Chapter Sixteen

55 4 0
                                    

LANCE


"Lance! Ang dilim!"

"Eh malamang naman kasi gabi!"

"Nakaka-takot kaya! Malay mo, may multo rito?" singhal niya.

Napangisi ako at tinignan siya. "Meron naman talaga eh. Katabi ko pa nga..." bulong ko sa tenga niya. Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin saakin. Kung tao lang talaga 'tong multong 'to, kanina pa 'to namutla.

"Lance naman eh! Wag kang manakot!" hinampas nanaman niya ang braso ko. Hindi ko napigilan ang tawa ko.

"Nasa kanan ko pa nga..." Napatingin siya sa kanan ko at hindi niya napigilan ang mapatili.

"Aray ko, putangina!" daing ko ng biglang sumiksik saakin si Migra dahil sa takot niya! Tanginang 'yan wrong move amputa! Pag-kami nahuli ng guard dito katapusan na ng kinabuksan ko!

Paano ba naman kasi, hindi ko alam kung anong trip nitong multong 'to para magtago daw kami dito sa labas ng gate ng school nila dahil delikado daw kung tuloy-tuloy kaming—I mean ako papasok. Masungit daw 'yung guard dito kaya natatakot daw siya para sa akin.

Kung alam niya lang, best friend ko 'yung guard!

Ako pa nga ang tumutulong sa kanya lalo na kapag late siya dahil itinatakas ko muna siya sa kung saan bago kami pumasok. Kung alam niya lang na inuuto uto ko yung guard para lang sa kanya.

Gusto kong mapailing.

May mga bagay talaga na ikaw nalang ang makaka-alala gustuhin mo man o hindi.

Akmang magsasalita na ako para sigawan siya nang takpan niya ang bibig ko gamit ang hintuturo niya. Hindi 'yata aware 'tong multong 'to na tao ako at masakit ang dumausdos sa semento dahil halos dumagan na siya ng upo sa akin diba?

"Wag ka ng magdaldal diyan, Monster! Off duty na nung guard! Tara!"

Napabuntong hininga na lang ako at tumayo na at itong multong 'kasama ko ay na kumapit sa braso ko. Hindi niya 'rin paborito yung braso ko ano?

"Maka-kapit ah?!"

"Ayos lang 'yan monster."

"Minamanyak mo na naman ako..."

"Ang kapal ng mukha mo ha."

"At least, gwapo." Ngumisi ako sa kanya, at kumindat. At gaya ng inaasahan ko ay umiwas siya ng tingin at yumuko na lang. Hindi na siya nagsalita pa. C'mon, Migra. I know you're falling.

"Lance, bakit kasi gabi tayo umalis?" tanong niya sa akin ng tuluyan na kaming makapasok sa isang building. Sumunod nalang ako.

Kung tutuusin, wala naman na talaga akong gampanin dito... wala akong role dito, pero ewan ko ba sa sarili ko kung bakit nung nalaman kong dito ang pupuntahan niya kanina ay hindi na ako nag-atubiling sumama sa kanya. Natatakot akong may mangyari sa kanya... natatakot akong maulit 'yung nangyari sa kanya at wala ako sa tabi niya.

Tangina diba? Our kiss made me realized things that I can't let her go. Dahil unti-unti na akong nahuhulog nang mas malalim kaysa sa una. That kiss made me realized that I'm falling for her deeper and I don't want to be alone. Again. It made me realized things that I just can't let her leave like what she did to me, dahil alam kong sa puntong 'yon, hindi ko na kakayanin.

TIL DEATH DO US PART [FANTASERIES #1]Where stories live. Discover now