Chapter Seven

93 4 1
                                    

LANCE



Bakit napakadrama ng mga babae? Bakit ang bilis magreact, amputa. Hindi man lang pinag-explain 'yung tao? Hindi manlang ako hinayaang mag-explain tas nag walk out na agad? Hindi ba pwedeng nag-init lang ang ulo ko kaya ko nasabi 'yon? Shit!

Kingina naman oh.

Nai-stress na talaga ako sa multong 'yan. Napaka-nensitive kahit 'nong tao pa lang siya! Napaka-pusong mammon!

"Buwiset!" Pumasok na ako sa banyo para maligo. Inis akong napakamot sa ulo ko kasabay nung shower na bumabasa sa ulo ko. Sunod sunod na kamalasan ko sa babae simula kahapon! Anak ng! Napabuntong hininga ako.

So, manunuyo ako ng multo? Ganon?

Tangina. Mga babaeng naikakama ko nga, hindi ko sinusuyo e. Siya pa kaya?

Syempre.

Syempre siya iyon eh!

Banas!



***

Pagkababa ko ng hagdan ay siya agad ang unang hinanap ng paningin ko. Nakarinig ako ng tunog ng mga kaldero at sandok sa kusina kaya doon ako dumiretso. Nakita ko kaagad siya na nakatingin sa cook book. Lumapit ako ng ilang hakang ang layo sa kanya. Napatingin ako sa niluluto niya at napasentido na lang ako.

Nagsasayang ng pagkain 'tong multong 'to!

"Hoy, multo." Saglit siyang natigilan sa ginagawa niya which is naghihiwa siya. Tinignan ko kung ano 'yung hinihiwa niya, at na pailing nalang ako. Napansin niya yata kaya sinamaan niya ako ng tingin. Kawawang mga patatas.

"Hoy," Tawag ko sa kanya ulit.

No effect. Bingi ba 'to?

Kingina. Hindi ko naman 'to girlfriend, in fact, dapat soon to be. Kaso binasted niya ako. So, bakit ko ba 'to sinusuyo?

"Hoy." Lumpait ako at kinalabit ko siya.

"Hoy mo'to," Sagot niya saakin at umalis sa kinatatayuan niya. Napa-amang ako sa isinagot niya.

Mo 'to.

Mo 'to.

Anong motto mo?

Nagsimula na siyang buksan 'yung kalan. Magluluto na 'tong multong to.

"Ako na magluluto. Lasunin mo pa ako." Half serious. Medyo nakakamatay yung sinasabi niyang edible kaninang umaga kasi.

"Hindi ako monster tulad mo!" Inis niyang binitawan yung sandok na hawak niya, at lumabas ng kusina.

Pinatay ko muna yung kalan bago ko siya sinundan. "Hoy! Ano bang problema mo sakin?"

"Wala akong problema! Baka ikaw!"

"Napaka-sensitive mo naman kasi masyado eh!" nagsimula nang tumaas ang boses ko.

"Wow ha! Sabihan mo kaya yung mga babae mo na pang-kama ka lang naman eh! Hindi ka dapat respetuhin! Sabihin mo, baka putulan ka nila ng kinabukasan!" sigaw niya saakin. Aba't gigil siya? Hindi na ba siya nasanay sa mga salita ko? Ang mga ibang lumalabas sa bibig ko ay hindi naman maka-hulugan ah!

"Tsk!! EdiSorrryNa!" mabilis kong sabi sa kaniya. Labas sa ilong 'yon ha!

"CHE!"

"Arte nito!"

TIL DEATH DO US PART [FANTASERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon