Chapter 11 - Realization

3.9K 188 15
                                    

Jillian didn’t sleep well last night, yet she still woke up early. At dahil alam niyang hindi naman na siya makakatulog ay bumangon na siya. Mas mabuting gawin niyang busy ang sarili para malibang at makalimutan ang muntik nang nangyari kagabi. But Jillian is doubtful she can forget the way Jason looked at her lips hungrily, as if he wanted to taste them.

Heck!

She’s actually sure Jason wanted to taste her lips! Hindi lang niya alam kung ano ang nangyari at sa huling sandali ay pinakawalan nito ang baba niya at mabilis na pumasok sa kwarto nito. Something is holding him back. And it's irritating, but at the same time, exciting. She's confused why he backed down when he admitted that he is attracted to her.

Well, technically, they both admitted being attracted to each other.

Jillian bit her lip as warmth spread in her face and a warm, tingling sensation in her stomach. Ang totoo’y iyon ang dahilan kaya hindi kaagad siya dinalaw ng antok at kaya maaga rin siyang bumangon. She’s looking forward seeing him again today. She’s excited. The last time she’d been this excited and giddy to leave her warm and comfy bed and start the day early was her first day in Med School – the first day of her journey in reaching her dreams.

Matapos magpalit ng damit ay dahan-dahang siyang lumabas ng kwarto at pumasok sa common bathroom sa dulo ng pasilyo. Naghilamos at nagtoothbrush lang siya. Alas sinko pa lang, mamaya na siya maliligo pagkatapos magkape. Ayaw niyang makabulahaw ng natutulog sa kabilang kwarto kaya dahan-dahan pa rin ang kilos na bumaba siya sa hagdanan. Pagdating sa kusina ay naglagay siya ng capsule sa coffee maker. The aroma of coffee filled the kitchen and it boosted Jillian’s good mood even further. Habang inaantay ang kape ay nagsalang na rin siya ng sinaing sa rice cooker. Kinuha niya ang kape, lumabas ng bahay at pumunta sa maliit na teresa. Ipinatong niya ang mug sa pasimano at nag-stretching.

She breathes deeply and filled her lungs with cool, morning air. Isa ito sa gusto niya sa probinsiya, malinis na hangin na sinamahan ng mabagong amoy ng bulaklak. Amoy ng sampaguitang nagmumula sa planters ang sumasama sa pang-umagang hangin. At lalo lang noong na-uplift ang pakiramdam ni Jillian. Napangiti siya. Ang garden ang isa sa mga nagustuhan niyang parte ng bahay. Maliit man iyon pero maraming ornamental at flowering plants. And those flowering plants brought happiness to her heart. It reminded her of her happy childhood. Its reminding her of her mom.

Matapos mapangalahati ang kape sa mug ay lumabas ng teresa si Jillian. Inabot niya ang hose na nasa gilid ng garden at binuksan iyon. Mula nang dumating sila dito ay dalawang beses pa lang niyang nadidiligan ang mga halaman dahil madalas na pagbaba niya ay nadiligan na iyon ni Jason.

Jillian hummed while watering the plants. Muli siyang napangiti at niyuko ang gumamelang dinidiligan. Naalala niya ang ina noon. Madalas nitong kausapin ang mga halamang inaalagaan. “Wow, you have such nice multi-coloured flowers, red in the middle and yellow outside. You are very pretty.”

“So are you. And you’re up early.”

Dagling napaharap si Jillian sa nagsalita sa likuran niya. Kung hindi pa kaagad umiwas si Jason ay hindi iiiwas ni Jillian ang hose na hawak. “Please give me a warning next time you’re near me. Nakakadalawang panggugulat ka na sa akin, Jason,” aniya na nakahawak sa dibdib.

“Sorry. Hindi ko alam na hindi mo naramdaman ang paglapit ko,” hinging-paumanhin nito.

“How would I know? You move like a panther stalking its prey. Wala man lang kahit munting kaluskos,” ani Jillian na pilit pa ring pinababagal ang tibok ng puso.

Jason’s face is partly hidden by shadow but she saw a corner of his lips lifted. “I’ll take that as a compliment, Jillian.”

“You can take that whatever you like. Anyway, sorry din. Naligo ka tuloy nang wala sa oras.” Nakagat ni Jillian ang labi habang nakatingin sa basang t-shirt nito.

MISSION 1: Saving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon