Chapter 22 - Barrel of Secret

3.2K 179 23
                                    

Ilang beses humugot nang malalim na hininga si Jillian habang nakatitig sa baril sa harapan niya. Nakailang dry firing na siya kanina, pero iba na pala kapag may bala na sa harapan niya. Hindi niya magawan isuot ang earmuffs na iniabot sa kanya ni Jason.

“Relax, Jillian. And remember why we are doing this. Kailangang matuto kang protektahan ang sarili mo, baby,” malumanay na salita ni Jason. “Do you remember the rules I told you yesterday?”

Tumango siya. “Consider all guns are loaded. Always point the gun at a safe direction. Keep my finger off the trigger until ready to shoot. And be sure of my target and what’s behind it,” isa-isang tukoy niya sa cardinal rules of gun safety na nauna nang nasabi ni Jason sa kanya kahapon habang na biyahe sila papuntang Tagbilaran.

Matapos pumunta sa Caimbang ay sa Tagbilaran na sila pumunta. But Jillian insisted they book a resort in Panglao, kaya sa Alona Beach sila dumiretso at nag-reserve ng kwarto. At ngayong umaga ay nasa firing range sila sa Camp Bernido sa Tagbilaran.

Naturuan na siya ng Jason ng proper stance, grip, aiming at breathing. Ayon kay Jason ay sapat na ang dry firing nila kanina at ready na siya sa live firing. Pero bigla siyang kinabahan nang abutan na siya ni Jason ng earmuffs. At nadobleng lalo ang kaba niya nang ipatong ni Jason ang magazine na may tatlong bala sa tabi ng baril. All she needed to so is load, aim and fire. She just couldn’t bring herself to do it.

The reality that she will be firing a gun with a live bullet made her so nervous.

“Pwedeng ikaw muna? I don’t know if I can handle the recoil,” ani Jillian na kinagat pa ang labi.

Bumuntong-hininga si Jason, “You can, Jillian. Kanina ay nasubukan ko na ang grip mo at alam kong kakayanin mo ang recoiled ang baril. It’s your aversion to firearms that’s causing your nervousness.”

“Maybe. But can you show me muna how to fire a gun? Please?”

Umiling si Jason pero kinalauna’y nagpaunlak din. Lumipat sila sa kabilang shooting bench na higit na malayo ang target, sa estimate niya ay baka nasa fifty o sixty meters iyon, kumpara sa five meters na target na nakaset-up na tirahin niya. Parehas na silang nakasuot ng goggles kaya earmuffs na lang ang isunuot ni Jason.  Nang kunin nito ang baril sa holster na suot ay mabilis na isinuot ni Jillian ang earmuffs niya. Umatras siya nang bahagya at tinitigan ang nobyo. Si Jason naman ay tiningnan muna ang chamber, nilagyan ng bala saka ini-load ang magazine at ikinasa ang baril. He looked at the target, breathe deeply and fired. He shot three rounds before he removed the magazine, checked the chamber for lodge bullet, put the gun back in the holster then looked at her.

“Let’s take a closer look, baby,” nakangiting wika ni Jason nang alisin niya ang earmuffs.

Malayo pa lang ay napansin na kaagad ni Jillian na halos iisang butas ang dinaanan ng tatlong bala. “I don’t think I can do that, Jason,” aniya nang alisin ang paper target na tinira ni Jason. His shots were dead center. “Not on that speed and definitely not in this accuracy.”

“It’s okay, Jillian. We will focus first on your accuracy. Later na ang speed.”

Pabalik na sila sa shooting bench nang mapansin ni Jillian ng nakangiting lalaking nakatayo roon.

“Kahit hindi ko pa nakikita ay pupusta akong bull’s-eye at touching group shot iyan. Kailan ka ba naman pumalya, Arellano?” nakangiting salita nito bago pa man sila makarating sa lamesa.

“Gab! Bok! Kumusta? Long-time no see!” ani Jason na nakipagkamay sa lalaki. They have this intricate handshake that Jillian failed to catch. Rosales. Iyon ang nakasulat na pangalan sa uniform nito.

MISSION 1: Saving YouWhere stories live. Discover now