Chapter Eighteen

80 3 1
                                    

LANCE



11:45 pm.

Buntong hininga akong napasandal ulit sa kinauupuan ko, habang nanonood ng palabas sa tv. Hindi ako mapakali at higit sa lahat ay hindi ko rin maintindihan 'yung pinapanuod ko dahil yung mukha lang ni Migra ang nakikita ko.

Tangina naman oh.

Pinipigilan ko na ngang mag-mura palagi pero hindi ko na mapigilan dahil sa pag-aalala ko sa kanya! Hindi niya ba naiintindihan na gusto kong sumama sa kahit saan dahil nag-aalala ako sa kanya na baka kung anong mangyari sa kanya? Akala ko ba partners kami pero iniwan niya ako doon sa university nila, at magisa akong umuwi!

Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko ngayong anong oras na. Maghahating gabi na at halos apat na oras na akong nag-aantay sa kanya na dumating siya pero wala parin! Paano kung naulit 'yung nangyari sa kanya doon sa University nila? Paano na siya?

Paano kung nagfe-fade ulit siya?

Ako lang nakakakita sa kanya, dapat kasama niya ako pero wala siya!

Napabalikwas ako ng upo nang makaramdam ako ng hangin. Napatingin ako sa pinto at nakita ko 'yung multo. Agad akong napatayo para lapitan siya.

"Hoy, Multo! San ka galing?" sigaw ko sa kanya.

Nang makalapit ako sa kanya ay halos mapangiwi ako. Napaka-gulo ng buhok niya at nang mapadako ang tingin ko sa mga paa niya. Wala siyang sapin sa paa at napaka-rumi niya.

San nanggaling 'tong multong 'to? Daig pa ang batang namamalimos sa kalsada dahil sa itsura niya.

"Hoy!" tawag ko

Tumingala siya at nagtama ang mga paningin namin. May emosyon akong hindi mabasa sa mga mata niyang nagsisimula ng lumuha. Napakunot ang noo ko sa kanya kasabay ng pagpintig ng dibdib ko dahil sa kabang bigla kong naramdaman.

"Naalala ko na... Naalala ko na kung paano." Marahas niyang pinunasan niya ang luha niya pagkatapos ay may ibinigay siyang papel saakin. Binuksan ko 'yon, at hindi ko maintindihan kung anong meron sa papel kung saan nakasulat ang pagkawala niya sa laude.

"Nung nakita ko 'yung letter kanina habang nasa locker ako— Lance!" hindi pa niya natatapos ang sinasabi niya ng binuhat ko siya ng bridal style. Hindi na ako nakatiis, ang dumi dumi niya!

"Mamaya na 'yan. Napaka-rungis mo. Ayusin mo muna nag sarili mo." hindi na siya sumagot saakin, instead ay yumakap na lang siya sa balikat ko at pumikit.

Sa pagyakap niya pa lang, alam ko na.

Alam kong may mali sa multong 'to.

***

Nang mai-upo ko siya sa kama ko ay binalak ko ng pumunta sa banyo para sa panlinis sa kanya dahil kahit braso niya ay may mga putik din na hindi ko ma-imagine kung saan niya nakuha.

Pero hinawakan ni Migra ang mga kamay ko.

"Lance..."

"Multo, sinasabi ko sayo mamaya—"

Umiling lang siya. "Pwede ba kitang yakapin?" bakas sa boses niya ang kalungkutan. Sasagot palang sana ako pero tumayo na si Migra at niayakap ako ng mahigpit. Napahikbi siya sa balikat ko at mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

TIL DEATH DO US PART [FANTASERIES #1]Where stories live. Discover now