Chapter 2 - Abducted

5.8K 221 40
                                    

“Pasensya najud ka, doktora. Mao rani preskong isda didtos merkado ganina,” ani Nanay Auring. Ihinihingi nito ng pasensya ang pagkain ihinahayin sa kanya. Ayon dito ay iyon lang ang sariwang isda sa palengke kanina.

Napangiti si Jillian. Sa tagal nang pamamalagi dito ay nakauunawa na si Jill ng lengguwahe ng mga ito at maging siya ay na-adapt na rin ang local dialect, ang Boholano, “Jamo kay angay ipangayo ug pasensya, Nay Auring,” aniya na ang ibig sabihin ay wala naman itong dapat ihingi ng pasensya sa kanya. “Ang totoo ay ako nga po ang nahihiya at pati ako ay inaalala niyo palagi. Imbes na ang mga pamilya niyo ang ipinaghahanda ninyo ng agahan at narito kayo.”

Ikinumpas nito ang kamay, “Gamay rajud jamo ni nga butang kumpara sa sakripisyo nimo para sa akong mga kabaryo, Doktora.” Ayon dito ay maliit na bagay lang ang ginagawa nito kumpara sa sakripisyo niya para sa mga kababayan nito. “Kaya nga nahihiya akong hindi man lang kita naipaghanda nang masarap gayong alam kong ilang gabi ka nang sunod-sunod na napupuyat.”

Magdadalawang tao na siyang Doctor to the Barrio sa bayan ng San Isidro, Bohol. Barangay Health Worker si Nanay Auring na nakatira sa tabi lang ng Rural Health Center kung saan siya lumalagi. At inako na nito ang ipaghanda siya ng pagkain araw-araw. Nagbibigay na lang siya ng budget dito para sa pamalengke.

At sa tuwing dadalhan siya ng pagkain ay madalas itong humihingi ng pasensya. Ang hindi nito alam ay ang pagkaing ihinihingi ng pasensya sa kanya ay itinuturing niyang welcome upgrade mula sa mga fast food at ready to eat meals na nabibili niya sa convenience store noong nasa Manila pa siya.

“Gusto ko nga po ito, Nay Auring. Presko ug laman. Ang totoo ay nalulungkot ako sa tuwing maiisip ko na dalawang buwan na lang, babalik na ako sa Manila. Mamimiss ko po ang mga luto ninyo.”

“Inag balik nimo, doktora, lutuan takag mas lami pa ana,” anito na naupo sa tapat niya. Ayon dito ay lulutuan siya nito nang mas masarap sa pagbalik niya.

Hindi pa man siya nakakaalis ay nai-imagine na ni Jillian ang selebrasyon sa pagbabalik niya. Naalala niya noong una siyang dumating sa San Isidro. Pagbaba pa lang ng kotse ay tarpaulin na may welcome greeting ang bumulaga sa kanya. May picture iyon na grabbed mula sa social media account niya.

Mula noon ay para siyang local celebrity. Kahit saan siya pumunta’y laging may bumabati sa kanya. Kahit sa mga karinderya o saan mang lugar, basta nakita siyang walang kausap o nakatayo sa isang tabi ay laging may lumalapit sa kanya, kumakausap o kaya ay nagbibigay ng bangkong upuan.

“Lami nani jamo para naho, Nay Auring,” aniya na ang ibig sabihin ay masarap na para sa kanya ang niluto nito. “At mas na-excite ako na mas masarap pa pala dito ang iluluto niyo,” nakangiting sagot ni Jillian.

She can’t imagine herself staying in another place other than Bohol. She found her second home in this secluded place. Warm, sweet, caring souls who always have ready smile in their faces. And her weekend was filled with travels on all the beautiful tourist spots of this province. Mga tourist spots na hindi rin naman niya pinagsasawaang balikan.

This town maybe small, but the heart of the villagers are huge. At ang kabaitan ng mga mamamayan ng San Isidro ang dahilan kaya na-enjoy niya ang nakalipas na taon sa paninilbihan sa mga tao rito. Kung sa hospital setting ay isang kasalanang maituturing na unahin ang sariling pangangailangan bago ang pasyente, sa lugar na ito, kahit mahaba ang pila at maraming kailangang tingnan ay ipipilit muna ng mga pasyente na kumain siya, bago muling mag-check up.

Kahit salat sa maraming bagay ay ramdam niyang nagma-matter at may nakaka-appreciate ng ginagawa niya. Ramdam na ramdam ni Jillian na hindi lang siya ang nagmamalasakit dahil sa tuwina ay may dalang fresh produce para sa kanya ang mga pasyenteng siniserbisyuhan. Ang dahilan ng mga ito – kailangang maging malusog siya para mas marami siyang matulungan at mapagaling.

MISSION 1: Saving YouWhere stories live. Discover now