"Hi Kyla."

 "O Ryched, sorry kailangan mo pang marinig yun."

 "Ano pala ibig sabihin nung sinabi mo kay Marga kanina?"

 "Bagong student lang kasi sya dito nung June. Di ko maintindihan kung pano sya nagkabestfriend na Pearl dito."

 "Ha? So di totoo yung kinuwento nya sakin?"

 "Di ko alam. Nung 3rd year lang ako lumipat dito eh. At sinabi naman nina Lianna na wala dating Marga dito. Na ngayon lang nila sya nakita."

 "So hindi rin kayo magkakaklase?"

 "Hindi. Sa 3rd section sya napalagay. Kami lang nina Jasmine at Lianna ang magtotropa nung una tapos sumali na lang sya nung nalaman nyang fangirls kami ng basketball team. Tuwang-tuwa sina Jasmine at Lianna sa kanya kasi dahil sa kanya, may kumakausap na saming mga lalaki at paminsan-minsan yung varsity players."

 "Huh. Bakit naman sya magsisinungaling tungkol sa bestfriend nya?"

 "Di ko rin alam Ryched. Pero kung ako sayo, wag ka munang maniwala. Sige ha, alis na ako. May klase pa ako eh."

 *umalis na si Kyla*

  Hmmmm.. Naguguluhan na ako. So wala ba talagang Pearl o meron? At kung meron man, totoo ba yung ginawa ni James dun sa Pearl na yun? Feeling ko naman di kaya ni Marga na makagawa lang ng ganung ka-detailed na kwento on the spot. Di ko alam. Pero aalamin ko to. Pagdating na lang nina Shaun. Mukhang sya nakakaalam ng mga ganitong bagay eh.

*nasa room na si Ryched*

 *announcement ng Principal over the PA system*

"Good morning Blahnians! I have some important announcements to make. Una sa lahat, I have discovered na hindi pala October 4 ang Founder's Day natin. Hahaha! How embarassing. September 4 pala sya. Kakakita ko lang kanina. At dahil hindi ko naman pwedeng i-cancel yung dance next Friday, gagawa na lang ako ng ibang dance. At dahil darating naman ang basketball team next Friday, manalo man o matalo, gagawin na lang natin itong victory party para sa kanila. Tatawagin natin itong Basket Ball. Isang formal dance para sa team. Everyone, by this I mean high school students only, is invited and also, outsider dates are allowed. Free admission sya but you have to wear formal attires. And for Seniors, attendance is mandatory. Yun lamang. Have a good day Blahnians! And remember our motto: We blah here, blah there, and we blah blah everywhere!"

   Whaaat? Formal dance na? Kailangan pang may date? Sino naman dadalhin ko dyan?


"Rycheeeed!"

"Ui, Gabby, bakit?"

"Ahm, kasi napansin ko na close ka kay Shaun eh. Tatanong ko lang kung alam mo ba kung papayag syang sumama sakin sa dance?"

 "Sorry Gabby, di ko alam eh. Tanong mo na lang sa kanya sa Monday. Sure akong papasok na sya nun."

 "Sige. Salamat Ryched! Ikaw, may idea ka na kung sino ang dadalhin mo?"

 "Ay, wala pa nga eh. Required bang may date?"

 "Hindi naman. Pero nakakahiya kung pumunta ka ng walang kasama. Babae ka pa naman. Sige, salamat ulit ha."

   Ok. Di ko alam anong iisipin ko sa sinabi na yun ni Gabby. Di bale, may madadala din ako dyan.  Si James na lang! Haha. Asa pa ako. Bakit naman kasi kailangan ng date? Pahirap ng buhay oh.

Still the OneOnde histórias criam vida. Descubra agora