dahil bumalik na ang ilan sa mga ala-ala ko, hindi ko lang sinasabi kay Lance, pero sumusuko na ako. Gusto ko na lang hanapin ang katawan ko. Yun na lang, ayaw ko nang magbitaw ng salita kay Lance, ayokong umasa siya.

Napabuntong hininga nalang ako. I shook my negative thoughts away. Ngumiti ako habang tinitignan ang perpektong mukha ni Lance.

Kilay na kilay ang halimaw! Halatang inahit eh!

Bumaba ang tingin ko sa labi niya. Napalunok ako at naalala ko nanaman ang kiss namin kanina! Unti-unti akong nag-bend lalo at dumikit. Ipinikit ko na ang mga mata ko...well, tulog naman si Lance kaya ayos lang...

I was only millimeters away when I heard a voice. Lance's voice...

"Anong ginagawa mo, multo?"

Napadilat ako at kinakabahan...o naiilang na tumingin sa kanya. Lumayo ako.

"W...wala naman..."

"Pinagsasamantalahan mo ako 'no?"

Doon na nawala ang kahihiyan sa katawan ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "Ang kapal mo ha!"

pabitin niyang sabi. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya.

No, hindi ko sasabihin sa'yo 'yan Lance. Aasa ka lang. Konting panahon na lang...mahahanap ko na ang katawan ko... iiwan na rin kita.

"Hoy, natahimik ka na diyan, pinag-iisipan mo na bang umamin?"

"In the rate of one to ten, gaano ka kakapal?" irap ko.

Napailing nalang siya. Tumihaya siya ng higa kaya napa-tihaya na lang din ako. "Lance..." tawag ko sa kanya habang kapwa nakatingin sa kisame.

"Ano nanaman, multo?"

"Pahiram laptop."

"Ayoko nga."

TIL DEATH DO US PART [FANTASERIES #1]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα