Chapter Twenty Eight: Final Chapter

118 2 0
                                    

MIGRA


'Til death Do Us Part...

NANG tumakbo ako papalayo kay Lance ay tuluyang ng sumikat ang araw. Halos mapaluhod ako at madapa sa pagitan ng pagtakbo ko dahil sa bigat ng nararamdaman ko, dahil kung babagalan ko ang pagkilos ko, baka hindi ko mapigilan ang sarili kong gustuhing bumalik nalang sa kanya at manatili nalang na isang kaluluwa.

Pero hindi pwede 'yon. Dahil sa oras na mamatay ang katawan ko, hinding hindi na din ako makakabalik.

Kaya kailangan kong tatagan ang sarili ko.

Kailangan kong mag-take risk.

Kailangan ko itong gawin. Kailangan kong subukan na bumalik. Para sa mga taong naghihintay sa akin. Sa mga kaibigan kong matagal ng nangungulila, kay Jasmin...ang bestfriend ko. Sa mga kaklase ko, lalo na sa mga kapatid ko na matagal na akong hinahanap. Sa daddy ko... kay dad na papatunayan ko pang mali ang mga sinasabi niya. Kailangan ko pang bawiin ang dispappointments na naibigay ko sa kanya.

At higit sa lahat... kay Lance. Sa taong mahal ko.

Kailangan ko pang bumawi sa kanya. Kailangan pa naming magkaroon ng label. Gusto ko pang sabihin sa kanya na mahal ko siya, hindi bilang isang kaluluwa, kung hindi bilang isang tao na. Marami pa akong gustong gawin kasama siya...bilang isang tao.

Alam kong walang kasiguraduhan dahil sa matinding sinapit ng katawan ko. Maaring sa gagawin kong ito ay hindi na ako mkakabalik pa sa kahit anong paraan, pero susubukan ko dahil hindi pwedeng kaluluwa nalang ako habang buhay.

Narrating ko ang ICU kung nasaan ang katawan ko. Nakita kong naka-upo ang mga kapatid ko sa waiting area. Kapwa sila umiiyak at magkahawak ang kamay nila. Nasasaktan ako lalo nang makita ko ang itsura nilang dalawa. Wala na si Mama dahil matagal na siyang namaalam dahil sa panganganak sa kambal. Kaya kung mawawala ako ay alam kong mas mahirap sa kanila.

Kaya hindi ako pwedeng mawala.

Tuluyan na aakong lumapit sa kanila. Lumuhod ako para pumantay sa kanilang dalawa. Napsinghot ako. At naki-hawak sa kamay nilang magkadaop.

"Mahal...na mahal kayo ni Ate... Sana maintindihan niyo kung hindi na ako makabalik, at wala nang mag-aalaga sa inyo tuwing hinihika kayo..." halos mapahagulgol ako ng sabihin ko ang salitang 'yon. "Pero, sana hindi kayo pabayaan ni Lance. Hindi ko man naihabilin sa kanya, pero sana bantayan niya pa rin kayo... Sana... sa kahit anong paraan ay maipa-intindi niya na mahal na mahal ko kayo... na hindi ko kayo gustong iwan dahil gustong-gusto ko kayong balikan kaya nag take risk ako para sa inyong lahat na nag-aantay saakin... Sana maintindihan niyo..." Napayuko ako at mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa mga kamay nilang dalawa kahit alam kong hindi nila iyon nararamdaman.

"Mahal na mahal ko, kayo—"

"Fuschia! Gundy!" pare-pareho kaming tatlo na napalingon sa sumigaw sa pangalan ng kambal.

Pakiramdam ko ang nanghina ako nang makita ko kung sino ang taong 'yon.

It was Dad.

"Daddy...si Ate... Daddy..." Napayakap si Fuschia kay Daddy. Hindi ko alam kung gaano ko katagal hindi nakita si Dad, pero pakiramdam ko, tumanda ang itsura niya. Pumayat din siya base sa huling pagkakakita ko sa kanya.

Daddy ko...

Napahikbi ako. Napatakbo ako sa kanya, at kahit kaluluwa ako, pakiramdam ko ay isa akong batang limang taong gulang na yumakap kay Dad. Napahagulgol ako sa balikat niya dahil sa halo-halong narararamdaman ko.

TIL DEATH DO US PART [FANTASERIES #1]Where stories live. Discover now