Chapter 37 - Borrowed Time

3.2K 167 11
                                    

“Tumawag ka lang kapag magpapasundo ka na, love,” ani Tammy na bumaba rin sa kotseng sumundo sa kanila sa airport. Kadarating lang nila sa Pagudpud. Hindi naman niya pwedeng i-entertain si Jason sa ancestral house nina Tammy kaya nagdesisyon siyang magcheck-in na lang sa isang resort.

“I will. Thank you for understanding, babe.” Namula ang mga pisngi ni Jillian pero binigyan siya nang nakauunawang ngiti ng kaibigan.

“Enjoy the borrowed time you have with your fiancé, love,” nakangiting sagot nito na pinikitan pa siya. Alam naman kasi ni Tammy na ilang oras lang niya makakasama si Jason dahil kailangan din nitong makabalik sa detachment ngayong araw.

Jillian gave her a thankful smile.

“Let’s go. Samahan na muna kitang magcheck-in,” anito na umabresiyete sa kanya. Isang bag lang ang dinala niya na may lamang pampaligo at bihisang damit. Ang ibang gamit ay iniwan na niya sa kotse at si Tammy na ang magdadala sa bahay ng grandparent nito.

 Hindi pa man lang sila nakakadalawang hakbang ay nakita na kaagad niya ang lalaking naglalakad palapit. Ang isang kamay nito ay may hawak na bouquet, nakangiting at kumikislap sa kaligayahan ang mga mata. Jillian blinked several times, praying he is real and not a fragment of her imaginings.

“Oh. Narito na pala si Captain,” ani Tammy na bimutaw sa braso niya.

“Hi, Tammy,” bati nito sa kaibigan niya bago muling bumaling sa kanya. “Hello, baby girl.” Jason smiled as he gathered her in his arms. “You look divine in your dress.”

“Thank you! I’m glad you noticed.” Jillian beamed at him.

“Of course, baby girl. Lahat ng bagay tungkol sa iyo, kahit kaliit-liitan, mapapansin at mamahalin ko.”

Jillian’s heart sing with extreme happiness. She let her cheeks rest against his chest and listened to the fast beating of his heart. She took a deep breath and inhaled his cologne combined with his natural scent.

“You’re here... You really are here,” Jillian murmured incredulously.

“I really am here, baby girl,” Jason answered reassuringly as he kissed the top of her head. Jillian’s hold on his body tightened. “Ito lang ba ang gamit mo?”

Tumango si Jillian. Hindi niya alam kung kakayanin niyang magsalita. She’s over the moon she could cry. Her eyes are full of unshed tears. Bumitaw si Jillian. Kinuha niya ang bulaklak na hawak nito saka muling kumapit sa kamay ng fiancé. Kinuha naman nito sa balikat niya ang bag at ito na ang nagdala.

“Let’s go?” Jason asked softly. “Kumain na ba kayo?” tanong nito bago pa man sila pumasok sa lobby ng resort. Tanaw roon ang restaurant na nakaharap sa dagat.

Tumango si Jillian. Hindi pumayag si Nanay Ines na umalis siya na hindi kumakain. Kung siya lang ay baka hindi siya makakasubo man lang pero binantayan siya ng matanda at siniguradong makakakain siya nang maayos dahil napuna nito na kagabi ay halos hindi niya nagalaw ang pagkain. Kahapon pa lang ay excited na siya at kagabi ay hindi siya nakatulog nang maayos. The thought that she would see him, kiss him, be with him again is enough to keep her adrenaline pumping.

“I had sandwich earlier. I’m a bit starved, pero sa ancestral house na lang ako kakain mamaya,” sagot naman ni Tammy.

“Bakit mamaya pa kung pwedeng ngayon na? Tara, sasaluhan kita. Tamang-tama, may kailangan tayong pag-usapang dalawa,” wika ng lalaking bagong lapit sa kanila.

“Barrera! Kumusta?” nakangiting bati ni Jillian sa lalaki. Hindi niya ito makakalimutan dahil pagkatapos siyang i-rescue ni Jason sa kubo ay ito naman ang naglayo sa kanya sa kuta ng mga rebelde. Ito rin ang katabi niya sa KM450 truck noong pabalik sila sa base ng military kaya nakakwentuhan niyang saglit.

MISSION 1: Saving YouWhere stories live. Discover now