Chapter 3 - His Mission

4.7K 225 19
                                    

"ARELLANO, magreport ka raw sa head quarters."

Mula sa ginagawang report ay napalingon si Jason kay Major Guevarra. "Sir?"

"Ipinatatawag ka ni Brigadier General Sullivan. Gusto ka raw makausap nang personal."

"Tungkol saan, Sir?" kunot-noong tanong niya. Hindi maiwasan magtaka ni Jason kung bakit siya ipinatatawag ni BGen Sullivan, ang Commander ng Regiment nila. Isa ito sa tinitingala at hinahanganang heneral hindi lang sa Scout Ranger Regiment, maging sa buong Army.

"Something about a mission. Pero walang nasabing specific si Lieutenant Colonel Advento. Basta magreport ka raw sa Camp Tecson. Bring your things. Aalis ka na raw ngayon din mismo."

Mission? For him? Direct from the commander? Kahit nagtataka ay tumayo si Jason.

He fought hard to control the grimace he almost made. Akala pa naman niya ay makakapahinga siya ngayon. Katatapos lang ng isang malaking operation kahapon at kaninang madaling araw lang sila nakabalik sa detachment. Halos isang linggo siyang walang maayos na pahinga at tulog. Ang tanging konsolasyon niya ay maayos na na-execute ang plano nilang pagkubkob sa kuta ng mga rebelde at walang casualty sa hanay nila.

Instead of focusing on the badly needed rest that won't happen, Jason reminded himself that this is what he signed up for. At dapat pa rin niyang ipagpasalamat na kahit papaano ay nakapagpahinga siya ng ilang oras, nakaligo at nakapag-ahit na. Mas okay iyon kesa noong nasa Marawi siya na talagang wala na halos tulog, ligo at maayos na kain ay sugod na naman sa ground zero.

They go without food, rest or sleep. Kailangang sumunod sa utos kahit na hindi pa iyon lubusang malinaw sa kanya. At ang sitwasyon niya ngayon ay isang classic example noon. He will follow his superior and go where he was ordered to, even though he have no clear idea what is the mission. But one thing is for sure - this is a big mission, considering na si BGen Sullivan pa ang personal na kakausap sa kanya.

Matapos nailagay ang lahat ng gamit sa rucksack at makapagbihis ay nagdial siya sa cellphone. Ipapaalam lang niya sa pamilya na ilang araw na naman siyang mawawalan ng contact sa mga ito. Kung gaano katagal ang ilang araw na iyon ay hindi pa niya alam sa ngayon.

Isa ito sa mga inaayawan niyang parte sa tuwing may mission order - ang pagsasabi sa pamilya na muli na naman siyang susuong sa isang misyon. Not that he is afraid of the mission ahead. He had long erased fear and cowardice in his vocabulary. Jason knows the importance of his job - they are the one who walk in the darkness to deliver the light. They are the one who face the conflict head-on, round the clock, so others can peacefully work by day and sleep at night. And he vowed to fulfil his sworn duty until his last breath.

He is just wary because his family will surely be worried for him. Lalo na ang ina. Pero kailangan niyang sabihin, para kung ano't ano man ay handa ang mga ito sa posibleng mangyari sa kanya. At sa mga ganitong pagkakataon ay hindi niya maiwasan maalala ang sinabi sa kanya ng isang espesyal na babae noon - na dapat may nerve of steel ang maging partner niya. Babaeng kakayanin ang uri ng trabaho niya.

Ang tanong na lang ay may babae bang kakayanin - at gugustuhin - ang laging mag-alala?

"Hello, anak? Kamusta?" anang boses na sumagot sa kabilang linya.

"Hello, Nay..." Nagfocus na lang si Jason sa kausap sa kabilang linya. Matapos ipaliwanang sa ina na may misyon siyang kailangang gawin ay nagpaalam na rin kaagad siya. Hindi na rin naman nagtanong ng specifics ang ina niya dahil kabisado na nito na wala naman siyang sasagutin sa mga tanong nito. Tanggap na rin nito na ang purpose ng tawag niya ay para lang talaga nagpaalam na mawawalan ang mga ito ng contact sa kanya sa loob ng ilang araw.

MISSION 1: Saving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon