Chapter Nineteen

58 2 0
                                    

MIGRA

"Sumusuko na ako." Kasabay ng paglabas ng mga salitang 'yon sa bibig ko ay napaka-hapdi ng dibdib ko. Pinipigilan kong umiyak. Kailangan kong gawin 'to para wala na siyang asahan.

Gusto kong sabihin kung gaano ko siya kamahal. Ayaw ko siyang iwan at gusto kong mag-stay sa tabi niya. Ayaw ko pang sumuko pero hindi na 'yon nararapat dahil mas masasaktan lang siya sa huli.

At itong paraan na ito ang naisip ko.

Dahil naalala ko pa ang sinabi niya na kapag sinabi ko ulit na sumusuko na ako ay ibibigay na niya ang gusto ko at hindi na niya ako pipigilan pa.

Biglang nag-blangko ang emosyon sa mga mata ni Lance, pero alam kong...sobra ko na siyang nasasaktan. "Anong sabi mo?" tila nabibinging tanong niya saakin.

"Sumusuko na ako... itigil na nating 'tong ginagawa natin, total nakaka-alala na ako."

Lance... sana maramdaman mo na ayaw ko pa. Sana maramdaman mo yung pagmamahal ko sa kahit kalian ay hindi ko pwedeng sabihin sayo. Lance... ayaw ko pang sumuko...ayokong umalis kasi mahal kita. Mahal na mahal din kita.

Napa-aatras siya papalayo saakin. Napayuko ako kasabay ng pag-tulo ng luha kong hindi ko na mapigilan.

"Yan ba talaga ang gusto mo?" matigas na tanong niya. Tumango ako kahit gustong gusto kong umiling.

"Oo."

And that's the cue for him.

"For this time, I still did not succeed to make you fall for me." Iyon lang ang sinabi niya bago siya lumabas ng kwartong kinaroroonan namin.

Nang maiwan akong magisa ay napa-luhod ako kasabay ng paghagulgol ko.

Ang sakit. Sobrang sakit.




***

"Tama na, please...W-wag... Maawa na k...kayo....."

"Hindi pa kami tapos sa'yo, Miss!"

"Hindi ka ba nag-eenjoy?"

"M-maawa kayo...."

"T...tama n...na..." hindi ko na kaya...ayoko na...para akong mababaliw habang pinapanuod ang sarili kong pinagsasamantalahan. Gusto kong takpan ang mga mata ko.

Dalawang araw na simula nung umalis ako sa bahay ni Lance at naging pakalat kalat na kaluluwa nanaman ako, pero this time ay maya't maya ay kung saang lugar ako napupunta dahil unti-unting bumabalik ang ala-ala ako, at habang bumabalik ang ala-ala ko, wala akong ibang magagawa kung hindi ang manood, at umiyak, at manghina.

Pina-nuod ko ang sarili ko hanggang sa matapos akong mapagsamantalahan. Iniwan nila ang katawan ko na puno ng pasa, sugat at duguan. Napatakip

ako sa aking bibig habang ang isang kamay ko ay naiyukom ko. Hindi ko halos matanggap ang sobrang pang-bababoy sa katawan ko.

Hindi ko alam...

Hindi ko magawang lapitan ang katawan ko, hanggang sa unti-unti akong nakaramdam ng hilo... napakapit ako sa hamba ng pinto ng kwarto kung saan ako pinagsamantalahan. Pumasok muli ang mga lalaki. Nilapitan nila ako at binuhat ng isa sa kanila na para bang isang basura na handa na nilang itapon. Hindi na sila nag-abala pang damitan ako.

TIL DEATH DO US PART [FANTASERIES #1]Where stories live. Discover now