"Another, please." agad namang nilagyan ng tindero ang baso nito. At ngingiti-ngiti pa ito habang kumakain na tila sarap na sarap pa ito sa pagkain niyon.

Ang fishball, kikiam at hotdog ang mga paborito niyang street foods at siya ang madalas na makarami sa kanilang magkakaibigan sa pagkain niyon kapag nagkayayaan sila. Mukhang talo na siya kay Ethan ngayon. Kakaubos palang niya sa kinakain niya samantalang nakaisang baso na naman ito.

"What?" anito na tila may sakit siya na nakakahawa dahil naaasiwa ito sa mga tingin niya rito. "I was like an alien or something because of the way you look at me."

Natawa siya sa sinabi nito. "I'm sorry but I just can't help it. Kahit naman sino ay hindi nila mai-imagine ang isang Ethan Divero na masarap pang kumain sa akin ng fishball, kikiam o ng hotdog na sa tabi-tabi lang nabibili. And take note, it only cost one peso. Pero sarap na sarap ka." Tumigil ito sa pagkain. "Wait. Did I say something wrong?" baka kasi nagalit ito sa sinabi niya.

"Nah, no." Kumain ulit ito at inubos iyon. "Are you done?" Tumango siya. "You want more?" umiling siya. "Good. I tell you something." Nagbayad ito ng isang libo sa tindero at hindi na humingi ng sukli. Hinawakan siya nito sa kamay niya at naghanap ito ng isang mauupuan. Wala silang makita dahil nasa kalsada sila kaya't napagpasyahan na lang nilang maglakad-lakad. Inihabilin nito ang sasakyan nito sa tindero at tumango ito at nangakong babantayan nito iyon.

Pero hindi iyon ang nagpapagulo ng isip niya kundi ang kamay nito. "Bitiwan mo na ako." pabiglang sambit niya. Dahil baka nai-imagine nito na si Hope ang ka-holding hands nito.

"What's wrong?" nagulat din ito sa naging reaksyon niya.

"Wala lang." nahihiyang sambit niya. "Hindi lang ako sanay na may humahawak sa kamay ko."

"Really?"

"Bakit pagtatawanan mo ako?"

"Of course not." Nagseryoso ito habang naglalakad. "Would you believe if I tell you I'm not a real Divero?"

"What?"

"I'm not a real Divero, Sophie." There is grief in his voice.

She stopped without noticing it. Huminto din ito sa paglalakad. She just can't believe what he was telling her right now.

Bumuntong-hininga ito. "My mom got pregnant when she was fifteen. When she found out that she's pregnant she wanted to abort me because she can't afford to have a baby. Ayaw daw siyang panagutan ng aking ama. She stowed away and no one knows if what happen to her until she met my foster parents."

Hinihintay niya ang susunod na sasabihin nito pero hindi ito nagsasalita. "And then what?"

Natawa ito sa reaksyon niya. "You're funny."

"Pwede ba huwag mo akong pagtawanan ngayon. Seryosong usapan ito."

"Okay, okay, I'll continue. Natuwa lang ako sa naging reaksyon mo. You're so serious. You really wanted to know me." Sinabi nito na namasukan bilang katulong ang tunay na ina nito at kahit na menor de edad ito ay tinanggap daw diumano ng mga Divero ito dahil na rin sa awa rito. At ng makapanganak ito ay bigla na lang daw itong nawala sa ospital at simula noon hindi na muling nagpakita ito. "My foster mom loves me so much but not my foster father." Ikinuwento nito na baog si Mrs. Divero at walang kakayahang magkaanak. Kaya't napagdesisyunan daw ng mag-asawa na ampunin na lang siya dahil tuwang-tuwa daw si Mrs. Divero sa kanya at gustong-gusto nitong magkaanak. Pero hindi anak ang naging turing ni Mr. Divero sa kanya. Hindi naman daw nito sinasaktan si Ethan ngunit hindi lang niya maramdaman ang pagiging isang ama nito. "I asked my mom why he was like that and then she told me that I'm not their real son. From then, all I did is to make them proud. For all of my life, I live to please dad and never make him disappointed. I want to be worthy of being a Divero. Ayokong pagsisihan nila na inampon nila ako."

Kaya palang ginagawa nito ang lahat para hindi nito ma-disappoint si Mr. Divero. "I know they won't regret having you as their child." Mula sa pusong sambit niya. Hindi man sila matagal na magkakilala nito. Alam niya na naging mabuting anak si Ethan. Alam din niya na napakaganda ng naging pagpapalaki ng mga ito dito.

"Yes, I know. I believe you." anito. "Let's go back. Mukhang inaantok ka na." nahuli kasi siya nitong humihikab.

"Slight lang." naglalakad sila pabalik sa kung saan naroon ang sasakyan nito. "Ethan." tawag niya sa pangalan nito.

"Hmmm?"

"Why you told me this?"

Nagkibit ito ng balikat. "I don't know, Sophie. I never told anyone about this. You might be special, that's why."

Napahinto siya. "Ako? Espesyal ako sayo?" Sapat na ang sinabi nito upang mapawi ang sakit na nararamdaman niya. He always makes her feel good when she feels bad. She was just so lucky for having Ethan in her life.

"Don't dare not to believe it. You have to believe it because it's true."

"Teka, asan na iyong fishball dun?"

"Oh yeah. Kahit na may kinikilala na kong mga magulang. I still wanted to meet my real mom. I hired an investigator to find where she was. Nalaman ko kung saan siya nakatira at kung anong buhay ang meron siya. She was living in a small house. Squatters' area ang tawag nila dun. Nakita ko kung gaano kahirap ang buhay niya. Pero hindi ko na siya nakilala dahil namatay na siya. Nagkaroon siya ng implikasyon noong ipanganak ako dahil napakabata pa niya noon. Mukhang sinadya niya na iwanan ako sa mga Divero dahil alam niya na mabibigyan nila ako ng magandang buhay." Lumingon ito sa kanya. "I tried to experience the life she has. At isa sa mga iyon ang pagkain ng fishball. Hindi ka filipino kung hindi kumakain niyon."

"Hmmm, ganoon pala. Kasi naman wala pa yata akong kakilalang mayaman na mahilig sa street foods. " Pilit niyang iniisip kung mayroon nga ba pero wala talaga. "That's why I can't help it."

"Sigurado ako na mahal na mahal ka rin ng tunay mong ina. How about your real father?"

"Walang nakakaalam kung nasaan na siya."

Pagdating nila ay agad siyang pinagbuksan ng pinto ng sasakyan nito. He was a gentleman. Pumasok siya roon at agad na sumandal roon. Pakiramdam niya ay namimigat na ang katawan niya. Ang daming nangyari sa araw na ito at wala siyang pinagsisisihan na kahit ano maging si Owen ay hindi na niya pinaghinayangan. Bahala na rin ang diyos sa kung anong dapat nitong gawin sa lovelife niya dahil hindi na siya aasa sa Future Boyfriend Checklist niya dahil hindi iyon ang tama.

She was creating her own perfect man that really not existing that's why she can't find the real man for her because she was living in the shadow of that perfect man who's just a creation of her imaginative mind. Now, she realized how immature she was because she realized that there is no perfect man but a real man. And she will just let God decide for her love story. Hindi na niya pakikialaman ito.

Narinig niyang nagpasalamat ito sa tindero bago ito pumasok sa kotse nito. "Yeah, I know. I know how lucky I am, Sophie. At kahit ampon lang ako ay hindi ako nagalit sa diyos dahil napatunayan ko na mas marami ang nagmamahal sa akin. And I want you to be one of them, Sophie."

Pakiramdam niya ay sumaya siya sa sinabi nito. Pero hindi na niya magawang magmulat dahil masyado ng malakas ang pwersa ng antok sa kanya. Hindi na nalabanan iyon.

"Silly, you're sleeping." Narinig niya ang mahinang pagtawa nito.

I'm Not The Only OneWhere stories live. Discover now