Chapter 5 - Rescued

4K 226 4
                                    

Jillian was grateful that she can finally put a face on her rescuer. And she’s glad it was him. A new wave of relief flooded her system.  “No on the first and yes on the second question,” Jillian whispered back.

“We need to move, Doctor Sullivan,” muling bulong ng ranger. Jillian tried to remember the name he mentioned but her mind doesn’t want to cooperate. The ranger helped her out of the bed. “Raise your hands, Ma’am.”

Jillian followed without asking. May isinuot ang lalaki sa katawan niya. Sa bigat noon ay nahihinuha niyang bulletproof vest. Ang kasunod noon ay helmet naman. Matapos noon ay inakay siya nito palabas ng maliit na kwarto. Ang liwanang na galing sa nakaawang na pinto ay sapat para makita niya si Sandra na nakahandusay sa gilid ng pinto.

“Oh no,” nanlulumong napaupo si Jillian sa tabi ng babae. On instinct ay dinama niya ang pulso nito.

“She’s just unconscious. At kailangan nating makaalis dito bago pa siya nagising,” anang ranger na nasa likuran niya.

At hindi ito nagsisinungaling dahil kasabay ng pagsasabi nito noon ay ang pagkadama niya sa pulso ni Sandra.

“Kailangan na nating umalis ngayon, Ma’am, dahil anumang sandali ay pwede nilang madiskubre ang presenya namin dito. At hindi ko gustong maipit ka sa crossfire,” anito na hinawakan siya sa braso at inalalayang tumayo.

The cold night breeze sent chills in her body when she’s finally out of the nipa hut. Noon lang napansin ni Jillian na bukod sa lalaki ay may apat pa itong kasama. Mula sa malamlam na liwanag galing sa buwan ay nakita niya na naka-night vision goggles ang mga ito. Iyon tiyak ang dahilan kaya kahit madilim sa loob ng kubo ay natunton siya ng ranger sa gilid ng papag at naagaw ang gunting at scalpel na hawak niya nang walang kahirap-hirap.

Another chill ran across her body when she saw two men laying just outside the door. Iyon ang bantay niya na itinalaga ni Sandra.

“Are they unconscious, too?” tanong niya habang nakatingin sa mga ito. Pero deep inside ay alam ni Jillian ang sagot, kailangan lang niya ng confirmation.

Imbes na sagutin ay hinigit siya ng ranger sa gawing kanan ng kubo. “Kailangan nating tumakbo nang mabilis papunta sa likod ng kubong iyon.”

May sundalong pumuwesto sa unahan at sa gawing kaliwa ni Jillian. Ang ranger na kumuha sa kanya sa kubo ay nanatili sa kanan niya. Tinapik nito sa balikat ang sundalo sa unahan. Tumingin ito sa paligid, lumingon sa kanila at tumango bago tumakbo sa kubong itinuro ng ranger kanina. Sumilip muna ang sundalo sa paligid ng kubo bago sumenyas na sumunod sila.

Jillian gritted her teeth and run without thinking. The two rangers flanking both her side. Ramdam niyang ang isa ay nasa bandang likuran nila. Nang marating ang kubo ay lumigid sila roon. A bitter taste filled Jillian’s mouth when she saw another two bodies laying on the ground. Iniiwas na lang niya roon ang paningin.

Muling tumakbo papunta sa kabilang kubo ang sundalong nauna sa kanina. Nang masiguradong clear ang paligid ay muling sumenyas sa kanila. Jillian runs towards that hut. But running under the faint moonlight is not easy. Muntik na siyang madapa. Mabuti na lang at kaagad siyang naagapan ng ranger na nasa kanan niya.

 Nang marating ang kubo ay muntik nang umalpas ang malakas sa singhap sa bibig ni Jillian nang makita ang katawan na bahagyang nakalawit sa watch tower sa bukana ng kuta. 

“Open area na ang kasunod nito, Ma’am.  I need you to run as fast as you can. There’s a big tree in our twelve o’clock. Doon tayo pupunta. Don’t worry, we’re right behind you.”

Tumango si Jillian. Huminga siya nang malalim bago tumakbong pasundo sa sundalong nauna sa kanya.

Pero bago pa makarating doon ay may narining na malakas na sigaw si Jillian, “Putang ina! Mga sundalo!” Kasunod noon ay ang pagputok ng baril. Bullets hit the ground, just few inches away from her.

MISSION 1: Saving YouHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin