Chapter 25 - Too Sudden, Too Soon

3.1K 176 26
                                    

“Thank you,” Jillian mumbled but she did not look up. Katulad ng nakagawian na niya ay nagpatong na naman ng biscuit at tubig si Jason sa tabi niya.

“Magmeryenda ka muna habang wala pang pasyente, Jillian. Kaninang tanghali ay kakaunti ang nakain mo. Ilang araw ka nang gan’on, Jillian. Magkakasakit ka sa ginagawa mo. Kung may gusto kang kainin mamaya ay sabihin mo at iyon ang lulutuin ko.”

Imbes na sumagot ay dinampot na lang si Jillian ang tubig at uminom. Ilang araw na siyang walang ganang kumain. Pakiwari niya ay walang lasa ang mga iyon. Actually ay hindi lang sa pagkain siya nahihirapan, maging sa pagtulog. Hindi lang halata ng mga kasama niya iyon dahil magaling naman siyang magmake-up.

Nang manatili siyang walang kibo ay bumuntong-hininga si Jason at bumalik na lang sa bangkong inookupa kanina.

 “Dok, wapa mo mahomag LQ ni Sir? Duha nana ka adlaw, ah,” ani Madel nang kuhanin ang mga form at medical records na nasa lamesa niya. Tinatanong nito kung hindi pa tapos ang dalawang araw na LQ nila ni Jason.

“Kinsa may nag-ingon nimo nga naa mi LQ?” paiwas na sagot niya. Tinatanong niya kung sino ang nagsabi rito na may LQ sila ni Jason.

“Halata jamo, Dok. Si Sir oh sigig tan aw nimo pero ikaw wajud ka mupasiplat nija. Makig estorya sija nimo pero ikaw mutubag ginagmay ra kaajo.” Ayon kay Madel ay halata naman na may LQ sila dahil hindi siya hinihiwalayan ng tingin ni Jason pero siya ay hindi naman nasulyap sa lalaki. At tipid din ang sagot niya sa tuwing kinakausap nito.

Hindi nakasagot si Jillian. Mula noong linggo pa siya sinusubukang kausapin ni Jason, siya lang talaga ang umiiwas. But Jason doesn’t stop trying. Maging ang pagbibigay nito ng bulaklak at note sa kanya ay itinuloy ng lalaki. They would eat in silence but Jason would put a note and flower beside her plate after she finished her meal.

“Hapniga na ng mga records anha sa individual folders ug ibalik nana diha sa cabinet,” ani Jillian. Inutusan itong i-ayos na sa folder ang records at ibalik na sa cabinet pagkatapos.

“Unta ma-okey namo, Dok. Sauna man gud permi kang naka-smile, permi ka malipajon. Karon kay tibook adlaw kang seryoso. Kaming tanan nabag ohan nimo,” ani Madel saka tuluyang tumalikod. Sana raw ay maayos na nila ang LQ nila dahil kung dati ay lagi siyang nakangiti at masaya, ngayon daw ay maghapon siyang seryoso at naninibago ang mga ito.

Bumuntong-hininga si Jillian saka sumulyap sa lalaking nakaupo sa may pintuan ng center. And true enough, Jason is looking at her. Sadness visible in his eyes.

Nagbawi ng tingin si Jillian. Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya nahihirapan. She cries herself to sleep at night. She long for his kisses, his touch, his embrace. But she already given him her all, and this time, she needed to hold on to her dignity.

Her self-respect is all she has left.

And if Jason cannot treat her as his equal, it would be better for them to part ways.

Nagfocus na lang siya sa laptop sa harapan. May gagawin pa siyang project na ipepresent niya kay mayor sa susunod nilang meeting. Pero ang planong pagbukas ng file ay naantala nang mapuna ang bagong pasok na e-mail. Mula iyon sa DOH at nirerequire siyang magreport sa Manila sa biyernes. She was requested to present all the programs and projects she implemented in San Isidro.

Nagtataka man sa request ay nagtype ng reply si Jillian. Besides, going away from here is probably for the better. Kapag nasa Manila na siya ay wala na ang treat na ikinatatakot ng ama. Pwede niyang i-request dito na wala muna siyang security detail habang nasa Manila.

She can unwind, try to forget the pain in her heart while Jason can visit his family. A win-win situation.

Pagkatapos maipadala ang email reply ay nagpadala siya ng text message direct sa number ni Mayor. Hindi nagtagal ay tumawag ito sa kanya. Jillian explained that her trip to Manila that she informed weeks before would commence earlier than anticipated because of the instruction from DOH. Matapos makausap ang mayor ay si Madel at Ruth naman ang tinawag niya. She also explained the same thing.

MISSION 1: Saving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon