Chapter 13 - Sweet Moniker

3.5K 199 16
                                    

“Dok, ingana pud na siya kaseryoso bisag kamo rang duha?” bulong ni Madel habang nakatingin kay Jason na nakaupo sa passenger seat sa unahan ng ambulance kung saan sila nakasakay. Inaaalam nito kung seryoso din ang lalaki kapag silang dalawa na lang ang magkasama.

Katatapos lang ng pagbisita nila sa Barangay Abehilan at pabalik na sila sa RHU. May kalayuan ang pinuntahan nila kanina at hindi na iyon naabot ng sasakyan kaya naglakad pa sila nang mahigit isang oras bago narating ang sitio. Gayon pa man ay hindi naging kainip-inip ang paglalakad nila dahil marami sila.

Halatang alerto ang mga kasama nilang sundalo pero may mga sandali na nagbibiro at nakikipagtawanan ang mga ito sa kanila. At ang mga gamit at mga gamot na dala nila ay ang mga ito ang nagdala kaya hindi sila nahirapang magbuhat. Hindi tulad noon na sila pa nina Althea at Madel ang nagbubuhat ng mga iyon.

“Diman. Kamao man pud na sija mangomedya. Ngano man?” aniya na sinulyapan din ang lalaking nasa harapan. Sinagot niya si Madel na maalam din naman magbiro ang lalaki at tinanong na rin kung bakit nito naitanong iyon. At kung alam lang ni Madel na hindi lang sa pagbibiro magaling ang lalaki. He can also turn on his charms if he wanted to.

“Wà lang. Gikan paman gud ganina maihap ra ijang pahiyom,” kibit-balikat na sagot ni Madel. Ayon dito ay ilang beses lang daw kasing ngumiti ang lalaki. “Murag nipahiyom rajud adtong nihuwam ug sista sa batan ong ulitaw ug kadtong ijang gitudloan ug dribol-dribol ag mga bata,” dagdag ni Madel. Ayon sa dalaga ay ngumiti lang si Jason noong humiram ng gitara sa isang binatilyo at noong tinuturuang magbasketball ang mga bata.

Napansin niya iyon kanina nang mapunang halos lahat ng pasyente ay nakalingon sa labas ng health center. Nang tumingin siya sa labas ay nakita niyang nagdi-dribble si Jason, mabilis na pinapatalbog ang bola sa pagitan ng mga binti, pagkatapos ay pinaikot nito ang bola sa dulo ng daliri. Ang mga nakapaikot na bata ay nagkakaingay, meron pang tumapalakpak. Pero nakaramdam siya ng panghihinayang dahil hindi niya nakita na nagpatugtog ng gitara ang binata.

“Unsaon, ika’y nagama,” singit ni Althea, ang Nurse nila sa RHU. Ayon dito ay si Madel ang may kagagawan. “Niseryos ug samot si Sir kadtong niingon kag mubisita si Doc Brix dinhi.” Ayon kay Althea ay nagseryoso si Jason nang sabihin ni Madel na pumapasyal si Brix sa Bohol.

Umangat ang kilay ni Jillian nang tumingin kay Madel.

“Oi! Gitubag lang baya naho si Sir,” defensive na sagot nito kay Althea saka tumingin sa kanya. Ayon dito ay sinagot lang naman nito si Jason. “Alangan, Dok, nangutana man gud tong isa ka sundaw kay daghan kaajo mig dalang mga tambal. Nitubag ko nga gikan tos DOH pero kanang uban gikan nas amigo nimong doctor. Unja kay nangutana man ug kinsang amigoha nga doctor, edi ingon kong si Doc Brix,” mahabang paliwanang ni Madel. Ayon dito ay may sundalong nagtanong kung bakit marami silang dalang gamot. Sinabi raw nitong galing sa DOH ang iba, pero ang iba ay galing sa kaibigan niyang doctor. Tinanong daw ni Jason kung sinong doctor at sinagot nito na si Brix.

“Unta wana lang nimo tubaga si Sir pag pangutana ug nibisita bas Doctor Brix dinhi,” halata pa rin ang paninita ni Althea sa kaibigan. Dapat daw ay hindi na nito sinagot ang tanong ni Jason kung nabisita roon si Brix.

Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Jillian. Natanaw niya kanina sina Althea at Madel na nakaupo sa mahabang bangkong gawa sa kahoy sa ilalim ng puno ng mangga. Tapos na ang mga itong magbigay ng pampurga sa mga bata noon at siya na lang ang inaantay matapos sa pagcheck-up sa mga pasyente. Si Althea ay may kausap na ibang sundalo pero si Madel ay si Jason ang kausap. Ilang beses niyang nahuling nakatingin ang binata sa kanya tuwing mapapasulyap siya sa labas. At sa tuwina ay siya ang nagbabawi ng tingin dahil hindi naman umiiwas ng tingin ang binata.

And Jillian can't help but be confused. He is a first-class tease if he wanted to, but he's also the first to back down. Twice. Last night and this morning. Akala niya ay aangkinin na nito ang mga labi niya pero umatras ito matapos humigop ng kape.

MISSION 1: Saving YouWhere stories live. Discover now