Chapter Seventeen

61 2 2
                                    

MIGRA


Hindi ko alam kung gaano ako katagal na tumatakbo. Basta ang alam ko lang, kailangan kong makarating sa lugar na 'yon kaagad. Pakiramdam kon nandun 'yung hinahanap ko. Pakiramdam ko nandun lahat ng sagot sa mga katanungan ko. Sa lahat ng nangyari saakin.

Nandun 'yon. Sigurado ako.

Nanggigilid ang luha ko habang tumatakbo ako. Halos manlabo ang paningin ko, pero pinabayaan ko na lang. Yung sulat galing sa dean namin, alam kong may koneksyon 'yon. Simula pa lang ng makita ko yung grades ko last semester ay alam kong may malaking parte 'yon sa nangyari saakin.

Unti-unti ko ng napag dudugtong.

Nagsimula sa mga memoryang halos isang bangungot na para saakin, kasunod ng mga ala-alang lumilitaw sa isip ko, 'yung babeng humihingi ng tulong, at mapagtanto kong ako 'yon, ang mga lalaking nakapaligid sa akin, hanggang sa malaman kong wala na akong buhay. Patay na ako.

Biglang lumitaw ang mukha niya sa isip ko sa gitna ng pagtakbo ko. Halos mapahinto ako at halos mapa-luhod na. Nakaramdam ako ng panghihina. Doon ko napagtanto na aalis na ako. Doon nag-sink in sa akin na aalis ako at iiwan ko siya, at hinding hindi ko na maaring balikan pa...

Lance...

Masakit isipin na malapit ko na siyang iwan. I badly want to stay, pero alam kong mali at hindi pwede.

Patay na ako.

What we have...what we wanted to start shouldn't happen in the first place.





Kusang huminto ang mga paa ko sa isang kulay gray na gate. Biglang nag-iba ang pakiramdam ko. May mga boses akong naririnig sa likod ng isip ko kasabay ng mga malalabong imahe na pamilyar saakin.

Napakapit ako sandali sa hamba ng gate bago ako tuluyang tumagos sa loob ng gate. Napagmasdan ko sa madilim na gabi pagkatapos ay ang napakalawak na pag-aari ng pamilya ko, pero hindi tulad ng unang tapak ko ay hindi na ako nakaramdam ng kahit anong pagkamangha kundi, tanging ang pangungulila na lamang, at pagkukulang.

Hindi ko pa man naalala pero alam kong may mali na sa bahay namin na ito.

Tuloy tuloy ako sa pagpasok sa maindoor ng bahay namin. Inaasahan ko ng nakakabinging katahimikan ang bubungad saakin. Bigla kong naalala ang dalawa kong kapatid pagpasok ko pa lang dito. Wala parin akong maalala sa kanila pero, pakiramdam ko nasasaktan ako.

Patuloy ang mga paa ko hanggang makarating ako sa tapat ng kwarto ko. Mas lumalakas ang mga boses na naririnig ko sa isip ko at pabilis ng pabilis ang mga memoryang nag-fa-flash sa isip ko. Kinakabahan akong binuksan ang kwarto ko, at halos mapakapit ako sa door knob ng makarinig ako ng isang boses ng lalaki, hanggang sa unti-unting nag-fade ang boses kasabay ng mga imahe sa likod nito.

Naglakad lakad ako sa loob ng kwarto ko. Inaasahan kong walang nagbago dito sa kwarto ko. Maayos parin ang mga gamit ko at book shelf ko. Napatingin ako sa study table ko at nakita kong 'doon lang may naka-kalat na papel at isang bukas na brown envelope.

Pumintig ang sentido ko.

Kinuha ko ang brown envelope at naka-kapit doon ang bond paper. Nanginginig ang kamay ko nang makita kong bagong letter ng dean iyon. Nakita ko ang logo ng school namin.

Binasa ko ang nakasulat 'don.

Napaupo ako, at ang mga boses na malalabo sa isip ko ay unti-unting luminaw, doon ko nalaman na ang boses 'non ay ang boses ng daddy ko. Boses niyang may halong disappointment, at galit at pamamahiya.

"What is this, Dandelion?"

"Dad, let me explain—"

"I'm Disappointed."

"Dad, I'm sorry...babawi ako—"

"I expected this thing from you, but you failed me. "

"Dad, I didn't mean to turn you down... please--

"I'm so disappointed to you. I'm broadcasting and proudly saying to my employees that you'll graduate suma cumlaude, nagkulang ba ako Dandelion? Ha, Dandelion?" My dad was calm, but his voice was full of disappointment and anger.

"S-sorry d-dad...please..."

"Wag na wag mong ipakikita nag pagmumukha mo sa akin, Dandelion!"

Napaiyak ako. I remembered my last conversation with my dad and it was the most painful words I heard from him. He's fuming mad at me at ipinamukha niya sa akin na wala akong kwenta at nakakahiya ako. He's the best dad, based on my memory, but I failed him, and he was like this.

Ako ang panganay niya. I carried all those burden of expectations just to save my siblings from it... hindi ko alam na ganito kasakit na memorya ang unang maalala ko.

The letter says na wala na ako sa running ng laude. Ang unang letter which is yung nabasa ko kanina sa locker room ay ang warning letter na mawawala na ako sa running, pero tuluyan ng nawala. Nakita ko sa likod nung bond paper ang semestral grades ko at nakita kong sobrang baba 'non. Naka-marka ng pula ang mga numerong humatak sa akin pababa.

Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha nang ibinalik ko ang tingin ko sa kwarto. Maya maya pa ay may parang mag isang player sa likod ng mata ko kung saan paunti-unting bumalik ang memorya ko habang nape-play 'yon, pero hindi tulad kanina, sarili ko ang nakikita ko.

I'm now seeing the duplicate of myself, crying habang naglalakad ako papalapit sa ward robe ko pagkatapos ay inilabas ko ang ilang hanger ng damit ko 'don. Inilabas ko ang isang itim na maleta na nakapag-pakunot ng noo ko. Mga importanteng gamit ang kinuha ko sa paligid ng kwarto ko, bago ko isinara ang maleta ko.

Hanggang sa makalabas ako ng mansion, sinundan ko 'yon ng sinundan hanggang sa mapadpad ako sa high way. Nang huminto ako sa isang high-way ay 'tila may isang panibaging memorya ang bumuhos sa akin. Kusang tumulong muli ang luha ko.

Naalala ko 'to. Ito 'yung mismong gabi. Patuloy kong pinanuod ang sarili ko. Umiiyak ako sa gilid ng high-way habang nag-aantay ng masasakyan, hanggang sa may isang itim kotse ang huminto sa harap ko, may mga lalaking lumabas doon at kinausap ako... hanggang sa unti-unti akong lumayo dahil mukhang lasing ang mga ito at naka-droga pero naglabas ng ang isa sa kanila ay sinikmuraan ako at sinampal ng malakas at doon na ako nawalan ng malay.

Doon ko na napagdugtong ang lahat. Gusto ko pang alalahanin ang iba pang pangyayarin pero huminto na ang mga naalala ko. Napaiyak ako at napaupo sa sidewalk. May mga taong mangilan-ngilang dumadaan, at tumatagos saakin pero wala akong pakialam.

Malapit ng matapos ang lahat... malapit ng matapos ang koneksyon ko sa kanya.

Pero isang tanong ang pumasok sa isip ko dahil para bang nang gabing iyon...para bang sigurado akong may pupuntahan ako...para bang...alam ko kung saan ako papunta.

Pero kanino? 

TIL DEATH DO US PART [FANTASERIES #1]Where stories live. Discover now