Chapter Twenty Three

74 1 0
                                    

MIGRA

Pakiramdam ko ay nai-ahon ako mula sa pagkakalunod sa dagat o sa kahit anong anyo ng tubig. Pakiramdam ko, buhay na ulit ako. Pakiramdam ko humihinga ako sa paraang gustong-gusto kong ubusin lahat ng oxygen. Pakiramdam ko gusto kong huminga ng huminga hanggang mapuno ang baga ko niyon. Pakiramdam ko ilang taon akong tumigil sa pag-hinga.

"Migra, please...wag mo akong iwan." Not until I heard a familiar voice.


Dumako ang tingin ko sa boses na narinig ko. Ang sandaling hirap kong paghinga ay unti-unti kong nakalimutan 'yon. Nakita ko ang luhaang mga mata niya habang mahigpit na naka-hawak sa kamay ko at nakayuko.

Anong nangyari?

"L...lance. " gumaralgal ang boses ko. Pilit kong pinapakalma ang paghinga ko kahit nahihirapan pa rin ako. Ini-angat niya ang tingin niya sa akin at halos manlaki ang singkit ng mga mata.

Kulang nalang ay mapadasal ako ng pasasalamat dahil nandito parin ako. Hindi ko pa siya iniiwan. Nandito pa ako sa tabi niya.

Hinila ako ni Lance para sa isang mahigpit na yakap. I hugged him back weakly as I heard him whisper words.

"T...thank God... Thank God." Tila hinihingal siya. Halos maramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya dahil sa takot...takot na mawala ako sa kanya kahit anong oras. Naririnig ko rin ang pagsinghot niya at ramdam ko ang patuloy na pagtulo ng luha niya sa balikat ko.

"Hey calm down. Nandito pa ako." Hindi pa ako nakakapag-paalam.

Napapikit ako dahilan para tumulo ang luha ko. Ayaw kong makita niya ang luha ko sa ngayon. Sa nangyaring ito ay parang bumalik na kami sa reyalidad. Kahit sabihin pang may naka-kita sa katawan ko, alam kong mas malaki ang posibilidad na magpapa-alam ako sa kanya.

Pero paano ko gagawin ang bagay na 'yon? Paano ako magpapa-alam sa taong iiwan ko kung hindi pa panahon ng pag-alis ko ay sobra na siyang nahihirapan?

"I thought I'd lose you." Kulang nalang ay humikbi siya. Humiwalay ako sa yakap naming dalawa. Ikinulong ko ang mukha niya sa mga palad ko pagkatapos ay pinagtama ko ang paningin naming dalawa.

"It's not yet, time...baby. H-hindi pa ako nakakapag-paalam sa'yo." Garalgal ang boses ko. Dobleng sakit ang nararamdam ko sa tuwing nakikita ko siya. Ngayon niya lang nararamdaman at nalaman na mahal ko siya, pero may taning pa ang lahat. Parang may isang lubid na malapit ng maputol.

"No...no.. Baby, you're alive okay? H-hindi ka magpapa-alam dahil walang aalis..."

Umiling lang ako. "We're still not sure... maybe may nakakuha sa katawan ko at naipalibing na or maybe—"

"There's no maybe. You're alive. I can feel it, and I hope na maramdaman mo rin 'yon dahil katawan mo yon." Hindi nalang ako sumagot, pero alam kong kahit sarili niya ay kinukumbinsi niya lang na maging positibo dahil pareho naming alam kung ano ang nangyari kanina.

He almost lost me.

And maybe we just need a close goodbye when the right time comes to accept that everything between us is just temporary.

***

"Are you alright?" tanong sa akin ni Lance ng maging maaayos na ang pakiramdam ko. I'm back feeling like a normal spirit.

"Yeah, don't worry about me. Okay na ako." Kinindatan ko na siya. I grinned. Wala siyang nagawa kung hindi ang mapabuntong hininga nalang at mapa-iling at mapangiti nang tipid.

TIL DEATH DO US PART [FANTASERIES #1]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα