Chapter 44 - Big Event

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bakit walang Lumpiang Shanghai? Nakailang ikot na ako sa buffet, wala talaga."

"I second the motion. Personal ko pang sinabi kay Jason na Lumpiang Shanghai ang dahilan kaya ako a-attend ng kasal ninyo," reklamo rin ni Gabriel.

At sa paraan ng pagtawa ni Jillian ay alam niyang hindi na-offend ang asawa. Sa halip ay bakas pa nga ang kaaliwan sa mga mata nito. Napailing habang natatawa rin si Jason.

"Sorry, boys. My bad. I forgot to include Lumpiang Shanghai in the menu," ani Jillian nang makabawi sa pagtawa. "Sa binyag na lang nitong baby namin, dodoblehin ko ang Lumpiang Shanghai. Mag take-out na rin kayo."

"Yown!" ani Ace na nakipag-apir pa kay Gab.

"Wala akong problema sa handa. Ang sasarap nga. Pero may tanong ako," ani Timothy na sa kanya naman nakatingin. "Pwede ko na bang pormahan si...?" Pagkatanong noon ay luminga pa kung nasaan ang babaeng tinutukoy.

"Wala namang pumipigil sa iyo na ligawan siya kahit noon pa, bok," sagot ni Gabriel bago pa man siya makapagsalita.

"Teka, may tanong din ako. Sino 'yong magandang babaeng kausap ni Alexa?" ani Eugene.

"Ah. Si Sandra 'yon, bok. Wag kang paloko-loko do'n. Reformist 'yon, pero hindi pa rin nawawala ang pagka-Amazona," natatawang babala ni Gabriel.

"Oy, matapang! Mga ganiyang babae pa naman ang gusto ni Eugene!" ani Ace na nakipag-fist bump pa sa mistah nila. "Ako naman, ang crush ko 'yong bridesmaid na ka-partner ko. She's cool. Witty and funny. My kind of girl," dagdag nito na taas-baba ang kilay.

Napatawa na lang si Jason sa kalokohan ng mga mistah niya. In a way ay inaasahan na niyang magulo talaga ang reception dahil sa mga ganitong pagkakataon lang naman nila nailalabas ang totoong kulit. Kapag kasi nasa duty ay seryoso sila.

"Oh. It seems you found the girls for you. Good luck, guys," halata ang kaaliwan sa boses na sagot ni Jillian.

Mula sa pagtingin sa mga mistah ay bumaling siya sa asawa at hinapit itong lalo sa bewang. Hindi lang sa boses halata na masaya si Jillian. Kitang-kita iyon sa mukha ng asawa.

Same as him.

Oo nga't kasal na sila sa sibil, pero iba pa rin kapag sa harap ng altar sila nagpalitan ng pangakong mamahalin ang isa't isa hanggang sa huling hininga. At kung pahihintulutan ng Diyos ay hanggang sa susunod na buhay nila.

He never thought he could love her more than he loved her before, but his love for her grows every passing day. She is glowing. Pregnancy became her. She is the most beautiful woman in his eyes. And he really is a lucky man to have her as his wife.

"Congratulations, Kuya Jason and Doc Jillian!" ani Pretzhel na bagong lapit sa kanila, yumapos sa kanya at humalik naman sa pisngi ni Jillian. "Thank you sa pagtitiwala na sa amin ipagawa ang cake ninyo."

"Thank you! Napaka ganda nang pagkakagawa ninyo," sagot ng nakangiting asawa niya. "Nang makita ko ang cake kanina ay naunawaan ko na kung bakit sabi ni Jason ay sa iyo niya gustong ipagawa ng cake. It's very elegant."

Nakababatang kapatid ni Gabriel si Pretzhel. Halos nasubaybayan nilang magkakaibigan ang paglaki nito dahil madalas silang pumasyal sa bahay ng kaibigan basta may pagkakataon. Hindi naman bago iyon dahil kilala din naman niya ang mga kapatid ng iba pang kaibigan. Damo sila sa bahay ng bawat isa mula pa noong nag-aaral sila sa PMA. Higit pa sa pagiging mistah ang samahan nila. Magkakapatid ang turingan nilang lahat.

"Hindi kami nagkamali na ikaw ang kinuha namin para gumawa ng cake. Thank you very much, Pet."

Umingos ang babae. "Kuya naman. Wag nang Pet, please. Pret or Pretzhel na lang. Hindi na ako yung nene na lagi ninyong inaasar at pinapaiyak dati. I am an accomplished woman now. Patunay doon ang business namin na mina-manage at ang mga cakes na ginagawa ko."

MISSION 1: Saving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon