Chapter 39 - Frightening Reality

3.2K 173 16
                                    

“Hindi ko maipapangako pero pipilitin kong pumunta sa airport,” ani Jason na yumapos sa bewang niya habang ibinobutones niya ang polo shirt nito.

Tumango si Jillian. Nang maibotones ang damit nito ay ipinulupot niya ang braso sa leeg ng fiancé. “I understand. At masaya na ako na kahit saglit ay nagkasama tayo, Jason.”

Kahit limited ang oras nilang dalawa ay sumaglit pa rin sila sa dagat kanina at nagtampisaw. She wanted to savour and build as many memories as she can in the borrowed and limited time, she has with him. She took many pictures of them together. Mamaya ay ipapadala niya iyon kay Nanay Beth para kahit papaano ay maibsan ang pangungulila nito sa anak.

Pagkatapos nilang maligo sa dagat ay kumain sila sa restaurant bago muling nagkulong sa cottage. Jillian thought Jason showed her all the forms and arts of making love but he showed her another form earlier. And the latest way of him loving her is the best in her book so far.  

Nagshower silang dalawa na naging mas matagal dahil sa foreplay. Jason brought her to the edge several times but never let her fall. She’s about to lash at him when Jason carried her to the bed. He took his sweetest time loving her, savouring every delicate stroke and lingering kiss. Jason’s unhurried thrust steadily build the sensation in her veins, slowly taking her higher and higher until they both reached the seventh heaven.

Bumuntong-hininga ito. “Pero bitin na bitin pa rin ako, baby girl. Kung pwede lang na dito ako magpalipas ng gabi, ginawa ko na. Kaso may message na sa akin si Major Guevarra.”

“Duty calls. Basta mag-ingat ka palagi. Ipapanalangin ko na ilayo ka at ang mga kasama mo sa kapahamakan.” Pilit na ngumiti si Jillian para pagtakpan ang lungkot na nadarama. “At saka mas okay na rin na makabalik ka kaagad sa detachment. Let Major Guevarra know na napapaaga ang bakasyon mo.”

Napag-usapan nila kanina na mas paagahin ang kasal nila. Gusto ni Jason na hindi pa halata ang tiyan niya sa kasal nila. At personally ay gusto rin naman iyon ni Jillian. Magpapaalam si Jason sa senior officers nito at siya naman ay tatawagan ang ama, pamilya ni Jason at ang wedding coordinator para ipaalam sa mga ito ang pagbabago. As soon as masigurado niyang walang magiging aberya sa biglang pagbabago ng petsa ng kasal nila ay tatawagan naman nila ni Jason ang mga sponsors at malalapit na kaibigan na nauna na nilang nasabihan.

“I’m excited to see you walk down the aisle in two months time, baby.”

Jillian smiled. Maging siya ay gano’n din ang nararamdaman. Kung pwede lang niyang madaliin ang petsa ay gagawin niya.

Mabilis siyang kinintalan ng halik ni Jason bago ito lumuhod. Napasinghap si Jillian nang itaas nito ang laylayan ng blouse niya at halikan ang kanyang puson. “Hey, buddy! Man up! Be a good boy and take good care of Mommy while Daddy is away. Wag mo siyang pahihirapan sa paglilihi.”

Jillian smiled with mist in her eyes, “At paano kang nakasiguradong lalaki ang magiging anak natin, Captain?”

Muli nitong hinalikan ang puson niya saka tumayo. Muli siyang ikunulong sa braso nito, “I just knew. Sigurado akong lalaki ang panganay natin.”

Umangat ang kilay ni Jillian. "At nararamdaman ko naman na babae ang panganay natin, Captain."

Lalo namang lumapad ang ngiti ni Jason. “Boy, baby. I can feel it,” confident na sagot nito. “Mamayang gabi ay mag-isip na ako ng magiging pangalan ng baby boy natin.”

Napatawa si Jillian, “Hindi ka naman masyadong excited niyan, Captain?”

Nagkibit-balikat ito, “Hindi naman. Chill-chill lang,” anito saka siya kinindatan.

"Well, since hindi ka naman excited, mag-isip ka na rin nang ipapangalan sa baby girl natin. And Captain, just so you know, fixed na po na apat na anak lang ang gusto ko."

MISSION 1: Saving YouWhere stories live. Discover now