Chapter 8 - Guard Duty

4K 219 18
                                    

"Dok, pwedeng mangutana?" bulong ni Madel nang ibigay sa kanya ang record ng kasunod na pasyenteng titingnan niya. Inaaalam nito kung pwede siyang tanungin.

"Oo. Pwede oii bahin asa man?" balik-tanong ni Jillian. Tinatanong ni Jillian kung tungkol saan ang itatanong nito.

Mula sa kanya ay sumulyap ito sa lalaking nakaupo malapit sa pinto, "Uyab na nimo imong kauban? Daghan man gud ang gustong makahibaw." Hindi napigilan ni Jillian ang mapangiti. Gustong malaman ni Madel kung boyfriend niya ang lalaking kasama. Marami raw kasi ang gustong makaalam.

"Ako ang tinatanong nila kahapon pa, hindi ko naman alam ang sagot." Bukod kay Madel ay nakatingin din dito ang ilang pasyente na nasa center pa.

Mag-aalas singko na pero hindi pa rin nauubos ang tinitingnan ni Jillian. At wala naman kaso sa kanya kahit abutin siya ng gabi sa center. Wala naman nang bago roon. Kung may nabago man ay may nag-aantay na sa kanya. At hindi maiwasan ni Jillian na maasiwa dahil doon.

Nang araw na na-rescue siya ng military ay hindi rin kaagad siya nakabalik sa San Isidro. Nagpalipas pa sila ng isang araw sa Tagbilaran habang may mga tinatawagan ang ama niya. Noong araw din na iyon bumalik si Brix sa Manila na hanggang sa huli ay pinipilit pa rin siya na mag-residency na lang sa ospital kung saan ito nanggagamot. But she shot him down. She made it clear to him he can't make her changed her mind. Matapos noon ay ihinatid siya ng ama sa San Isidro at nakipag-usap nang personal sa municipal mayor, maging sa hepe ng pulisya.

Hindi na rin siya sa center lumalagi ngayon dahil kumuha ng bahay ang ama kung saan siya titira. Bahay na may dalawang kwarto dahil bukod sa kanya ay may kasama na siya. Muntik pa ngang maging tatlong tao ang bantay niya. Ipinakipaglaban lang niya sa ama iyon. Ang bahay na nakuha nito ay literal na katapat ng munisipyo, tawid-kalsada lang at tanaw ang police station. Sinabi rin niya sa ama na mas lalo siyang makakatawag ng atensyon kung gano'n karami ang bantay niya.

Mabuti na lang at napahinuhod niya ulit ang Daddy kaya naging isa na lang ang bantay niya, na walang iba kundi si Captain Jason Arellano. Kung papaano itong napapayag ng Daddy niya ay hindi niya alam. Pero sa isang banda ay wala rin namang magagawa si Jason kung sakaling iyon ang utos ng ama niya.

Ngayon ang ikalawang araw niya nang pagduty sa center matapos ang nagyaring pagdukot sa kanya. Noong unang araw na bumalik siya sa San Isidro ay hindi siya nakapagclinic dahil hapon na rin halos sila natapos sa pakikipag-usap sa mga opisyal ng munisipyo. Noon na rin siya nagpunta sa burol ni Andrie at personal na ibinigay sa ina nito ang perang nalikom niya para sana sa operasyon ng bata. Kasama pa niya ang ama roon dahil kahapon lang ito umalis pabalik sa Camp Tecson.

"Dili. Ngano man, naibog mo nuh?" Sinagot niya ito na hindi niya boyfriend ang lalaki at tinudyo na crush nito iyon.

Ngumiti ang dalagang midwife, "Di mi bagay, Dok, oi. Gwapo ra kaajo. Gaistorya mi ganina, murag buotan, unja manggitinahuron." Ayon dito ay hindi ito bagay sa lalaki dahil masyado itong gwapo, mukang mabait at magalang kung ibabatay sa pagkausap nito kanina. Mula sa lalaking tinatanaw ay bumaling sa kanya si Madel, "Kayo pong dalawa ang bagay, Dok."

"Talaga?" ani Jillian na hindi napigilang napangiti at muling sumulyap sa lalaki sa may pintuan, sa pwestong inokupa rin nito kahapon. Kinakausap ito ng matandang babae at base sa pagkakakunot ng noo ay mukang hindi maunawaan ang sinasabi ng kausap nito. Napangiting muli si Jillian.

"Oi si Doktora! Naibog pud ka nuh?" nanunudyong susog ni Madel. Tinutukso siyang may crush din sa lalaki.

Napatawa si Jillian. "Irescue sà na siya gikan ni Lola. Mukang hindi sila magkaunawaang dalawa."

Maging si Madel ay napatawa, "Sige po, Dok. Si Lola naman ang sunod nimong check-apon."

Nang lapitan ni Madel ang matanda ay tumayo rin si Jason at ito pa ang nag-alalay doon hanggang sa makarating sa lamesa niya.

MISSION 1: Saving YouWhere stories live. Discover now