Chapter 43 - His Promise

3.6K 208 33
                                    

“I’ll see you in your scheduled follow-up check-up,” ani Doctor Palermo, iniabot sa nurse na kasama ang medical records si Jason. Kaibigang matalik ng ina niya si Doctor Palermo, na ninong din niya sa binyag.

Nagbigay na ito ng go signal ang na pwede nang makauwi si Jason sa bahay. Noong nakaraan pa nila napagkasunduan na dahil may follow-up check-up pa si Jason ay makabubuting sa kanila muna tumuloy ang fiancé at saka na lang sila uuwi sa Laguna kapag siguradong okay na talaga ito.

“May tanong pa ba kayo?” anito na tumingin sa kanya at kay Jason.

“Meron pa po, Doc. Pero pwede bang ibulong ko?” ani Jason na umayos pa nang pagkakaupo sa gilid ng kama. Nakalawit ang paa nito sa hospital bed dahil nakakabangon na si Jason. Makakapunta na ito sa CR, pero sa tuwina ay inaalalayan pa rin niya kahit na sinasabi nitong kaya na nito ang sarili.

Base naman sa monitoring ng vitals nito at maging sa mga lab test at other examinations na ginawa ay maayos naman na talaga si Jason. At hindi naman sila bibigyan ng clearance na makauwi kung hindi pa talaga okay ang fiancé. Sadya lang talagang gusto ni Jillian na inaalagaan ito. Maging ang pagpapaligo sa fiancé ay inako na rin niya. Kaya nga madalas na biruin ni Tatay Julio ang anak na ang laki na nito pero nagpapa-baby pa sa kanya.

Nagpaunlak naman ang ninong niya. Inilapit ang tenga kay Jason at hinayaang ibulong nito ang tanong. Hindi pa man tapos ang pagbulong ni Jason ay may gumuhit na ngiti sa labi ng doctor.

“Sige na, Betty. Sa labas ng kwarto mo na ako antayin,” taboy nito sa nurse na kasama. Nang makalabas ang nurse ay tumikhim muna ito bago sumagot, hindi pa rin nabubura ang ngiti sa mga labi, “Tingin ko’y si Jillian ang mas dapat na tinanong mo niyan, hijo.” Sumulyap sa kanya ang ninong, halata ang kaaliw sa mga mata.

“Tinanong ko na po siya kanina. I’m just getting a second opinion,” seryosong sagot ni Jason.

Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Jillian bago nanlaki ang mga mata. Hoping against hope na hindi ‘iyon’ ang itinanong ni Jason sa ninong niya.

Napatawa ang doktor. “Well, katulad nang sabi ko kanina, no strenuous activity for now. And that, as much as it was pleasurable, can be strenuous when done wrong. But that would be okay if you’re not the one doing the heavy lifting. Just keep it simple for the meantime. Forget Kama Sutra. Stay vanilla muna.”

Napasinghap si Jillian nang makumpirma na ‘iyon’ nga ang itinanong ng fiancé. Namula ang mukha niya at hindi niya alam kung saan susuling.

“Don’t overdo it, though. Listen to Jillian when she said you had enough. Besides, you literally are at her mercy, hijo,” natatawang dagdag nito saka sumulyap sa kanya.

Ngumiti ang fiancé niya. “I’m glad I asked for a second opinion.”

Lalong namula ang pisngi ni Jillian at tumawa naman ang ninong niya. Sumulyap si Jason sa kanya. Tinangnan niya ang fiancé sa nanliliit na mga mata, pero kinindatan lang siya nito.

“Any other question?” natatawa pa ring tanong ni Doctor Palermo.

“Wala na po, Ninong. Thank you,” mabilis na sagot niya habang binibigyan nang nagbababalang tingin si Jason.

Muling tumawa ang doktor. “Okay. Ikaw na muna ang bahala sa pasyente natin, Jillian. For sure naman na alam mo na ang dapat gawin sa kanya. I’ll prepare his discharge papers,” anito bago tuluyang nagpaalam sa kanila. Nagpasalamat si Jillian at ihinatid niya sa pintuan ang ninong.

Nang mapag-isa sa kwarto ay lumakad siya palapit kay Jason habang binibigyan ito nang naninitang tingin. Nang makarating siya sa harapan nito ay namewang siya. “You did not, Captain Arellano!” she spoke indignantly.

MISSION 1: Saving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon