Chapter Four

116 7 0
                                    

LANCE

"Uy, Justin. Nakikinig ka pa ba?"

Napakurap ako nang tawagin ni Lourd ang pangalan ko. Pakiramdam ko bumalik ako sa huwisyo, pero sa totoo lang wala akong naiintindihan sa pinag-aaralan namin dahil lutang ako.

Mukhang siguradong singko na ang grades ko nito. Tsk!

"May nangyari ba sa'yo sa daan?" tanong naman ni Adriel habang hawak niya ang isang bondpaper. Nagbabasa siya e. Umiling ako.

May nakasalubong lang naman akong demonyo. "Wala. Na-drain lang ako 'don sa practice kanina. Late kasi ako." Tangina. Kung nangyari inyo 'yung nangyari saakin, baka hindi na kayo makapagsalita riyan.

"Ilang laps ba?" tanong sa'kin ni Aiden. Napailing ako. "10 Laps," sagot ko.

"10 laps lang naman pala. Eh, nuon mas maraming laps pa hindi ka naman nagkakaganyan?"

"Tangina pre. Baka na-in love sa isa sa mga babaeng naikama niya!"

Mga ulul. Hinding-hindi mangyayari 'yun. Isip isip ko. Hindi ko na sila sinagot at kinuha ko nalang 'yung isang reviewer na naka- laan para saakin. Tawa parin ng tawa ang mga tropa ko pero hindi ko na sila pinansin at nagbasa na lang.

Hindi ako demonyo, Letche ka!

Napatigil nalang ako, nang marinig ko ang boses niya sa isip ko. Pakiamdam ko siya talaga 'yon eh, pero hindi. Imposible. Bakit hindi niya ako kilala? Tsaka, iba 'yung kilos niya...though nandon pa'rin 'yung pagka makulit.

"Pre, alam kong gasgas na, pero baliktad 'yang papel na binabasa mo." Napakurap ako at totoo ngang nakabaliktad 'yung reviewer na kinuha ko. Bakit ba bumabalik sa isip ko 'yung sinabi sakin nung kaluluwang 'yon!

"Lutang na lutang ka, gago."

"Tsk!" napaismid ako sa sinabi nila. Inayos ko 'yung papel at pilit kong binabasa pero puta. Walang pumapasok na kahit ano sa isip ko. Hindi ako makapagconcentrate! Paulit ulit lang na nag-peplay sa utak ko 'yung nangyari saakin kanina.

'Tulungan mo akong hanapin 'yung katawan ko'

Hayun nanaman 'yung boses.

"Pre, tanungan daw!" pare pareho nilang isinara ang mga reviewer nila. Tumango ako at ibinigay ko sa kanila 'yung akin sa sumandal at pumikit. Nakita ko nanaman 'yung mukha ng multong 'yon.

Please, ikaw lang ang makakatulong sakin—

Fuck. What if siya 'yon?

"What is the—"

"Puta." I accidentally voiced out. Napahinto sila at takhang tumingin saakin. Parang alien tuloy ako sa harap nila. Putspa.

Napahilamos ako sa mukha ko tsaka ako tumayo.

"May pupuntahan lang ako," Paalam ko sa kanila at kinuha ko 'yung susi ng kotse ko.

Hindi ko pa 'rin siya kayang balewalain hanggang ngayon.

And just like that...

"Tara na, bumaba ka na diyan. Masyado mo ng ininvade ang kotse ko!" Bulyaw ko na lang sa kaniya bago ako naunang bumaba ng kotse ko, at nauna nag pumasok sa loob. Sakto 'ring nakita ko ang mga ka-klase ko na papalabas na ng bahay.

"Tapos na?" tanong ko sa kanila.

"Oo, pre. Tatlong oras na kaya tayong nag-aaral. Ah kami lang pala. Lutang ka eh," sagot ni Lourd at nagtawanan ang mga gago. Tanginang 'yan. Dito nagset ng review tas wala ni isang na-rewind ang utak ko sa lesson? Sayang pakain ah!

TIL DEATH DO US PART [FANTASERIES #1]Where stories live. Discover now