Chapter 1 - Chance Encounter

8.9K 283 21
                                    

Walang pakialam si Jillian kahit muntik na niyang mabunggo ang lalaking pasakay sa motor. Mabilis din itong nakaiwas nang basta na lang niyang binuksan ang pintuan ng kotse at pabalabag na isinara iyon. Imbes na magsorry ay sumumsob siya sa manibela saka pinakawalan ang mga luha.

To say that she’s devastated is an understatement. She felt dejected. Akala pa naman niya ay matutuwa ang daddy niya. But here she is, crying, because her lifelong dream is about to end when it hasn’t even started.

Maliit pa lang siyang bata ay ipinangako na niya sa mommy niya na itutuloy niya ang nasimulan nito. She became a doctor for two reasons only – to provide quality health care to undeserved community and to continue her mother’s legacy.

Bago dumeretso sa kampo ay dumaan siya sa puntod ng ina. A sense of peace filled her while she’s sitting on the grass under the midday sun. She can feel her mother’s embrace. Jill is sure her mom is proud and happy.

But not her father.

Thinking about her dream and mission that won’t happen made her cry harder.

Ang sunod-sunod na katok sa bintana ng kotse ang nagpalingon sa kanya. Pinunasan muna ni Jill ang mukha saka ibinaba ang bintana.

“Why?” Jillian’s brown orbs met back ones. She can bet her life that he is in military. His haircut, sun-kissed skin and serious facial expression is a dead giveaway.

“Are you okay, Ma’am?” bakas ang pag-aalala sa mga mata nito, may iniabot na panyo sa kanya. “Malinis po ito, Ma’am.”

“Thank you,” Jillian accepted his white handkerchief. Tinuyo niya ang basang pisngi. She suddenly felt conscious. The man is looking at her with mild curiosity and sympathy.

“May nanakit po ba sa inyo? I mean, physically harm you?”

Umiling si Jillian, “No. Not physically.” Hindi magawan ihiwalay ni Jillian ang paningin sa lalaki. She had her fair share of meeting good looking military men almost all her life, but there is something about this guy. His deep set, black eyes are hypnotizing.

“Maganda ka, Ma’am. Kung sino man ang nanakit sa iyo ay hindi mo dapat iyakan. Cliché at it may sound, pero ipakita mo sa kanyang nagkamali siyang saktan ka.”

Jillian smiled a little. “Totoong umiiyak ako dahil sa isang lalaki, pero hindi sa dahilang iniisip mo. I told my dad that my lifelong dream of becoming a Doctor to the Barrio is about to start. Akala ko matutuwa siya na maitutuloy ko na sa wakas ang legacy ni Mommy. But instead of being happy, he said he won’t let me.” Muling  napuno ng luha ang mga mata ni Jill.

Jill decided to visit her dad in Camp Tecson as soon as she got the news that her application in DOH was accepted. But her dad’s reaction is the exact opposite of what she anticipated.

“He is serving the country and I wanted to serve on my own little way, too. Bata pa lang ako ay nakita ko na ang kakulangan ng mga doctors sa liblib na lugar kaya nga sabi ko’y magiging doctor ako para makatulong sa mga mahihirap na kababayan natin. But here I am! Kung kailan magagawa ko na, saka niya sasabihing hindi pwede. He wanted me to do my residency in Manila. But that’s not what I want!” Jillian cried passionately.

“Iyon ba talaga ang gusto mo, Ma’am? Ang magsilbi sa mga kababayan natin?” May bumakas na pang-unawa at paghanga sa mga mata ng lalaking kaharap ni Jillian.

Jillian squared her shoulders and looked directly in his eyes, fighting hard not to be distracted by his commanding personality, “Marami nang doctors dito! Pero sa mga liblib na lugar, wala. Six out of ten Filipino die without even seeing a doctor all their life. I can help them! I want to help our countrymen like what he is doing.”

Muling naglandas ang mga luha sa magkabilang pisngi ni Jillian. Hurt and frustration combined. “Akala ko pa naman matutuwa siya. Akala ko dahil nagseserve siya sa bansa ay magiging proud siya sa gagawin ko. But he’s not. He won’t let me do my part. I don’t understand and I refuse to understand.”

Her lips quivered a little. Muli niyang tinuyo ang pisngi gamit ang panyong ibinigay ng lalaki.

“Were you here to ask for your father’s permission or just to let him know you already made your decision?”

Jillian was taken aback by that question. Their eyes locked for a couple of minutes and Jillian can’t look anywhere else but him.

His steely eyes softened and Jill was mesmerized. “You have good intentions, Ma’am. At maraming kababayan natin ang makikinabang kung ipaglalaban mo ang gusto mong mangyari.” Tumaas ang isang sulok ng labi ng lalaki. “Kung talagang gusto mong makatulong, walang makapipigil sa iyo. You just have to show your father that this is what you want and you’re willing to fight for it.”

Umawang ang labi niya. He is right. This is her decision alone and not her father’s. Jillian took a deep breathe and opened her car door.

“Thank you,” aniya nang makalabas ng sasakyan. She stood with much confidence than earlier. Her eyes hold a firmer determination. Ipakikita niya sa daddy niya na hindi nito mababago ang kanyang pasya.

A full-blown smile curved the soldier’s lips. His eyes lit up when he smiled. “As early as now, gusto ko na kaagad magpasalamat sa iyo, doktora, sa serbisyong ibibigay mo sa ating mga kababayan.”

Jillian has to subtly drew in a deep breathe. “Ako ang dapat magpasalamat. Thank you for the pep talk. It gave me the confidence I needed.”

“Glad to be of help, Ma’am,” anito na bahagyang nagyuko ng ulo. Ilang hibla ng buhok nito ang bumagsak sa noo.

Niyuko ni Jill ang kamay, nag-alangan kung ano ang gagawin sa panyong hawak.

“Keep it, Ma’am. Lagi talaga akong may dala niyan para sa mga ganitong pagkakataon.”

Nahimigan ni Jillian ang kaaliwan sa boses nito kaya nilingon niyang muli ang lalaki. “Hindi ako ang unang babaeng nakita mong umiiyak sa parking lot ng isang military base, gano’n ba?” Hindi rin napigilan ni Jillian ang mapangiti.

Nagkibit-balikat ito, “Pero ikaw pa lang ang iba ang dahilan. Life of a soldier is never easy. Maging sa mga partners nila. At madalas, nauuwi sa hiwalayan ang relasyon,” anito na sumakay na sa motor.

Nakagat ni Jill ang labi. He’s wearing a jacket and Jill can’t really see the outline of his body, but judging by the broad shoulders, and the way his jeans hugged his behind and thighs, she can bet that all part of his body is pure muscle.

“Kaya ka ba may dalang panyo ay dahil guilty ka rin sa pagpapaiyak sa ibang babaeng bumibisita rito?” Hindi napigilang itanong ni Jillian. Kung hindi nga lang kalabisan ay gusto niyang itanong kung single pa ito. Pasimple siyang sumulyap sa kamay nitong nakakapit sa manibela ng motor at wala siyang nakitang singsing.

Nanghinayang siyang hindi ito nakauniform. Hindi naman niya matanong ang pangalan nito. Nakakahiyang maunang magtanong gayong mukang hindi rin naman intensiyon ng lalaking alamin kung sino siya.

“Hindi ako gan’ong uri ng lalaki, Ma’am.” Muli itong ngumiti, “Umpisa pa lang ay nililinaw ko na sa kanila ang priyoridad ko. I am a Filipino soldier first, everything else is secondary. At kung hindi nila matatanggap iyon...” Nagkibit-balikat itong muli.

Walang maisagot doon si Jillian. In a way ay hindi na siya dapat magulat sa sinabi ng lalaki. Her father is also like that. Motherland first. At hindi ba’t siya din naman? Hindi ba’t kaya siya narito ay para ipakipaglaban ang hangarin niyang maglingkod sa mga kababayan?

“Good luck, doktora.” Sumaludo muna ito sa kanya bago nagsuot ng helmet.

Nakagat ni Jillian ang labi. Gusto niya itong pigilin pero naunahan na siya ng hiya. Isa pa’y wala naman siyang maidadahilan dito kung sakaling hindi niya paalisin. Tinanaw na lang niya ang papalayong motor at nang hindi na niya ito kita ay saka siya lumakad pabalik sa building na pinanggalingan. Mahigpit niyang hawak ang panyong hihiraman ng lakas para ipakipaglaban ang desisyon sa ama.

MISSION 1: Saving YouUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum