Chapter 44 - Big Event

3.9K 184 57
                                    

"Congratulations sa inyo."

"Thank you po," ani Jillian na humalik sa pisngi ng asawa ni Doctor Palermo.

Nasa pinakamalaking ballroom sila ng Dusit Thani Manila. Doon ginanap ang reception ng church wedding nila ni Jillian, na natuloy pa rin sa original date na naiset nila. Patapos na rin ang program kaya nagdesisyon silang umiikot at personal na magpasalamat sa mga um-attend sa pag-iisang dibdib nila ni Jillian.

Their guests are mixture of ordinary citizen, medical professionals and uniformed personnel. Ilang heneral ang bisita nila, ang iba ay principal sponsor pa nga nila. Maging ang AFP Chief of Staff ay naroon kaya naman natriple ang seguridad sa hotel.

Ginawa nila ang pag-iikot at personal na pagpapasalamat dahil as soon as sabihin ng host na tapos na ang program ay aalis na kaagad sila. Jillian is pregnant and he wants her to rest as soon as possible. Ipinagpapasalamat niya na hindi maselan ang pagbubuntis ng asawa. Nagsusuka lang ito kapag may naamoy na hindi gusto.

Aside from much needed rest, Jason can't wait to have her also. His wife look so radiant. She is exquisite. At kung hindi rin lang alam na buntis ito ay hindi rin naman mahahalata. Ang baby bump nito ay naitago ng gown na suot ng asawa.

"We are just a call away, hija," ani Doctor Palermo.

"Yes po, Ninong. Thank you for all the help po," nakangiting sagot ni Jillian. Matapos magpaalam sa mga ito ay lumakad sila palapit sa kasunod na lamesa.

Nang makita niya ang pagkakangiti ng mga umuukopa sa lamesang lalapitan sana nila ay humigpit ang hawak niya sa bewang ni Jillian, "Let's skip this table, baby girl."

Luminga si Jillian sa kanya, nagtatanong ang mga mata. Pero bago pa siya makapagpaliwanang ay makalapit kaagad sa kanila ang isa sa mga mistah niya.

"Congrats, bok!" ani Clifford na tinapik pa siya sa balikat. "Anong uring gayuma ang ginamit mo at napasagot mo si Doc Jillian?"

"Damn, bok! Share mo naman! Akalain mong mabulag mo ang ganito kagandang babae!" nakangiting salita ni Eugene saka kinindatan ang asawa niya.

Tumingin siya sa asawa. Nakaguhit ang naaaliw na ngiti sa mga labi nito.

"Sorry, baby girl. I should have know better and put them on black-listed guest instead."

Sinuklian lang ni Jillian ng tawa ang sinabi niya. Muli nitong ibinalik ang tingin sa mga mistah niya na ngayon ay nakapalibot na sa kanila. "Thank you for coming, guys. And I'll answer in behalf of my husband. Wala siyang gayumang ginamit." Bumaling si Jillian sa kanya at masuyong ngumiti, "He caught my interest when he looked at me with genuine concern. And he captured my heart when he shown me his true self."

Ngumiti siya at kinintalan ng halik ang labi ng asawa. Gumanti ng ngiti si Jillian bago muling bumaling sa mga kaibigan niya, "And with your gallantry and dedication in our country, coupled with your good looks, I'm sure the right woman would also fall madly and hopelessly in love with you, guys. Just wait patiently."

"Wow! Hindi lang maganda, matalino pa. Napakaswerte mo talaga, Jason!" ani Clifford na tinapik siya sa balikat.

"Thank you for inviting us, Jason and Jillian," ani Timothy na nakipag-handshake sa kanila.

"Salamat sa invite. At hindi naman sa nagrereklamo ako, ano. May isang puna lang ako. Wag sana kayong ma-ooffend," ani Ace na may naglalarong kalokohan sa mga mata.

"Coming from you? I'm sure na nagrereklamo ka, Ace."

Pasimple siyang siniko ni Jillian. "I promise we won't be offended. Ano iyon?" nangingiting tanong ng asawa niya.

MISSION 1: Saving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon