Chapter 31 - Million Dollar Question

3.3K 189 10
                                    

“Nakilala mo na nang personal ang pamilya ko katulad nang napagkasunduan natin. How about me? Kailan mo ako ipakikilala sa daddy mo?” tanong ni Jason na yumapos mula sa likuran niya. Katatapos lang nilang maghapunan at niyaya siya ni Jason na tumambay sa garden sa likod-bahay ng mga ito.

Kanina ay pumasyal sila sa restaurant na pag-aari ni Jason. And Jillian was impressed. Malawak iyon. Sa estimate niya ay nasa one hundred ang seating capacity ng restaurant. At kung ang bilang ng mga parokyanong inabutan nila kanina ang karaniwang bilang ng customer doon ay hindi na nakapagtatakang makapagpatayo pa ng iba pang branch sina Jason. At base sa sales report na ibinigay sa kanila ni Dhey kanina ay maganda talaga ang kita ng restaurant.

Humawak si Jillian sa kamay nitong nakapaikot sa may tiyan niya at sumandal sa dibdib ng kasintahan. Mabuti na lang nakatalikod siya kay Jason. Hindi nito nakita ang pangambang biglang gumihit sa mga mata niya. She’d been purposely delaying what Jason is requesting. Pero mukhang hindi na niya made-delay pa iyong muli.

“I’m not yet sure when, Jason. Busy si Daddy. May mga tatapusin pa raw siya sa Camp Tecson. Kaya nga sa lunes ay duon na ako dederetso para magkasama rin kami. Tuturuan ako ni Daddy na bumaril gamit ang rifle. Then mag-cecelebrate pa raw muna siya ng birthday niya roon sa Martes bago kami pupunta sa San Juan sa Miyerkules. He wanted to celebrate his birthday na kaming dalawa lang.”

“Eh di doon na lang kita ihahatid sa Camp Tecson. At habang busy ang daddy mo ay ako na muna ang magtuturo sa’yo,” ani Jason na nag-umpisang paglakbayin ang labi sa gilid ng kanyang mukha papunta sa may tenga. “I’m addicted to your smell, baby girl,” he growled.

Ikiniling ni Jillian ang mukha. Binigyan ito nang mas maayos sa access sa kanyang leeg. “Bonding time namin ni Daddy iyon. Hayaan mo na sa kanya ang kaligayahan na siya ang nagturo sa akin. At saka di ba bakasyon mo? Bakit aalis ka rito? Sulitin mo muna ang oras mo kasama ang pamilya mo.”

Jason nibbled the base of her neck. He embraced her tightly. And Jillian gasped when she felt his lower body.

“I’m sure they won’t mind me leaving again. Maunawaan nila kung bakit aalis ako kaagad.” Jason thrust on her behind.

They’d been trying to ignore the sweet pull since they reached Jason’s house, but to no avail. Jason would still sneak hot kisses and heated touch whenever there’s a chance. And they almost lost it earlier when Jason showed her his room. She found herself pinned in his soft bed, their tongues mating while their hands are frantically groping each other’s body. Nagulat siya nang biglang tumigil si Jason. Pero nasagot ang tanong niya nang makarining ng katok sa pinto. Si Laney iyon. Pinapatawag na raw sila ni Nanay Beth at nakahayin na ang hapunan. 

“I’m sure they won’t mind...” she moaned and she pushed back against him. “But I would. I want you to enjoy your vacation with your family.”

Jason grunted, “You don’t want to be with me anymore, baby?”

Umiling si Jillian, “Of course not. Isang linggo o baka nga mas maunting araw mo lang silang makasama. Aftert ng short vacation ko with Daddy at after ng meeting ko sa DOH sa Friday ay babalik na tayo sa Bohol. At sabi mo nga ay masosolo mo na naman ako. So stay here and enjoy your time with your family.”

Huminga nang malalim si Jason, halatang hindi natutuwa sa gusto niyang mangyari.

“Bond with your family and I will bond with my Dad as well. Ilang araw lang naman tayong hindi magkakasama. Mabilis lang iyon,” masuyong paliwanang ni Jillian.

“Mabilis? Alam mo bang kinabagutan mo ang maghapon na hindi kita kasama, Jillian. Na kung pwede ko lang higitin ang mga oras na wala ka sa tabi ko ay ginawa ko na. I am enthralled by you, baby. I am beyond whipped,” Jason murmured while his lips travelled up.

MISSION 1: Saving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon