Chapter 10 - Courting Danger

3.8K 200 32
                                    

“GUSTO mo bang initin ko ang ulam?”

Muntik nang mapalundag si Jillian nang magsalita si Jason. Nasa kusina siya. Dahil hindi makatulog ay naisipan niyang bumaba para magtimpla ng gatas. Nakatayo siya sa harapan ng kalan habang inaantay kumulo ang tubig.

Akala niya ay tulog na ito. Narining pa niya ang pagbukas ng pinto sa silid na katapat ng sa kanya. Bago bumaba ay tumingin pa siya sa orasan. Dalawang oras na itong nasa kwarto noon. Dahan-dahan din ang ginawa niyang kilos para hindi ito mabulahaw.

“You almost cause me a coronary!” aniya nang humarap sa lalaki.

“Sorry. I didn’t mean to startle you,” apoligetic na salita nito. Naka puting t-shirt at dark green na shorts na may tatak na ‘Army’ ang lalaki.

She knew she should look away, but she can’t. She let her eyes feast in the eyes candy in front of her. And her foolish heart only sped up its beating.

Jason smiled. An all too knowing smile, “Nagugutom ka ba? Iinitin ko ang ulam.” Lumapit ito sa ref.

Tumukhim si Jillian, “Maggagatas lang ako. Thank you.”

Waring walang narinig ang lalaki dahil inilabas pa rin nito sa ref ang container. “Hindi ka naghapunan, Jillian.”

Kanina ay kinatok siya nito. Kakain na raw sila. Bukod sa hindi niya alam kung paano ito pakiharapan pagkatapos nang nangyari kanina ay naunahan din siya ng hiya. Imbes na lumabas ay nagkunwari siyang hindi ito naninirig. Sa halip kasi na siya ang magluto para dito ay ito pa ang naghanda ng hapunan nila. Cooking a sumptuous meal is the least she could do for him. Pero paano naman niya magagawa iyon kung limitado sa prito, nilaga, adobo, tinola at sinigang ang putaheng alam niya? Na sa kasama ang palad ay kung hindi matabang ay maalat naman?

Jillian decided to spend all those hours in her room watching cooking videos. Listing down recipe, picking all cooking tips she could get. One that she never thought she’d ever do. But for some reasons, she wanted to impress him.

“Masyado nang malalim ang gabi. Hindi na advisable kumain ng heavy meal,” sa halip ay sagot niya.

“You can skip rice. Kahit ito na lang,” ani Jason na lumapit sa kalan. Nagsalang ng kaserola at inilagay ang ulam na niluto nito kanina.

Jillian should move a little and give him space, but she remained rooted on the spot. Kahit na ba nadadanggil ng gilid niya ang gilid ng binata. Jillian fixed her gaze on the kettle while Jason continued stirring the viand. Sa amoy niyon ay nahihinuha niyang caldereta. It’s mouth-watering.

So is the cook.

Jillian bit her lip and took a deep breathe. “Sorry kung nagising ka pagbaba ko.”

Nagkibit-balikat ito. Ito na ang kumuha sa kettle at nagsalin ng kumukulong tubig sa mug, “Gising pa ako.”

“Thank you.” Dinampot ni Jill ang mug sa counter at naupo sa kitchen table. Kasunod na rin niya si Jason na ipinatong ang plato na may chicken caldereta sa harapan niya. “Ikaw?”

Ngumiti ito, “Hindi mo naman dala ang kaldero kaya kumain na ako kanina,” pabirong sagot nito.

Napatawa si Jillian. She’s amazed by him. He can be serious and funny the very next minute.

“How could you eat, eh, alam mong may taong galit sa iyo?” ganting biro niya. Hindi pa rin nabubura ang ngiti sa labi.

Napatawa si Jason, “Sanay na ako. Lahat ng rebelde at terorista sa Pilipinas galit sa sundalo. Kung isipin ko ang galit nila sa tuwing kakain ako, malamang hindi ako matunawan. Baka hindi ako sa bala mamatay, sa sakit ng tiyan. What an awful way to go,” muli itong tumawa pero natigilan din. “Oops. Sorry. Kumakain ka nga pala.”

MISSION 1: Saving YouHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin