"Hindi." Kalmang sambit niya. Maging siya ay hindi na rin niya maintindihan ang sarili niya. Ano bang kababalaghang nangyayari sa kanya.

"Sigurado ka?" hindi naniniwalang sambit nito habang nakatitig sa kanya.

Itinakip niya ang isang kamay niya sa kanyang mukha. Hindi siya kailanman nailang sa isang lalaki. Maging dito ay hindi pa niya naramdaman iyon. "Pwede ba huwag mo kong tititigan ng ganyan." she suddenly felt intimidated with him.

"And what's with my look?" pilit nitong inaalis ang kamay niya sa kanyang mukha. Pero nanlaban siya para hindi nito magawa iyon. Tawa lang ito ng tawa. Kung tutuusin ay dapat ay magalit na siya rito dahil pinagtitripan siya nito pero lalo lang yatang naging gwapo ito sa kanyang paningin dahil sa masayang tawa nito. Hanggang sa tumigil na ito sa ginagawa nito. "You don't have to do that. You're beautiful, Sophie."

Awtomatikong umalis ang kamay niya sa kanyang mukha. "Maganda ako?" seryosong tanong niya.

Tumango ito. "Yes. Why?" nagtatakang tanong nito.

Maraming tao na ang nagsabi na maganda siya pero hindi siya naniniwala dahil hindi naman niya maramdaman ang salitang iyon. She never believed that she's beautiful until Ethan comes along and he makes her feel like she is. Napangiti siya dahil pakiramdam niya ay hindi lang si Janno Gibbs ang may karapatang sabihing siya ang pinakamagandang lalaki sa mundo dahil may pinakamagandang babae na rin at siya iyon.

Inilapit ni Ethan ang mukha nito sa kanya pero hindi para halikan siya dahil halatang gusto nitong mang-asar. "Kinilig ka?"

Pinigilan niya ang pagngiti. "Syempre, hindi."

"Oh? You want me to believe that? Sorry to disappoint you but you don't know how to lie."

She pouted her lips. Bakit ang hirap utuin ng lalaking ito? Ramdam kasi niya ang kilig na sinasabi nito. She inhaled. Ano ba itong nararamdaman ko para sa kanya?

Tinanong siya nito kung saan niya gustong kumain. Ang sagot ay niya ay kahit saan basta huwag lang sa mamahaling restaurant dahil sa ganoong lugar siya madalas dalhin ni Owen.

"Oh, there's a fishball vendor there. Hindi mamahaling restaurant iyan."

Nakababa na ito ng sasakyan samantalang tulala pa rin siya. Hindi na niya mabilang kung nakailang tulala siya sa gabi na ito ng dahil dito. Siya, niyayaya ng presidente ng pinakasikat na Investment Company sa buong bansa na kumain ng fishball? And he looks so excited.

"Hey.." hindi niya namalayan ang pagbukas nito ng pinto. "C'mon." iniumang nito ang isang kamay nito upang alalayan siya sa pagbaba. Pero hindi pa rin siya gumagalaw. Nag-iba ang mood nito at tila nalungkot ito. "You don't eat fishball, do you? Maghanap na lang tayo ng ibang lugar."

At siya pa ang hindi kumakain ng fishball. "At ako pa ang tinanong mo ng ganyan samantalang di hamak na mas mayaman ka sa akin."

"You're not still moving. Baka lang ayaw mo."

"Totoo? Kumakain ka ng fishball?" hindi makapaniwalang sambit niya.

"Try me." panghahamon nito.

At hinamon pa siya nito. "Sige ba." Bumaba siya ng sasakyan ng hindi nagpapaalalay rito. Naglakad siya palapit sa nagtitinda ng fishball. Tignan lang niya kung totoo bang kumakain ito ng ganoon. Baka naman kasi nagpapa-impress lang ito. Teka, bakit naman siya magpapa-impress? Napailing siya. Kung ano-ano na ang naiisip niya.

Kumuha siya ng dalawang malalaking baso at naglagay siya ng mga fishball, kikiam at hotdog sa mga iyon. As in, punong-puno ang mga iyon. Tignan lang niya kung mauubos nga nito iyon. Hinayaan niyang ito na lang ang maglagay ng sauce nito. "Game." nag-unahan sila sa pag-ubos niyon.

I'm Not The Only OneOù les histoires vivent. Découvrez maintenant