Chapter 36 - Far Away

3.1K 189 9
                                    

Jillian smiled as soon as she saw who sent her a message. She also let out a huge sigh of relief. Tatlong araw na siyang hindi makinali at ngayong nagchat na ito ay biglang gumaan ang pakiramdam niya.

“Pupusta akong kay Papa Jason galing ang message na binasa mo,” nanunudyong salita ni Tammy. Naglalakad na sila papunta sa parking lot. Ngayon ang huling araw ng reporting nila sa university at bago umuwi ay kumain muna sila ni Tammy. Pinag-usapan na rin nila kung anong oras sila magkikita bukas. They planned a short vacation in Tammy’s grandparents beach house in Ilocos Norte before they returned to their DTTB assignment. “Parang bumukas ang langit at may bumabang mga anghel na may hawak na trumpeta, ah. Daig mo pa ang nanalo sa lotto sa saya.”

Kilala ni Tammy si Jason dahil bukod sa mga kasamahan sa San Isidro RHU, ang babae ang isa sa mga naunang tumawag at bumati sa kanya nang makita ang engagement post niya sa social media four months ago. Ito rin ang kasama niya sa loob ng tatlong buwang masteral classes na parte ng DTTB program ng DOH at madalas na marining ni Tammy ang kwentuhan nila ni Jason. She also introduced them to each other via video chat two months ago. Isinisingit niya ang pagtawag kay Jason sa tuwing may pagkakataon.

“Kapag na-in love ka, ako ang unang-unang mang-aasar sa iyo. Makita mo,” nakangiting sagot ni Jillian. Tumigil siya sa tapat ng kotse niya.

“Me and in love in a sentence? Yeah, right," ani Tammy na pinaikot pa ang mga mata.

Napatawa siya,"Wag kang magyadong confident. I can see na decided si Doc JP na i-pursue ka."

Nalukot ang ilong si Tammy dahilan para lalo siyang mapatawa.

May ka-batch silang DTTB, si Dr. John Paul del Mundo, na nagpahiwatig na manliligaw sa kaibigan, pero kaagad na sinabihan nito na walang oras sa pakikipagrelasyon. Inusisa niya kung bakit hindi nito binigyan ng chance si John Paul. Ang sagot ito ay naubos na ang tiwala sa mga lalaki. Lalo na raw sa may mga John ang pangalan. Ilan na raw ang John na naging ex nito na puro sakit sa puso at kabiguan ang idinulot sa kaibigan.

"Sige na. Call your Papa Jason na at alam kong sabik na iyang makita ka kahit sa video call lang,” ani Tammy na sumenyas pa sa kanya bago lumulan sa sariling sasakyan na nakaparada sa tabi ng kotse niya. Ibinaba nito ang bintana at kumaway sa kanya, “See you tomorrow, love. Ingat ka.”

“Ingat ka rin, babe.” Kumaway si Jillian sa babae bago sumakay sa sarili niyang kotse. Pero imbes na paandarin ang sasakyan ay nagheadset siya at kaagad na pinindot ang cellphone at inaantay ang pagsagot ni Jason sa kabilang linya.

“Hi, baby girl. I missed you. Sorry, wapaligs at mukhang ermetanyo pa ako,” bungad nito pagsagot sa video call niya. Ayon sa chat nito ay literal na kadarating lang sa kampo at hindi pa nakakapaligo at nakakapag-ahit man lang.

Jillian can’t erase the smile on her face. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakita niyang may facial hair si Jason. Sa loob ng apat na buwan ay madalas mangyari na nagtatawagan muna sila bago pa maligo at makapag-ahit ang fiancé. Iyon ang usapan nila. He must to let her know as soon as he’s back in their detachment. “It’s okay. Kahit hindi ka pa naliligo at walang ahit, ikaw pa rin ang pinaka gwapong sundalo para sa akin.”

“Kanino ka natuto nang ganyang pambobola, baby girl?” nakangiting sagot ni Jason. Base sa background nito ay nasa loob na ng silid ang lalaki. Inalis nito ang chest rig at hinuhubad na ang uniform.

“Excuse me, Captain,” Jillian answered with fake indignity.  “You knew who my teacher is. Magaling po ang teacher ko at marami na siyang naituro sa akin, pero hindi kasama roon ang pambobola at pagsisinungaling.” Jillian bit her lip and wink at him.

“Hot damn, baby girl! Mag-uumpisa ka na naman. Wag kang ganyan, please,” bakas ang paghihirap sa mukha ni Jason.

At imbes na pakinggan ang pakiusap ng fiancé ay lalo lang itong tinukso ni Jillian, “Anong wag ganyan? Anong bang ginawa kong mali, Captain? Meron ba?” kunwa’y walang muwang na sagot ni Jillian. Itinaas niya ang hinliliit at saka iyon inipit sa ngipin.

MISSION 1: Saving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon