Chapter 19 - Falling Deeper

3.6K 215 19
                                    

“Dok, kumusta man mahimong uyab si Sir Jason?” tanong ni Madel na naupo sa tapat niya, sinapo nito ang baba habang nakatitig sa kanya. Kinukumusta nito kung okay daw bang boyfriend si Jason.

Mula sa sinusulatang form ay sumulyap siya sa lalaking prenteng nakaupo sa bangko malapit sa pintuan ng center. Nabuklat na yata nitong lahat ang magazine at pamphlet sa center kaya pinahiram niya ito ng paperback na baon niya. Paglabas niya ng CR kagabi ay inabutan niya ito na binabasa ang paperback na naiwan niya sa bedside table. Ayon kay Jason ay isa rin sa pastime nito ang magbasa kapag nananawa na sa mga online games.

Jillian signed dreamily while still looking at him. Noong lunes ay pinuna na ni Madel na waring mas blooming siya pero binalewala niya iyon. Noong isang araw ay si Joanne ang bumiro sa kanya na parang may nag-iba sa kanila ni Jason at kahapon lang ay pinuna naman ni Ruth ang extra attention ni Jason sa kanya.

Jillian bit her lip to control her smile before she looked backed at Madel, “Pila ka adlaw namo sigig pangutana nako ana ba lain laing pamaagi pajud. Dili lagi mi uyab.” Ilang araw na siyang tinatanong nga ito at paulit-ulit naman ang sagot niya na hindi niya boyfriend si Jason.

Nanghaba ang nguso nito, “Alangan man gud, Dok, klaro kaajo nga naay something ninjo ni Sir. Labi najud kadtong gikan tas Panglao… Isi mog pasiplat. Inyong mga pahiyom. Sweet mo jamo samot nag tingpaniudto mura mig nay kauban nga bag ong gikasal.” Halata daw na may something sa kanila ni Jason mula nang pumunta sila sa Panglao. Sa mga sulyapan at ngitian nila. Sa ka-sweet-an nilang dalawa ay para daw may newlyweds na kasama ang mga ito.

Ibinalik niya ang atensyon sa form na sinusulatan. Matapos mafill-out lahat ng fields na kailangan ay ibinigay niya iyon kay Madel. “Ibalik nanis filing cabinet para makauli nata,” paiwas na sagot niya. Ala singko na noon nang hapon at sila na lang nina Madel at Ruth ang naroon. Ang ibang empleyado ng RHU ay nakauwi na.

“Kahibaw ka, Dok, ug magkauyab jud mo, kaming tanan dinhis center malipay jud. Bagay kaajo mong duha,” ani Madel bago tumayo. Ayon dito ay kung magiging sila ni Jason ay matutuwa ang mga ito dahil bagay silang dalawa. 

Bumuntong-hininga si Jillian saka muling tumingin sa lalaking busy pa rin sa pagbabasa. Kung alam lang ni Madel na gustong-gusto niyang i-claim na boyfriend niya ang lalaki, pero wala naman silang malinaw na usapan pagdating sa bagay na iyon. Maliban noong lunes ay hindi na ulit nila napag-usapan ni Jason ang estado ng relasyon nila. He never mentioned anything about them being together and Jillian is afraid to ask.

Lalo na’t bago naman may nangyari sa kanila ay nasabi na ni Jason na wala itong maipangangakong kahit na ako sa kaniya.

Sa wari’y naramdaman ni Jason na nakatingin siya dahil nag-angat ito ng mukha at ngumiti sa kanya.

“See? Ingana jud nga koniksyon, Dok, ba. Mutan aw ang isa, inag kataod taod mubalos pug tan aw ang isa.” Ayon kay Madel ay may connection sila ni Jason na tumingin lang ang isa ay tiyak na titingin na rin ‘yong isa. “Para kayong may magnet na dalawa,” nanunudyong salita ni Madel na ikinapula ng mukha ni Jillian.

Magnet? What’s going on between them is more than just a pull of a magnet. Sa bawat araw na magkasama sila ay lalong nahuhulog si Jillian sa binata. Ang tanong na lang ay kung parehas ba sila nang nararamdaman ni Jason.

Bumuntong-hinginga si Jillian saka bumaling kay Madel, “Tiwasa nana imong gibuhat para makauli nata.” Ipinapatapos na niya ang ginagawa nito para nakauwi na sila. Maging siya man ay inayos na rin ang mga gamit sa lamesa.

*********

“What’s bothering you, baby girl?” tanong ni Jason na yumapos mula sa likod niya. Ipinatong nito ang mukha sa kanyang balikat.

MISSION 1: Saving YouNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ