Chapter Fourteen

60 3 1
                                    

LANCE



Dalawang araw matapos akong magkasakit ay ngayon lang ako papasok ulit dahil masyadong istrikta ang nurse kong multo. Well, kahit hindi ko man aminin, na-enjoy ko ang pag aalaga at pagiging strikta niya saakin. Ganun kasi siya dati. Mahigit pero kahit ganon siya ay never akong nasakal, ang kaso lang, basted pa din ako sa kabila ng lahat. Tsk!

"Lance, anong oras tapos ng klase mo?" tanong nung multo sa akin habang naka-upo siya sa harap ko at kumain ako. Gawain niya 'yan simula ng magkasakit ako. Nakatingin siya saakin habang kumakain ako, tapos kapag tumingin ako sa kanya, iiwas siya ng tingin tapos mag-uutal utal 'yung salita niya.

Hindi ko maiwasang mapangiti ng palihim. Sana umeepekto na ang plano ko.

"Sa susunod ilalagay ko na 'yung sched ko riyan." Inginuso ko 'yung ref habang himihigop ako ng kape.

Parang tanga naman niyang sinundan ng tingin 'yung inginuso ko.

"Saan?"

"Sa noo mo."

Napapikit ako ng hinawakan niya ang noo niya. Dude... Ang sarap niyang pitikin sa noo! Ang slow niya! "Sa noo ko?"

"Paulit-ulit, Migra! Diyan sa malapad mong noo—"

"Ang sama mo! Walang hiya ka talagang bwisit ka!"

"Manahimik ka na nga riyan. Nagmumura ka na e." suway ko habang kumakain.

Napanguso siya. "Anong oras nga ang tapos ng klase mo?" tanong niya ulit saakin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Mga bandang 3 siguro tapos may three hours na training sa basketball."

"Basketball practice kaagad? Kagagaling mo lang sa sakit!" pinandilatan niya ako.

"Dalawang araw na akong nakapag-pahinga kaya ko na 'yon. Team captain ako ng basketball team kaya kailangan ako 'ron. Okay na?" Nagkibit balikat ako.

Nang mapansin niyang tapos na ako 'roon sa pinag-kainan ko ay kinuha na niya 'yon. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa tapat ko. Hindi na siya namansin ulit.

"Hoy, multo!" pasigaw na tawag ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla siyang umirap.

"Ano na naman, monster?"

Matanong ko lang sana kung ni-reregla ang multo! Tindi ng mood swings nitong multong to ah!

"Bakit mo kas—"

"Kagagaling mo lang sa sakit, hindi ba nila kayang mag-practice ng wala ka?!"

Napangisi ako.

"Pagurin mo nalang ako dito sa bahay—"

"BASTOS!" nararamdaman kong gusto na niyang ibato 'yung pinggan na hinuhugasan niya ngayon saakin. Nak ng, ang sarap talaga pikunin eh.

"Bastos? Anong bastos 'don?" natatawa kong tanong.

"Che!"

"Eh bakit mo kasi tinatanong kung anong oras ako uuwi?"

"May pupuntahan kasi ako," Sagot niya na nakapag-pakunot ng noo ko.

"Where to? At talagang—"

"Nagkasakit ka na dahil sa akin, kailangan mo munang magpahinga." Seryosong boses niya saakin. Pakiramdam kong may tinatago siya saakin.

"Simpleng lagnat lang 'yon dala ng ulan, tanginang 'yan." Sumandal ako doon sa lababo habang busy siya sa paghuhugas ng kawali na pinaglutuan niya kanina.

TIL DEATH DO US PART [FANTASERIES #1]Where stories live. Discover now